CHAPTER SEVENTEEN

610 21 0
                                    

CHAPTER 17: You're Not From This World

Mabilis na lumipas ang araw. Ngunit ang galit ni Agape sa akin ay hindi pa rin nawawala. Mabigat sa loob pero kahit na malamig ang pakikitungo nila sa aling dalawa ay hindi ako umalis sa bahay.

Eh kasi, kung aalis ako, saan ako nito titira?

Mamayang gabi na gaganapin ang Moon Festival. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil makikita ko si Xander. Umaasa rin akong baka nahanap na niya si Serra at Seria.

Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas si lola Anasya sa kwintas. Alam kong nagpapahinga ito ngunit hindi ko maiwasang mainip. Kating-kati na akong nalaman ang dahilan kung bakit ako nasa mundong 'to. Lalo na't binanggit niya ang buo kong pangalan nung gabing iyon.

Nakatulala lang ako habang naka-upo sa isang troso. Umaga pa lang ay naisipan ko munang lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga tuwing malapit sa akin si Leuros.

Simula noong gabing nag-away kaming dalawa ni Agape, hindi na lang matalim na tingin ang ibinibigay sa akin ni Leuros, ngini-ngisian na rin ako nito. Mukhang tuwang-tuwa ito dahil galit si Agape sa akin.

Alam ko sa sarili kong dapat kong iwasan si Leuros. Ibang-iba ang kinikilos niya base sa novel. Nakaka-inis at nakaka-irita. Sa tuwing nakikita ako ang ngisi niya, gustong-gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit.

"Maghinatay ka lang, Leuros. Malalaman at malalaman ko din ang lahat ng sikreto mong gago ka.."

Umuhip ang malakas na hangin kaya napapikit ako. Ramdam ko ang pagtangay ng hangin sa mahaba kong buhok. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hindi ka dapat naririto."

And speaking of the devil..

Binuksan ko ang mata at nakita ang seryosong mukha ni Leuros sa harap ko. Ka-agad kong napansin ang matalim nitong tingin sa akin.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, hindi niya si Agape.

"Ano bang pake mo?" Nilabanan ko ang matatalim nitong tingin sa akin. Tsk. Hindi ako basta-basta nagpalatalo.

Alam ko sa sarili kong may kakaiba sa character ni Leuros. Hindi ko lang talaga ma-isip kung ano 'yon.

"Sinisira mo ang lahat ng plano ko!" Halos mamula ang buong mukha nito sa galit. Napa-iling ako ng wala sa oras at napatayo.

"Bakit? Ano bang ginagawa ko? Wala naman 'diba?"

"Mapapahamak si Agape nang dahil sa'yo! Napa-alis ko na nga ang matandang babaeng 'yon tapos ikaw naman ang pumalit?" Agad nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig.

Napayukom ako ng kamao. Tama ako. Siya nga ang taong may kagagawan ng pag-atake ng halimaw noong gabing 'yon.

Mabilis kong nilakad ang pagitan naming dalawa at hinawakan siya sa kwelyo. Galit ko itong tinitigan bago sinuntok sa mukha. Natumba siya dahil sa lakas ng suntok ko.

"Mga isda nga naman, sa sariling bibig nahuhuli." Madilim ko itong tinitigan at sinipa pero mabilis nitong nahuli ang paa ko at tinulak ako ng malakas.

"Umalis ka na lang dito!"

Mabilis akong umilag nang umamba ito ng isang suntok.

"Wala akong ginagawang masama! Kung sino man ang dapat umalis dito, ikaw 'yun!" Malakas kong sigaw sa kaniya.

Mukhang nagalit ito sa sinabi ko kaya mabilis niya akong sinipa. Hindi agad ako naka-ilag kaya natamaan ako ng paa niya sa bandang tiyan. Tumalsik ang katawan ko at bumangga sa isang puno. Agad akong namilipit sa sakit ng tiyan at likod.

Before The Coronation Where stories live. Discover now