CHAPTER TWENTY NINE

94 1 0
                                    

CHAPTER 29: Her Mother

Kadiliman.

Wala akong ibang maaninag kundi kadiliman lamang. Ramdam kong nakatali nang mahigpit ang mga kamay at paa ko.

Nasaan ako? Anong nangyari?

Ah, tama. Dinukot ako. Sino nga ulit yung mga dumukot sa akin? Ah, hindi ko pala sila kilala. Mga estranghero.

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit naging sanhi lamang ito ng pagsakit ng ulo ko. Pakiramdam ko nahihilo ako, nasusuka.

Nakakabinging katahimikan ang maririnig sa lugar kung nasaan ako.

Gusto kong umalis dito. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin.

Pakiusap, tulungan niyo ako.

Iligtas mo ako...
____

Ferin POV

Tsk. Tsk. Tsk.

Napailing ako habang nakatitig sa walang malay na katawan ng lalaking nakaharap ko kanina. Nakatali ito ngayon sa isang puno at duguan ang buong katawan.

Akalain mo nga naman, naturingang trained assassin ngunit wala namang isip. Sinong mag-aakalang natalo ng isang tulad ko ang trained assassin ng hari ng Suffiron? Nakakatawa.

"Malas mo kung may napadaan na anomang nilalang dito. Sigurado akong lasog-lasog 'yang katawan mo." Natatawang bulong ko.

Pero agad din sumeryoso ang mukha ko. Kailangan ko nang umalis.

Tinalikuran ko na ito at mabilis na tumakbo sa direksyon kung saan pumunta ang mga kasamahan niya.

Kailangan kong magmadali. Alam kong sa mga oras na ito, delikado na ang buhay niya.

Alam ko dahil nararamdaman ko.

Nasa panganib ang buhay ng anak ko..
_____

~(Flashback)~

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mama. Puno ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at sa umbok sa tiyan ko.

Itinago ko sa kaniya na ilang buwan na akong buntis

"Wala kang kwentang babae! Hindi ka namin pinalaki ng ama mo para magpabuntis lamang kung kani-kanino!" Galit na galit niyang sigaw.

Hindi ko na natiis ang galit na sumiklab sa aking loob. Tsk. Sinungaling!

"Hindi naman kayo ang nagpalaki sa akin! Ako! Ako mismo ang bumuhay sa sarili ko!" Nagsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngunit agad ko rin itong pinunasan.

"Anong sabi mo--"

"N-nasaan kayo ni papa noong wala nang pagkain dito sa b-bahay, noong mga oras na wala na akong makain na kahit ano?..." Dahan-dahan akong umiling. "Noong mga oras na may sakit ako, nasaan kayo? Wala! Wala kayong ginawa kundi ang magsugal..."

Lalong nagalit si mama at sa pangalawang pagkakataon sy sinampap niya ulit ako na naging dahilan ng pagkakaupo ko.

Nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking tiyan. Halos mamutla ako ng makita ang napakaraming dugo na dumadaloy palabas sa akin.

Nanginig akong napatingin kay mama.

"M-mama..."

Unti-unting nanlabo ang aking paningin. Ngunit naaninag ko kung paano tumakbo si mama palabas ng bahay.
___

Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

Ang araw kung saan pinatay ni mama ang anak ko...

Kasalanan niya!

"Ano ba 'yan! Naka-ilang bote ka na ng alak Fey. Lasing ka na!" Inagaw ng kasamahan ko ang hawak kong bote. Balak ko pa sana itong ubusin.

Haha... Bakit? Gusto ko pa..

"Akin na nga 'yan! Ang kill joy nito! Hindi ba't kaya tayo nandito sa club ay para maglasing? Duh!" Natatawa ko siyang inikutan ng mata. Hays..

Limang buwan na ang nakalipas noong malaman kong nakuhanan ako. Masakit. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit.

Pero ano bang magagawa ko? Wala na, nangyari na.

Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Nasasaktan talaga ako.

"Umiiyak ka na naman. Sandali nga, dito ka lang, ah! Hihingi ako ng tulong para mai-uwi ka,"

Ilang minuto akong umiyak hanggang sa naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Kawawa ka naman, binibini. Anong sanhi ng 'yong pagluluksa?" Sambit ng lalaki.

Nagtatakang napalingon ako sa lalaki. Na-wiwirduhan ako sa paraan ng pananalita niya.

"Wala kang pake! Umalis ka na nga!"

Kahit malakas ang mga hiyawan ng tao sa club ay rinig na rinig ko kaniyang paghalakhak. Tsk.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang iyong nais."

Sandali akong nanahimik. Ano nga bang gusto ko?

Marami.

Gusto ko ng payapang pamumuhay.
Gusto kong magkaroon ng maayos na pamilya.
Gusto kong... ibalik ang buhay ng anak ko.

"Binibini?"

"Gusto kong mawala sa mundong 'to. At kung pwede, sana mapunta ako sa lugar kung saan magiging tahimik ang buhay ko."

Before The Coronation Where stories live. Discover now