CHAPTER TWENTY TWO

142 4 0
                                    

CHAPTER 22: Stranger Princess

Kung nakakamatay lang tingin, sigurado akong kanina pa ako namatay dahil sa mga mata nitong nakatitig sa akin. I don't know how, but I just wake up in an unfamiliar room.

And then, he suddenly appear in front of me. Now he's giving me some death glare and I don't know why.

Sa pagkaka-alam ko, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Tinulungan ko pa nga siya. So what's with the glare?

"You sleep too long that it made me want to strangle you to death while you were sleeping." His cold voice send chills to my body.

Hindi ako naka-react agad dahil sa sinabi niya. Wow, just wow.

"Sa ganyang paraan ka ba magpasalamat? Kung ganon, then you're welcome." Inikutan ko ito ng mata bago muling humiga.

Masyado pang masakit ang ulo ko para tumayo. Ayaw ko munang gumalaw-galaw, pakiramdam ko matatanggal ang ulo ko mula sa leeg. Bwisit.

I heard him sighed. Sa tono niya, parang naiinis ito sa sinabi ko.

Bahala siya sa buhay niya.

"I don't need your help that time. In fact, I can even save myself."

"Tsk. Oo na lang," Tumagilid ako ng higa.

Hindi na ako nakarinig ng sagot niya kaya lumingon ako dito. And to my surprise, he was already gone. That fast? Paano niya nagawang maglakad nang hindi man lang gumagawa ng ingay?

Napabuntong-hininga na lang ako at sumandal sa headboard ng kama. Kasalanan ito ng hayop na 'yon eh!

Huli kong natatandaan ay ang pagtalon sa akin ng isang itim na leon. At kung hindi ako nagkakamali, katulad iyon ni Deiro, iyong leong kasama ni X.

And speaking of X, ang tagal na pala nung huli naming pagkikita. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa kaniya.

Duh. Hindi ako nakakalimot pagdating sa mga taong may atraso sa akin.

At kasama si--

"Ay palaka!"

Dali-daling yumuko sa akin ang tatlong babae na bigla na lang pumasok dito sa kwarto ko.

"Patawad po, binibini! Hindi po namin sinasadyang gulatin ka." Mabilis na saas ng babaeng nay maisking buhok.

Pinakiramdam ko muna ang sarili bago magsalita. Halos mapatalon kasi ako kanina sa gulat, muntik pa akong magka-heart attack.

"Ahmm... A-ano.. Hindi naman ako galit. Nagulat lang ako." Nakapakamot ako sa batok dahil ramdam kong talagang natatakot sila sa akin.

It's not like I will punish them for entering this room without my permission. Dapat kasi kumatok muna, di'ba? Para walang nagugulat.

"Nandito po kami para ayusan ka. Utos po ito ng ha--"

"Utos po ng master namin!"

Nangunot ang noo ko nang biglang sumabat ang babaeng may kulot na buhok.

Nagkatinginan silang tatlo bago muling yumuko. Bakit ba sila yumuyuko?

"Master niyo? Iyon ba 'yung lalaking may lilang mata? Iyong mayabang at hindi marunong tumanaw ng utang na loob?" Nag-isip pa ako ng pwedeng ipang-describe sa lalaking iyon.

"Ahh, tapos hindi marunong mag-thank you. Malamig din siyang magsalita at walang emosyon ang mukha. Mukha rin siyang namata--"

"B-Binibini?!"

Nagulat ako ng makita ang mga mukha nilang gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata nila at halos mawalan na ng kulay ang mukha nila.

Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Dinedescribe ko lang naman siya, ah?
______

Halos isang oras na akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin pero hindi pa rin ako makapaniwala. Just what the heck they did to my face?

"Sigurado ba kayong marunong kayong maglagay ng ganyan?"

Sinulyapan ko sila isa-isa ngunit sabay silang nagsi-iwas ng tingin sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa sariling mukha.

Damn, I wanna cry right now!

"Mukha akong clown na binaboy ng aso!" Halis maiyak ako habang nakatingin sa salamin. Paano na lang kung may makakita sa akin na ganito ang mukha ko?

Halos hindi ko na mga makilala ang sarili ko, e! Paano ba naman? Sobrang puti ng mukha ko at sobrang kapal ng nilagay nilang dilaw na lipstick. May nilagay pa silang rainbow na color sa kilay ko!

At higit sa lahat, mukha akong sinampal ng isandaang beses dahil sa pula ng mga pisngi ko, huhu.

"Binibini, hindi mo po ba nagustuhan ang iyong ayos? Maganda naman po..." Nag-aalangan komento ni Ella, ang babaeng nay kulot na buhok. Napakamot pa ito sa batok habang nakatingin din sa salamin.

Sinamaan ko ito ng tingin bago padabog na tumayo.

"Nasaan ang maganda dito? Sige nga, ituro niyo! Tingnan niyo ng mabuti itong mukha ko at sabihin niyong maganda, baka sakaling mapatawad ko pa kayo."

Sumeryoso ang mukha nilang tatlo bago ako tinitigan ng mabuti. Ngunit tatlong segundo palang ang nakakalipas ay bigla silang tumawa ng napakalakas.

"I hate you all!" Inis kong sigaw.

Tumakbo ako papuntang banyo para maghilamos ng mukha. I just can't bare seeing my face like this.

My beautiful face, huhu.

Maghihiganti ako! Just wait and see, hindi ko sila hahayaan na itrato ako ng ganito.

Matitikman nila ang ganti ng isang api!
____

Agape POV

Payapa ang simoy ng hangin. Nakaka-gaan ng pakiramdam. Ngunit kahit ganoon, hindi ko maiwasang mag-alala sa mga nangyayari.

Sinunod ko ang lahat ng bilin 'niya'. Wala akong pinalampas kahit na isa ngunit hindi ganito ang inaasahan kong mangyari.

Kasalukuyan kaming naninirahan ni Leuros sa isang bahay-kubo sa gitna mg gubat. Kinailangan naming umalis sa aming bahay dahil kay Heneral Gueogo.

Hindi niya dapat ako mahanap. Hindi maaari.

"Agape? Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Alam mo bang pinag-alala mo ako?"

Niyakap ako ni Leuros mula sa likuran. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kaniyang ginawa.

"Pasensya na, marami lang akong iniisip." Sagot ko at humarap sa kaniya.

Isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang labi bago ako niyakap ng mahigpit.

"Alam mo naman na mahal na mahal kita, hindi ba? Kaya kong gawin ang lahat para sa iyo." Aniya.

Nangunot ang noo ko pero kalaunan ay nangiti na lang ng mapait.

Bakit ba ako nabuhay sa ganitong sitwasyon?

"Alam ko iyon, Leuros."

Hindi mo kailangan gawin ang lahat para sa akin. Dahil una sa lahat, hindi ako ang taong mahal mo.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon