CHAPTER THIRTY

92 2 0
                                    

CHAPTER 30: Demons

Third Person POV

"Ate, nandito po ba kayo?"

"Oh, nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay, akala ko kung saan ka na nagpunta."

Napayuko ang bata at napanguso. Napa-iling na lamang ang nakakatandang kapatid nito.

"Ate... Kailan ko po kaya ulit natin siya makikita?" Biglang tanong ng bata sa kaniyang kapatid.

Napabuntong-hininga ang ate at tinigil ang kaniyang ginagawa. Hinarap niya sng kapatid at ngumit ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.

Nalulungkot din siya sa nangyari ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa kapatid.

"Hindi ko alam. Alam mo namang matapos tayong dakpin ng mga bandido ay hindi na natin siya matagpuan, hindi ba?"

"P-Pero..."

"Huwag kang mag-aalala, Seria. Naniniwala akong makikita pa natin siya. "

"Tama. Gusto ko na talagang makita si ate Arianna, ate Serra."

Niyakap ng ate ang kaniyang kapatid. Parehas sila mg nararamdaman. Nangungulila sa kanilang ate Arianna.

"Mga bata? May ginagawa ba kayo?"

Sabay na napatayo ng matuwid ang dalawa. Gulat silang napatingin sa babaeng kadarating lamang.

"Mahal na reyna!"
___

"Faster, Deiro! Some shits entered my house without my permission!"

Mababakas ang galit sa mukha ng lalaki kung kaya't hindi mapakali ang mga kasamahan nito.

Mabilis ang kilos ng itim na leon. Nang makasakay na sa kaniyang likod ang amo ay dali-dali itong tumakbo paalis. Hindi na inisip ang mga taong naiwan nila.

"Ano ba naman 'yan! Ang hilig talagang mang-iwan ni master."

"Hindi ka na nasanay. Lagi naman."

"Magsitahimik kayong dalawa! Hindi ito ang tamang oras para sa biruan. Nasa panganib si Arianna, kailangan nating tulungan si master."

Agad namang nanahimik ang dalawa. Napabuntong-hininga naman ang isa at nag-isip kung paano tutulungan ang kanilang hari.

"Ikaw, Ara. Gamitin mo ang mga anino upang makarating tayo ng mabilis sa mansion." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa kasama.

Tumango naman ito at sa isang iglap, ang kaniyang katawang tao ay naglaho. Lumitaw ang isang kulay itim na usok mula sa katawan.

Sa unang tingin, aakalain mong isa lamang itong ordinaryong usok, ngunit hindi. Dahil isa itong kaanyuan ng isang demonyo.

Tama, ang tatlong ito ay mga uri ng demonyo. At ang kanilang master ay ang hari.

Sa isang pikit-mata. Sabay-sabay silang nilamon ng mga anino at nawala na parang bula.
____

Isang ingay mula sa nabasag na bagay ang umalingawngaw sa loob ng mansion. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na pagkahulog ng ibat-ibang bagay sa sahig.

Gusto mang pigilan ni Deiro ang nagwawalang amo ngunit hindi niya magawa. Alam niyang sa oras na ito ay wala sa sarili ang kaniyang amo.

"How dare them!" Malakas na sigaw ng kaniyang amo at sinipa ang lamesa.

Napabuntong-hininga na lamang si Deiro at nagpasyang mag-anyong tao. Mula sa pagiging leon ay naging isang maputi at matangkad na lalaki si Deiro.

"Mahal na hari, walang mangyayari kung patuloy mong sisirain ang lahat sa mansion mo." Tumikhim si Deiro at lumapit sa mga sirang gamit. "Mas makabubuti kung uunahin natin ang paghahanap kay Aria-"

"I know that! You don't have to tell me!"

Napa-iling na lamang si Deiro. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang ugali ng kaniyang amo.

Natigil ang dalawa nang makaramdam sila ng presensya. Mula sa mga anino ay doon lumabas ang tatlong kababaihan.

"Uno, Dos, Tres." Malamig na banggit ng amo sa tunay na pangalan ng tatlong kababaihan.

Sabay-sabay namang nagsiyukuan ang tatlo.

"Uno, search the whole mansion for any traces of those shits." Pagtukoy ng hari sa babaeng may kulot na buhok na kilala bilang Ella.

Agad namang tumango si Ella at biglang naglaho na parang bula. Sunod namang tinuro ng amo si Dos na may maiksing buhok na kilala bilang Ara.

"Dos, check the surroundings of the mansion. Immediately informed me when you see something suspicious. And Tres, clean this mess."

Mabilis na naglakad pa-alis ang amo matapos nitong mag-utos. Palihim namang nagmaktol si Tres dahil sa utos sa kaniya ng amo.

"Ano ba 'yan! Magkakalat tapos ako ang paglilinisin?"

"You better shut your mouth, Tres. Hindi mo naman siguro gugustuhing mawalan ng master, hindi ba?" Saway ni Deiro sa babae. Matapos niyang magsalita ay naglakad na rin siya pa-alis upang sundan ang amo.

Palihim na natawa si Dos dahil sa reaksyon ni Tres. Napansin naman ito ni Tres kung kaya't sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi naman iyon magagawa ni Master. Kailangan niya tayo para mahanap si Arianna."

"Baka nakakalimutan mo, hari ang amo natin. Kayang-kaya niyang gamitin ang mga koneksyon niya para mahanap si Arianna." Pairap na saad ni Tres.

Nagkibit-balikat na lamang si Dos at naglakad na pa-alis. Kailangan niya pang ikutin ang paligid ng mansion.

Before The Coronation Where stories live. Discover now