Chapter 5

104 4 0
                                    

" Mali ang mga sagot mo, Kevi!" Sigaw ni Ciao.

Kaninang umaga pa lang sila nag-babangayang dalawa. Tahimik lang kaming apat na nagsusulat at nakikinig lang dito sa loob ng aming classroom. Malay ko ba dyan sa kanila ang hilig gumawa ng eksena kapag pinagtapat mo ang mga matatalino.

Dinig namin na hinampas ang mesa, " Anong mali ang pinagsasabi mo? Baka sa'yo?" Sigaw din nito pabalik at pagkatapos ay pinakita ang mathematics book n'ya. "SOH stands for Sine equals Opposite over Hypotenuse, not Secret Of Heaven, Ciaoxixi" Pagtatama sa mismong sinulat.

"Hindi 'yan ang answers ko, Kevilits! Gagawa ako ng storya sa wattpad" Pagdadahilan pa n'ya kaya tumango-tango nalang si Kevi doon. "Kailangan mo na ng check-up para sa eyeglasses"

" Wait! What? You crazy woman!" He shouted.

Pabalik-balik ang tingin namin sa dalawang magkaaway habang napalunok sapangkat pang matalinohan na ang kanilang pinag-uusapan. As usual, mag aaral ako sa umaga at sa gabi naman ang pagtratrabaho ko sa resto bar. Susunduin ako ni Lyka dito sa classroom upang magkasabay kaming umuwi mamayang hapon.

Tumayo ang isang kasama ko sa upuan, " Baka magkatuluyan kayong dalawa n'yan! Okay lang sa'min! Support always mga people" Anito saka pumunta sa board at sinulat ang pangalan nila.

Nagkatyawan kami ng mga classmate ko para asarin sina Kevi at Ciao na ngayo'y masama ang tingin sa isa't isa. Nasa mesa sila na malapit lang sa board kaya kitang kita namin ang pagkahiya nilang dalawa roon. She put her things in the bag and went out of the room but she pulled back when a boy was at the door.

Pinakita n'ya ang isang dyaryo, "Alam n'yo na ba ang balita tungkol ni Maro?" Malakas na tanong nito kaya napahinto kami sa pagkakatyaw.

Gulat na napatayo ang isang nerdo, "Do they know who almost killed him?" Agad na tanong rin nito kaya tumango ang lalaki. " His cousin?"

He sighed, " Siya parin ang tinuturo ng mga magulang nito kung bakit siya nasa hospital hanggang ngayon" Pagsimula n'yang sabi. "Patuloy parin ang pag imbestiga at hinahanap nila ngayon ang witness sa mismong insidente noon"

Hindi na muli sila nagchikahan sapangkat tumunog na ang bell. Nakaramdam kaagad ako kaba sa sinabi ng estudyanteng lalaki tungkol sa isang insidente. Wala ako sa sariling nakikinig sa lecturer kahit hindi ko naintindihan ang pinagsasabi nito.

Naalala ko naman ulit kung paano nagka injury at nagkasakit si Papa dahil lang sa hindi inaasahan na pangyayari noon pa. Magkaparehong scenario lang ang nasa isip ko at nagtaka ako kung 'yon lang ang insidente sa'min. Hanggang sa pag lalakad pauwi ay lutang parin ang isipan ko at sinusundo na rin ako ni Lyka sa loob ng campus.

She tap my head, " Anyare sa'yo? Bakit tulala ka dyan? May nangyari bang masama?" Takang tanong niya sa'kin kaya lumingon ako sa kanya.

Umiling-iling ako, " Wala. Naiisip ko lang ang aking pamilya sa probinsya" Sagot ko kaagad.

Humarang siya sa aking dinadaanan saka napa cross arms ang kamay, "Sigurado ka ba na pamilya mo lang iniisip mo at wala ng iba?" Pagsisigurado pa n'yang tanong kung nag sasabi ba ako ng totoo o hindi. " Ako ang sasapak sa lahat nang taong umaaway sa'yo, sabihin mo lang sa'kin"

Tumawa ako, " Pamilya at pag aaral ko lang iniisip ko buong Araw o Gabi pa 'yan" Muli kong sagot kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.

Ang lahat ng iyon ay walang katotohanan na sinabi ko sa kanya. Alam kong kapag sinabi ko ang lahat na nalalaman kanina tungkol sa insidente baka ay wala nang katapusan ang pag uusapan naming dalawa. Sa tinatagal n'yang nandito sa siyudad ay impossibleng hindi n'ya nalalaman ang balita na 'yon dito sa lugar nila.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now