CHAPTER TWENTY THREE

144 3 0
                                    

CHAPTER 23: Can't Explain

Lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan. At sa mga nakalipas na araw, hindi ko na muling nakita ang may-ari ng mansion kung saan ako kasalukuyang naninirahan. Hindi naman sa hinahanap ko siya.

Hindi ko nga alam kung bakit ba ako nandito, e.

Kung tutuusin, pwede akong tumakas. Ang problema, saan ako nito pupunta? Nang magtanong kasi ako sa tatlong maid na laging nakasunod sa akin, halos hindi ako makapaniwala na nasa Verxus Kingdom pala ako.

"Binibini, hindi po ba kayo napapagod sa kakalakad? Kami po kasi pagod na." Maktol ni Ara.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang at umaktong galit.

"Bakit? Sino bang nagsabing sundan niyo ako?" Tinaasan ko silang tatlo ng kilay.

Hindi naman sila nakasagot at napalabi nalang.

"Magpaghinga na lan-"

"I'm the one who ordered them to follow you. Bakit, may problema ka?"

Sabay na nanlalaki ang mata naming apat nang marinig ang boses sa likuran ko. Ramdam kong natuod ang tatlong babae sa harap ko. They look like they heard the most deadly, dangerous, dark, evil- ok, enough! I'm getting OA here.

Dahan-dahan akong humarap sa taong nasa likuran ko at pekeng ngumiti sa kaniya.

"Uy! Ikaw pala, magandang umaga?.." Alanganin kong saad, lalo na't mukhang hindi maganda ang mood nito.

Mas lalong nangunot ang noo nito at iritang tumingin sa akin.

"Walang maganda sa umaga, lalo na't nakita ko ang pagmumukha mo." Mabilis ako nitong nilagpasan na para nang hindi niya ako nilait ngayon lang.

Unti-unting nawala ang pekeng ngiti sa labi ko at napayukom ng kamao. How dare he?!

Galit akong humarap sa direksyon kung saan naglakad ang lalaking iyon. Balak ko sanang siyang sugudin ngunit punigilan ako ng mga kasama ko.

"Binibini, huwag! Baka mas lalo kang masaktan niyan!"

"Oo nga po, Binibini. Kung ako rin sabihan ng ganun? Baka umiyak na ako!"

"Huwag ka nang umiyak, Binibini. Maganda ka naman talaga, sadyang ikaw lang ang nakakakita nun."

Ano daw?

Nawala sa isip ko ang sinabi ng master nila kanina dahil sa pinagsasabi nila. Naririndi ako sa boses nila kaya tumakbo nalang ako nang tumakbo hanggang sa makalayo sa kanila.

Ako? Iiyak dahil lang sa sinabi niya? Huh, never!

"Kung makapanglait akala mo naman siya ang the world's most handsome man! E, mukha namang damulag na unggoy!" Padabog kong sinisipa ang maliliit na bato na nadadaana ko. Kainis naman kasi! Panira ng umaga.

Napatingin ako sa paligid nang biglang humangin ng malakas. Ngayon ko lang napansin na nasa garden pala ako.

Lumapit ako sa isang bench at doon na-upo. Napakapayapa, ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin. Nalungkot ako ng maalala sina Agape. Nasaan na kaya sila? Ayos lang ba siya?

Marami pa akong katanungan na walang kasagutan. Napabuntong-hininga nalang ako. Wala sa sariling tiningnan ko ang kwintas na nakatago sa loob ng suot kong damit. Sabi kasi ni lola Anasya, huwag ko itong ipakita sa ibang tao.

Hindi ko alam kung bakit. Pero may dahilan naman siguro si lola Anasya.

"Lola Anasya, bakit ganito? Pakiramdam ko hindi na matatapos ang problema ko." Napayuko ako.

Before The Coronation حيث تعيش القصص. اكتشف الآن