CHAPTER NINETEEN

153 6 0
                                    

CHAPTER 19: Chaos

Kakaibang ingay ang bumungad sa aking pandinig nang makarating na kami sa bayan. Mga ingay ng mga taong nagkakatuwaan.

Sinulyapan ko si Agape at Leuros na ngayon ay magkahawak kamay ng bumababa sa sakay nilang karwahe. Pinagkatitigan ko ang mukha nilang dalawa.

They're look like in trouble. I wonder why?

Napatingin si Agape sa direksyon ko. Ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin nang makitang nakatitig ako sa kanilang dalawa. I can feel it, something is not right.

Then I remembered what Leuros told me before we leave their house.

"Enjoy the Festival, baka ito na ang huli ko." Kunot noo kong banggit.

May alam ba si Agape sa balak na gawin sa akin ni Leuros? Does she know that Leuros wants to kill me?..

"Kumalma ka, iha."

Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa kinakagat ang mga kuko ko sa darili. Kung hindi pa nagsalita si lola Anasya sa utak ko, eh baka naubos ko na 'tong kamay ko.

Malakas ang pakiramdam kong may mangyayaring masama. Tsk. Hindi na ako nagulat. Lagi naman akong napapasabak sa kaguluhan 'diba?

"Ariana! Mauuna kami sa'yo, may pupuntahan pa kasi kami. Magkita-kita na lang tayo dito sa lugar na 'to."

Isang tango lang ang isinagot ko kay Agape. Kumaway lang ito sa akin habang naglalakad sila papa-alis.

Ngayon, ako na lang mag-isa dito sa madalim na parte ng gubat kung saan kami ibinaba ng karwahe.

Napagpasyahan ko nang maglakad-lakad. Baka makita ko dito sila Xander at yung magkapatid.

Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa paligid, talaga namang nakakamangha ang mga makukulay na palamuti at mga ilaw sa bawat sulok ng bayan. Medyo may kaingayan din dahil sa malalakas na tawanan ng mga tao.

Tumigil ako sa paglalakad sa tapat ng isang tindahan. Nakaramdam ako ng gutom sa mga prutas na binebenta ng isang ginang.

Ang kaso lang....

"Wala akong pambili.." Nakanguso kong bulong.

Hanggang tingin na lang siguro ako sa mga pagkain dito. Hays!

Ilang segundo pa akong napatitig sa mga prutas nang lingunin ako ng ginang sa tindahan. Sa itsura palang nito, halatang masungit.

"Bibili ka ba?" Mataray nitong tanong sa akin.

Nang hindi ako sumagot at sinamaan ako nito ng tingin. Damn.

"Umalis ka sa tapat ng tindahan ko kung hindi ka bibili! Baka mamaya eh, malasin pa 'tong negosyo ko! Alis!"

Malakas ang boses ng babae kaya napatingin sa direksyon ko ang ilang mga tao na naglalakad-lakad lang din. I felt being judged by their stares and it's fucking uncomfortable.

Damn their eyes!

Tahimik akong yumuko at umalis sa lugar na iyon. Hindi ko pinansin ang mga taong nakabungguan ko, basta ay mabilis lang akong naglalakad paalis sa pwesto ko.

Hanggang sa napatigil ako sa paglalakad nang may matigay na bagay akong nabunggo.

"Ano ba 'tong-"

Kusang umatras ang mga paa ko nang makita kung sino ang nakabanggaan ko. Napigil ko ang sariling hininga dahil sa sama ng tingin nito sa akin.

'Hindi ba't si Heneral Guego iyon?'

'Oo tama ka, siya nga. Ngunit akong ginagawa niya dito?'

Nagsumila nang magbulungan ang mga tao sa paligid. Ramadam kong kahit sila ay takot din sa lalaking ito.

Before The Coronation Donde viven las historias. Descúbrelo ahora