CHAPTER FORTY FIVE

96 4 1
                                    

CHAPTER 45: Taken

Napayukom ako ng kamao. Wala akong ma-isip na dahilan kung bakit ba nangyayari ang lahat ng mga ito. Nakakapagod na.

"Paano?.." Malungkot kong wika. Lumamlam ang mga mata ni lola Anasya nang mapatingin sa akin.

Kasabay ng pagbanggit niya sa pangalan ng kuya kong nawawala sa mundong earth, parang nawala lahat ng enerhiya ko sa katawan.

"Magkakilala sila." Nangunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Kilala nila ang isa't isa ngunit hindi ko inaasahan na sa sandaling panahon na sila ay nagkakilala ay mapapalitan niya ang nag-iisang lalaki sa puso ni Agape.."

Napanganga ang bibig ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. May relasyon ang kuya ko at si Agape?!

Wow! Talaga naman!

"At ang panglima, alam mo na kung sino."

"Ha? Sino? Hindi ko kilala.." Mahinang bulong ko.

Napunta ang tingin ko sa sahig upang mag-isip kung sino tinutukoy niyang panglima. Kilala ko daw ito, pero sino? Maaari kayang si... Maximus?!

Naalala kong may mga nakita pala akong libro sa library niya doon sa mansion niya. Librong tulad ng sa Earth--

"Aray!"

Parang nagising lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa lakas ng batok sa akin ni lola Anasya. Ay teka, batok pa ba 'yon? Parang suntok na sa lakas, e!

"Hindi ba nakayanan ng utak mo ang lahat ng nalaman mo kaya't nawala ito? O wala ka talagang utak?!" Naiiritang sigaw niya sa pagmumukha ko.

Ako naman ay napatayo na at lumayo sa kaniya. Delikado na't baka mapatay niya ako. Plano ko pa naman sanang hanapin si kuya Marcel.

Tama. Nang malaman kong nandirito rin ang kuya ko, unang pumasok sa isipan ko ang paghahanap sa kaniya.

Kahit alam kong delikado.

"Biro lang naman, lola Anasya! Masyado kang seryoso, alam mo ba 'yon?" Alanganin akong ngumiti sa kaniya pero mas lalo lang sumama ang mukha niya.

"Sapat na siguro ang kaalaman mo upang makapagdesisyon ng tama. Bahala ka na sa buhay mo, magpapahinga na ako!"

Nagliwanag ang buong silid dahil kay lola Anasya. Tinakpan ko ang mga mata ko upang hindi masilaw, baka mabulag ako nang wala sa oras kapag hindi 'yon ginawa.

Naghintay ako ng ilang segundo bago binuksan ang mga mata.

Bagsak ang balikat ko nang dumapo ang paningin ko sa kama kung nasaan ang kwintas niya. Ayan na naman ang kwintas na nagdadala sa akin sa mga sitwasyon kung saan buhay ko ang nakasalalay.

Ang galing.

Mabagal akong lumapit sa kwintas. Tunay ngang nakakamangha ang itsura ng kwintas na ito. Kahit sino man ang makakakita nito, magkakaroon ng interes para kuhain ito.

Dagdag pa kung malaman nila kung ano ang nasa loob nito at kung anong kayang gawin nito.

Dinampot ko ito at muling isinuot. Malas lang nila dahil nasa akin ang kwintas na ito-- ay hindi, baka ako ang malas.

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Kumunot pa ang noo ko dahil mukhang nagmamadali ang paraan ng pagkatok nito.

"Sino 'yan?"

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang lalaking parang hindi mapakali.

"Anong kaila--"

Before The Coronation Where stories live. Discover now