CHAPTER TWENTY SIX

114 0 0
                                    

CHAPTER 26: The Kid

Third Person POV

Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Leuros. Hindi siya makatulog, hindi niya magawang makatulog.

Natatakot siyang mangyari sa pinakamamahal niya ang nalalapit nitong katapusan kung kaya't ginagawa niya ang lahat upang napigilan ito. Ang kamatayan ni Agape.

Sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata, ang imahe ni Agape ang nakikita niya. Ang imaheng kinakatakutan niyang mangyari.

Nagsimula ang lahat ng ito dahil sa pagdating ng isang misteryosong lalaki.

Sa una, ayaw pa niyang maniwala sa mga pinagsasabi nitong mamamatay nang maaga ang kaniyang kasintahan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, lahat ng sinabi ng misteryosong lalaki ay nagkatotoo. Ang pagkakaroon ng banta sa kanila ng kabilang kaharian at ang planong pagpapakasal ng kaniyang kasintahan sa ibang lalaki.

Simula ng pangyayaring iyon, lahat ng bilin ng misteryosong lalaki sa kaniya ay sinusunod na niya.

"Can't sleep, my friend?"

Napabalikwas si Leuros mula sa pagkakahiga nang marinig ang isang tinig.

Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Hanggang sa makita niya ang isang kulay itim na hugis tao. Wala itong mukha ngunit kilala niya kung sino ito.

"Anong kailangan mo? May sasabihin ka ba?" May alinlangan sa tono ni Leuros.

Malakas na tumawa ang itim na tao. Hindi na nabahala si Leuros na baka ito ay marinig ni Agape dahil alam niyang siya lang ang nakakarinig sa tinig nito.

"Woah, chill my friend. Tama, may sasabihin nga ako," Tumigil ito sa pagsasalita at lumapit sa lamesa kung saan naroroon ang larawan ni Agape.

Isang larawan na iginuhit ni Leuros nang puno ng pagmamahal.

"It's about the King Marcus. Be happy, my friend. Mukhang mag-iiba na ang plano ng hari."

Nangunot naman ang noo ni Leuros. Naiinis siya sa lalaki dahil sa pagsasalita nito. Tila binibitin siya.

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo." Inis na saad ni Leuros.

"Mukhang wala nang balak na ipakasal ng hari ang prinsesa. His attention was shifted into someone."

"At sino naman iyon?"

"A girl who's not from this world. A girl named Arianna."
_____

Ferin POV

Ilang araw na ang lumipas nang marinig ko ang usapan ng hari at ng misteryosong lalaki. At hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang pagkatao ng lalaking iyon.

Marcel.

Hindi ko alam pero ramdam kong pamilyar sa akin ang pangalan ito. Paulit-ulit kong inisip kung saan ko nga ba ito narinig. Tingin ko, sa orihinal kong mundo narinig ang pangalang ito.

Pero pwede rin hindi. Maraming tao ang nagngangalang Marcel, hindi lang naman isa. Pero-- Hays! Mababaliw na talaga ako sa kakaisip kung sino ba ang taong iyon.

Kasalukuyan akong nasa itaas ng isang puno sa gilid ng nagtataasang pader ng palacio. Naatasan akong magmasid sa bawat kilos ng hari nang sabihin ko sa aming prinsesa ang aking nalaman.

'Spy the king, Ferin. I know your the only one who can do it and besides, I trust you.'

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin naatas ang mission na ito. Dapat kasi kung ang isang mission ay may kaugnayan sa palacio, inaatas ito sa taong mas may kakayahang tapusin ang misson nang walang iniiwang bakas. Tulad ng taong may posisyon sa palacio. Mas mapapadali ang mission kung malaya kang makakapasok sa loob ng palacio.

Hindi sa minamaliit ko ang sarili ko, pero iyon talaga dapat ang mangyari.

At hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako sa huling sinabi ng prinsesa. Hindi ko binanggit sa kaniya ang tungkol kay Arianna, ngunig parang alam niya.

'Protect her at all cost, Ferin.'

Alam kong ang tinutukoy niya ay si Arianna. Ngunit paano niya nakilala si Arianna? Posible bang nagkaharap na sila?

Sa pagkaka-alam ko, hindi dapat makisalamuha ang prinsesa dahil lihim ang kaniyang pagkatao sa buong mundo. Ang alam ng lahat, patay na siya.

"Wala kang karapatang kuwestyonin ang aking pagiging hari!"

Agad akong napalingon sa bintana ng isang silid sa palacio. Inakyat ko ang puno kung saan ako nakapwesto hanggang sa makasilip ako sa isang silid. Nakabukas kasi ang bintana nito.

Sa loob ng silid, nakita kong sakal ng hari ang reyna. Makikita ang sobrang galit sa mukha ng hari. Anong nangyayari? Bakit sila nag-aaway?

Sa pagkaka-alam ko, mahal ng hari at renya ang isa't-isa. Pero sa nangyayari ngayon, parang kabaliktran ito sa alam ko.

Gustuhin ko mang mangi-alam ngunit hindi maaari. Baka madamay pa ako sa away nila.

"B-bitawan mo a-a-ako!" Rinig kong sigaw ng reyna habang pilit na kumakawala sa hawak ng hari.

Mukhang hindi na kinaya ng reyna ang pagkakasakal ng hari kaya nahimatay ito. Kawawang reyna, ganito ba ang totoo nilang relasyon?

Napa-iling na lang ako. Hindi dapat ganito. Lalo na't sila ang namumuno sa isang kaharian. Sila dapat ang magsilibing modelo ng masayang pagmamahalan. Pero wala naman akong pakialam.

"Kung hindi lang dahil kay Agape, patay ka na sana dati pa." Huling saad ng hari bago umalid ng silid.

Napatitig ako sa reyna. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng hari. Kundi dahil kay Agape patay na ang reyna. Ibig bang sabihin non, matahal nang may galit ang hari sa reyna?

Hindi ako sigurado. Pero dapat malaman ito ng aming prinsesa. Sigurado akong may maisasagot siya sa tanong ko.

Naisipan kong pumasok sa silid ng reyna. Balak ko sanang maghanap ng impormasyon na makakatulong upang mas mapadali ang mission kong ito.

Akmang tatalon na sana ako sa bintana nang biglang pumasok ang isang bata. Dahil doon ay natigil ang plano kong pagpasok.

Naiiyak ang itsura nito at lumapit sa walang malay na reyna. Sa tingin ko, kanina pa siyang nasa labas ng silid kaya alam niya ang nangyari.

Nakatalikod sa akin ang bata kaya hindi ko makita ang mukha nito. Naghintay pa ako ng ilang minuto at ganoon na lamang ang gulat ko ng makilala kung sino ang batang ito.

"Paano siya napunta sa lugar na ito?"

Before The Coronation Where stories live. Discover now