Chapter 24.2

81 5 0
                                    

The crowd was so jolly and loudly in the school gymnasium. Most of students they have partners while dancing at the center with full of beautiful lights. Tahimik lang ako habang pinagmasdan sila dito sa table, mayroon naman na gustong makipagsayaw sa'kin pero mas pinili kong mag-isa muna ngayon.

Bumalik sa aking isipan ang nakita ko kanina, kung paano sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang nag uusap sila ng kanyang kasamang babae. Hindi ko mapigilang mapayuko sa ibabaw ng glass table dahil inaantok na ako kahit hindi pa tapos ang prom party. Pinikit ang aking mga mata habang pinakinggan ang magandang musika.

"Zaire....Zaire?"  Someone wake me up.

I immediately spin my head, "Ano? Panira ka talaga kahit kailangan Lyka.... Frank! " Malakas na sabi ko kaya napatingin sina Ciao sa'kin habang nagsasayaw sila ni Kevi sa gitna.

"Oh? Bakit gulat na gulat ka ng makita ako ngayon dito?" Pambibiro n'ya sa'kin at kinurot ang aking pisngi pagkatapos nitong sabi.

Magsasalita na sana ako sa kanya ng dumaan si Maro sa aming gilid na may dalang wine glass. Our eyes met for a moment, I was nervous because his face was serious as he shifted his gaze to Frank. Napalunok nalang ako sa aking nakita bago binalik ang tingin ko nila Ciao na nagsasayaw parin.

"P-Paano ka nakarating dito?" Naguguluhang tanong ko ngunit tumawa lang siya.  

Ngumiti siya sa'kin, " Edi sumakay ng bus papunta dito sa city" Tipid niyang sagot kaya hinampas ko ang kanyang braso sapangkat wala talagang kwentang kausap itong si Frank.

Nilibot ko ang aking tingin sa gym sakaling makita ko ulit siya ngunit hindi ko siya nakita dahil sa daming tao.  Biglang hinawakan ni Frank ang papulsuhan ko at kaagad hinatak sa mga nakahilerang pagkain sa long table. Dahil sa maraming pagkain ay nahirapan akong pumili sa huli ay grapes nalang ang kinain ko, habang si Frank ay kumuha ng cake, leche plan at salad.

Hindi na kami bumalik sa table at dumiretso labas ng gym na dala parin ang mga pagkain ngunit tumaas ang kabilang kilay ko nang may nilabas si Frank na isang picnic blanket. Mabilis niya itong nilantag sa may damuhan, kahit nasa labas na kami ay narinig ko parin ang sounds sa loob ng gym at pagkatapos ay umupo na siya.

"Muntik na ako dun ah.." Pagsalita niya.

Marahan akong natawa, " Bakit naman? Dahil ba d'yan sa kinukuha mong pagkain?" Tinuro ko ang mga plato na kanyang dinadala.

Napabuntong hininga siya, " Hindi...yung lalaki kanina. Parang papatayin ako sa mga titig niya eh" Sagot niya kaya natahimik ako saglit.

Sumubo ako nang dalawang piraso ng grapes at umupo na rin sa nakalantag na blanket. I looked up at the sky to see the stars shining, there was no moon this night. Yung iniisip ko na hindi niya ako maalala kapag magaling na siya ay nagkatotoo na. Nung kanina hindi man lang niya ako binabati.

Medyo masakit lang isipin na nung nasa hospital pa si Maro ay palagi kaming magkasama kahit multo lang siya ng time na 'yun. Tinuturuan niya ako sa math contest para maintindihan ko, nagtatawanan, palagi ko siyang i-cheer up sa tuwing nalulungkot siya pero ngayon may kasama na pala siyang babae na bagay sa kaniyang personality. Gusto ko lang naman maging masaya dahil bumalik na siya pero bakit ako nasasaktan ngayon?

"Wow...naubos mo lahat ng grapes!"

Napabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit ang kasama ko sa aking gilid at halos lumaki ang mata ko nang wala na palang laman ang isang bowl na grapes na dala ko. I feel dizzy when I stood up to go back inside the gymnasium because I was sure my friend Lyka was looking for me especially now that I'm wearing a long dress.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now