CHAPTER THIRTY TWO

335 8 0
                                    

CHAPTER 32: Meet The King

Bigla akong napamulat nang may maramdamang gumagalaw sa harap ko. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo dahilan para makitang may tao nga sa harapan ko.

Pero.. Sino ba 'to?

Sa tingin ko, nasa forty-plus na ang edad nito. Mababakas din sa mukha niya ang edad niya. May bigote, medyo kulubot na ang balat sa mukha ngunit mahahalata pa rin ang pagiging magandang lalaki nito.

Hindi ko alam, pero masama ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may kung anong bagay na nagsasabi sa akin na delikado ang taong 'to.

"Mabuti naman at gising ka na." Sambit nito at tumalikod sa akin.

Kung pagbabasehan ko ang kasuotan niya, mukha siyang pinuno ng mga bandido. Ibig sabihin, delikado talaga 'to.

Ngayong may ilaw na ang buong paligid ay naaaninag ko na ang bawat sulok ng lugar kung nasan ako.

At ang masasabi ko lang.... Maliit.

Ang liit naman ng bahay na 'to! Parang ilang tao nga lang ang kasya dito at wala ring halos gamit sa loob.

Wala ring bintana sa pader kahit isa. Kaya't napakadilim talaga kapag walang ilaw.

Akmang magsasalita ako nang bigla siyang humarap sa akin. Naitikom ko nalang ang bibig nang makitang madilim ang mukha nito.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nandito?.."

Sa halip na sumagot at tinitigan ko lang siya. Parang may Kamukha 'tong taong 'to, hindi ko lang alam kung sino. Sino mga ba?

"Sumagot ka!" Biglang sigaw nito kaya napasigaw din ako.

"Ano bang problema mo?! Napaka-high blood mo naman!" Ganti kong sigaw dito.

Nakitaan ko naman ito ng gulat sa mukha. Oh, bakit? Akala niya ba hindi ako lalaban? Tsk.

Wala akong magpasa nang mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko. Sa sobrang higpit nito nakakaramdam na ako ng sakit.

"Wala kang respeto! Hindi mo ba alam kung sino ako? Ako lang naman ang hari ng Suffiron Kingdo--"

"I-ikaw ang ano?!"

Nanlalaki ang mga Mata ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko ang tinakasan ako ng dugo sa buong katawan.

Kung kanina lang ay nakakaya ko siyang sagutin, ngayon ay halos mamutla ako sa takot.

Lalo na't isa siyang hari... Ng Suffiron.

Nang makita niya ang itsura ko ay napangisi siya.

Pero hindi. Bakit ako matatakot sa kaniya, eh nakasama ko nga sa isang mansion ang hari ng Verxus Kingdom? Tss.

"Tapos ka na?" Mataray kong sambit.

Mukhang hindi niyo inaasahan ang sinabi ko kaya unti-unting nawala ang ngisi niya.

Dapat malaman niyang hindi ako natatakot sa kaniya.

Pero...

Parang isang mabilis na kidlat. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng sakit sa ating pisngi.

Sinampal ako nito ng ubos ng lakas. Tumabingi ang ulo ko at ramdam Kong parang nabingi ako.

Nanginig ang kamay ko hindi dahil sa takot, kundi sa galit. Napakiyom ang kamao ko ay unti-unting bumaling ng tingin sa kaniya.

Balak ko na sanang sumigaw kaso isang sigaw mula sa labas ang kumuha sa atensyon naming dalawa. At kasunod non ay ang sunod-sunod na ingay na para bang mga bagay na isa-isang bumabagsak sa lupa.

"Ano bang nangya-"

"Aahhhhh!

_____

Agape POV

Tahimik akong naglalakad sa madilim na gubat. Bawat hakbang ko ay gumagawa ng ingay dahil sa mga tayong dahon.

Nararamdaman ko na papalapit na ang tamang oras. Malapit nang matapos ang aking misyon sa mundong ito.

Hindi ko mapigilang malungkot. Sa mga taon kong pamumuhay sa mundong ito, sa katawan na hindi ko pagmamay-ari, napalapit na ang puso ko sa mga bagay-bagay dito, sa kanila... at sa kaniya.

Leuros.

Tila isang mahiwagang pangalan na nagbibigay saya sa puso ko. Alam kong hindi pwede ang pag-ibig kong ito, ngunit anong magagawa ko? Mahirap ang magpigil, lalo na't alam kong mahal rin niya ako..

Hindi. Mali...

Si Agape ang mahal niya at hindi ako.

Mapait akong napangiti. Bumalik sa isip ko ang mukha niya habang natutulog. Sigurado akong hahanapin niya ang presensya ko sa oras na siya ay magising.

Malalim akong napabuntong-hininga. Kailangan ko nang matapos ang misyon ko. Sapat na siguro ang pananaliti sa mundong ito ng limang taon.

"Matatapos lamang ang misyon ko sa oras na mapasakin ang kwintas ng huling dragon."

Sa mga nakalipas na taon, ngayon lang ito nagpakitang muli. At sa hindi ko inaasahan, nasa pagmamay-ari ito ng taong akala ko ang tutulong sa akin upang matapos ang misyon ko.

Arianna.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang mapanaginipan ko ang isang babae. At tulad ko, ang babaeng ito ay nagmula sa ibang mundo. Hindi ko alam ang kaniyang itsura, ngunit tanda ko kung ano ang pangalan niya at iyon ay Arianna.

Noong mga panahong natagpuan namin siya ni Leuros sa gubat, alam kong may kakaiba sa kanya. At hindi ako nagkamali, siya ang babaeng iyon.

"Saan ko ba siya matatagpuan?" Mahinang bulong ko.

Liliko na sana ako nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw. Lumakas ang ihip ng hangin na tila ba ay may masamang nangyayari.

Unti-unti. Nakaramdam ako ng pangamba sa aking kalooban.

Before The Coronation Where stories live. Discover now