Chapter 30

97 4 0
                                    

After we taking the final exam, dumiretso na agad ako sa hospital upang magpahinga. I can't ever imagine na matupad na ang pangarap ko na makatanggap ng isang diploma, naging worth it rin yung paghihirap ko sa trabaho. Pabagsak akong huminga sa kama pagkatapos kong magbihis ng damit habang nakatitig sa ceilings—hanggang ngayon iniisip ko parin kung kakausapin ko ba ulit si Maro o hindi nalang. Bilang nag ring ang phone ko mula sa bag kaya agd kong kinuha at tiningnan kung sino ang tumawag sa'kin.

"Oh? Ano ang sadya mo?" Kaagad na tanong ko.

Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi parin sumagot si Lyka. Tumingin ako ulit sa phone kung binababa na ba ang tawag pero hindi—nanatili paring tumatakbo ang oras nito. Napansin ko tila maingay sa kabilang linya na para bang may karera ang magaganap dahil sa ingay ng mga kotse.

Biglang may nagsalita, "Pumunta ka dito sa racing track, sumali yung boyfriend ko. Nandito rin sina Ciao at Kevi ikaw lang yung wala" Masiglang sagot niya at rinig ko na sumigaw siya.

I sighed, " Alam mo naman na may iniiwasan ako di'ba? Paano kung nandyan siya? Tapos magkikita kaming dalawa? Ang awkward kaya nun kaya hindi ako makapu—" Pinutol niya ang sinabi ko.

"Wala siya dito, bumalik siya sa states" Aniya.

Tumaas ang isang kilay ko, "Okay, give me three minutes pupunta ako d'yan ngayon sa racing" I ended the call and starting changing my clothes.

Nakatanggap ako ng message galing kay Ciao, isang location kung saan na lugar ginaganap ang racing competition. Hindi na ako masyadong nagpaganda tutal manood rin naman ako tyaka hindi na siguro 'yun mapapansin ng mga tao. Casual attire ang sinuot ko ngayon—'di kasi ako comfortable sa mga biniling damit ni Lyka. Pumara agad ako ng taxi ng makita ko sa daan, pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sinabihan ang si Manong driver kung saan ako pupunta.

"Saktong-sakto ang dating mo, malapit na silang magsimula!" Bungad sa'kin ni Lyka mula sa entrance nang sinasabing niyang racing track.

Maraming tao ang nakaupo sa mga bleachers, ilan sa kanila ay supporters ng kanilang idolo na sumali ng karera. Hinila ako ni Lyka papunta sa pinakaibaba na upuan—kitang kita dito sa pwesto namin ang magagandang racing cars na nakahilera, kumaway agad si Ciao ng makita ako. Uupo na sana ako sa upuan ng maramdaman ko na wala na ang dala kong panyo, mabilis akong bumalik sa aming dinadaan upang hanapin 'yon.

Nang lumingon ako sa kabilang side ay nakita ko ang panyo na nasa sahig. Tumakbo ako upang kunin ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabunggo ako isang lalaking naka black jacket—siguro kasali siya sa karera. Napahawak nalang ako sa noo dahil sumakit ito,  padabog kong kinuha ang panyo bago ako bumalik sa upuan.

Sinundot ako ni Ciao sa braso, "What happened? Nakasumangot ang mukha mo, akala namin umuwi ka na talaga dahil bigla kang nawala" Sabi n'ya.

Tinaas ko ang kamay kong may panyo, "Nahulog kasi itong panyo ko sa sahig" Pagdahilan ko.

"Tapos naging ganyan na ang mukha mo? Sure ako na may iba pang nangyari bukod d'yan" Puna rin ni Lyka na mayroon nang dala na banner.

"Walang nangyari" Tipid na sagot ko.

Bahagya silang tumango bilang sang-ayon sa sinabi ko. Hindi na muli kaming nag salita sapangkat magsisimula na ang competition ng bawat racer na sumali sa karera. I rolled my eyes when i see again the black jacket guy who bumped me earlier, nakatingin siya sa mga tao na sumoporta sa kanya pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang racing car. Pinaharurut na ang kanilang mga kotse ng mag start na ang racing dahil nag unahan kung sino ang makarating sa finish line ay siya ang champion.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now