Chapter 15

71 3 0
                                    

Tuwing madaling araw siya palaging gumigising upang magluto upang ibenta sa palengke. Mahirap ang buhay kaya kailangan na kumayod para may makakain sila araw-araw, pero samantala ang kanyang anak ay pumunta pa sa syudad upang magtrabaho rin at nag-aaral sa unibersidad.

"Telia, mag almusal ka muna" Tawag ng matanda.

Lumingon siya sa kanyang Ina, "Tatapusin ko lang itong ibalot tyaka na ako kakain" Sabi niya.

Walang nagawa ang matanda kundi nakatingin lang siya sa kanyang anak na may ginagawa. Nakaramdam siya ng lungkot sa tuwing naalala niya ang kanyang apo, walang tigil hangga't hindi natapos ang lahat ng paghihirap nila. Kahit na may malalang karamdaman tumayo parin siya saka pumunta sa direksyon ng kanyang anak.

Lumuluha siyang napatingin dito, "Simula nang umalis ang anak mong si Zaire halos di na nalagaan ang sarili mo , magpahinga ka muna" Pabulong niyang sabi upang hindi marinig ng asawa nito na natutulog pa sa kama- na gawa sa kahoy.

"Paano ako makapaghinga ng maayos kung palaging problema ang naiisip ko buong araw. Dapat ako ang nagpakahirap para sa inyo ngunit bakit anak ko pa ang gumawa ng solusyon" Sagot ni Telia habang unti-unting tumutulo na rin ang luha mula sa kanyang mga mata.

Bilang isang ina, responsable niyang alagaaan ang kanyang anak kahit na walang-wala na siya ngunit ang anak na mismo ang nag sakripisyo para may makain sila upang may pambili ng gamot. Ang laki ng pagkukulang ni Telia sa kanyang anak na nasa malayo, hindi siya nabigyang ng magandang buhay mula ng bata pa ito. Lahat ng iyon ay nakatatak sa kanyang puso't isipan na hindi alam kung ano ang gagawin niya at maghilom ng tuluyang ang sugat.

Tinulungan ng matanda si Telia na ilagay ang mga kakanin sa basket, "Ang buhay ay hindi nakabase sa mga ginagawa natin kundi yung walang hanggang na pagmamahal mo sa kanya, kahit mahirap o mayaman man ang importante ay naalagaan mo siya...naipalaki mo ng maayos at tyaka masunurin na anak" Patuloy ng Ina nito.

When Telia felt that her husband was awake, she stopped crying. They immediately finished putting the food in a basket that he would sell later. Sakto rin na tumunog ang cellphone na ipinadala sa kanyang anak nung isang linggo kaya agad niya itong kinuha sa mesa at sinagot ang tawag.

"Okay lang ba kayo dyan, Ma?" Bati ng kanyang anak mula sa isang tawag.

Nagkatinginan ang dalawang mag-ina, " Di'ba dapa ako ang magsasabi na okay ka lang?" Balik rin niyang tanong upang napalapit ang asawa nito sa kanyang direksyon. "Kumusta ka?"

" Mabuti naman po dito, may kaunti lang mga problema pero nagagawan ko naman ng solusyon" Mahinang pahayag nito sa kanyang Ina.

Ni loud speak ni Telia upang marinig nila ng husto, "Nabalitaan ko na sumali ka raw sa isang contest sa iyong paaralan..nakakaya mo ba 'yon, Anak?" Ulit niyang sabi upang maiba ang usapan.

"Paano nyo po nalalaman 'yon, Ma?" Zaire asked.

Kinuha ni Telia ang isang newspaper na may isang detalye na kasali sa pangalan ang kanyang anak. Nakaramdam siya ng tuwa sapangkat ngayon niya lang nasaksihan na may ibang kakayahan ang kanyang nag-iisang anak na si Zaire bukod sa pagiging maalaga nito sa kanilang tatlo.

She sighed, " Ahh....may nakasulat kasi sa dyaryo tungkol dyan sa sinalihan mo kaya ko nalaman ang tungkol don" Sambit niya muli.

Natahimik sa kabilang linya kaya tiningnan muli ni Telia kung binaba naba ang tawag ngunit hindi pa pala. Limang buwan na niyang hindi nakapiling anak kaya lubos siyang na-miss dito kaya mas gustuhin na mahaba ang kanilang pag-usapan.

"May pinadala ulit akong pera. Binigyan kasi ako ng bonus ni Ma'am kaya yung kalahati nasa inyo"

Nag-alangan kung ano ang isasagot ni Telia roon. Sobra-sobra na ang binigay ni Zaire sa kanila, panggamot, gastusin sa araw-araw lahat ng yon dahil sa anak niyang nagsumikap magtrabaho sa malayo. Tumulo ulit ang kanyang mga luha na kanina pa'y pinigilan habang nag uusap silang dalawa. May narinig siyang katok ng pintuan nila.

Umaasa na ang makikita ang anak nito pero laki ng pagkadismaya nilang mag ina ng makita ang daang-daan na pulis na nasa harapan sa kanilang bahay. Maraming sasakyan ang nakaparada sa gilid at may mga tao ang nagsilabasan sa bahay. Nag-paalam na siya sa kanyang anak dahil mag kailangan pang asikasuhin ngunit ayaw nito marinig ang sasabihin ng mga pulisya kung bakit sila naparito sa kanilang munting bahay.

"May mahalaga lang po kaming mga katanungan tungkol sa iyong asawa kaya kami naparito" Unang pagsalita ng isang pulis ni Telia.

Kaya hindi na siya nagdalawang isip na papasukin ang ibang pulis sa kanilang bahay upang sagutin kung ano ang mga katanungan. Hindi sila natatakot sapangkat alam niyang wala silang may kasalanan sa nangyari noon, dahil hindi gaano malaki ang kanilang bahay ay nasa pito lang nasa loob habang ang iba ay nasa labasan lang. Tinawag ang kanyang asawa mula sa kwarto upang papuntahin sa sala nila kung saan nandun nakaupo ang mga pulisya.

***
" Ano ba kevilits!!!!" Sigaw ni Ciao.

Inaya nila akong magpicnic kami rito sa peace plaza para mag celebrate at upang mag relax dahil matagal nang hindi kami nag bonding together. Napa-iling nalang ako sa dalawang mag enemies, kanina pa yan nag away dahil lang sa chips na nabili ko sa store at ngayon ko lang nalaman na paborito pala nilang dalawa iyan.

Habang si Lyka ay nilantag na ang tela sa bermuda grass, napalibutan ito ng mga punong kahoy, may isang malinis na lawa sa mismong harapan namin ngayon. Maganda ang lugar pwede ka na nga matulog buong araw dito, kung pwede lang sana sinama ko sila Mama rito ay sigurado akong na magustuhan rin niya ang lugar.

Humahalakhak ako ng tawa, "Ehe, pagkain nga lang 'yan at pinag aawayan n'yo pa. May chips pa naman dyan" Turo ko sa isang eco bag na naglalaman ng mga iba't ibang snacks.

"Kaya nga! Ituloy nyo lang ang pag-aaway baka mahulog kayo sa isa't isa" Pananakot ni Lyka sa kanila kaya tumigil sila sa pag babangayan at saka napaiwas ng tingin. " Salamat natahimik na rin"

Umupo na ang dalawa sa gilid ko pagkatapos ay pinagmasdan naming apat ang ganda ng kalikasan. Eto ang pinaka memorable na nagawa sa aking buhay, makasama ang mga kaibigan ko ngayon sa aking tabi.  Noon ako lang mag-isa pero ngayon may kasama na ako na tumingin sa kalangitan.

" O.M.G!! Bukas na pala malalaman!" Sigaw ulit ni Ciao sa'min sabay tayo mula sa pagkakaupo.

Kumuha si Lyka ng chips, " Ang alin ba?" Tanong nito habang binuksan ang pagkain.

Pinakita sa akin ang phone ni Ciao kaya tumingin ako, " Kung sino ang mananalo sa contest!! I'm so excited na sa results!" Masiglang sambit niya kaya napasapo nalang ako sa noo.

Napabuntong-hininga ako, " Mas mabuting hindi nalang ako papasok sa school bukas dahil baka pagtatawanan lang nila ako" Sabi ko rin kaya napatingin silang tatlo sa akin.

" You did your best so you should be proud of it"

Napatango sina Lyka at Ciao dahil sa sinabi ni Kevin sa akin bilang sang-ayon. Sabagay, dapat nga maging proud nalang sa sarili ko kung ano ang magiging results.  Hindi yung palagi ko nalang inidown ang sarili ko sa isang bagay.

I simply smiled at them and look again in the blue-cloudy sky. And I know, it will be worth it to stand for my stressful studies. They have confidence in me that I can handle it and I should be the same to myself. Pagkatapos nun ay naglalaro kami ng patintero, tagu-taguan at marami pang games ang ginawa namin.

__________________________________________________________________________________

Merry Christmas:)

I Love You, GhostOnde histórias criam vida. Descubra agora