Chapter 10

93 3 0
                                    

"Nakakabilib naman ng mga storya mo"

Makailang ulit ko nang pinaliwanag sa kanya ang aking nakita mula pa noong nakaraang araw pero hindi siya naniniwala sapangkat alam nyang mahilig akong gumawa ng mga kwento.

Nasa boarding house ako ni Lyka ngayon habang tinutulungan siyang gumawa ng isang reporting. Ang dami nyang kaibigan sa paaralan nila halos buong siyudad na nga eh, kaya nagtaka na kaagad ako dahil  kung bakit pinapunta ang isang Zaire Eight Marquez dito sa kwarto niya.

I scratched my head and signed, "Maging bilib din ako sa'yo kung matatapos mo lahat ng ito sa isang araw" Turo ko sa mga bondpaper sa mesa.

Rinig kong natawa siya sa sinabi ko, " Sus..nandito ka naman. Magsulat ka nalang dyan, Rea. Ililibre kita pagkatapos" At dahil sa sinabi n'ya ay agad ko nang gikuha ang marker pen at pinagpapatuloy sa pagsusulat ng report paper n'ya.

Humagalpak na si Lyka dahil sa aking madaling pagkilos at tinapik ang kaliwang kong braso. Nakatuon lang aking tingin sa isang makapal na libro habang binabasa ang ilang problema sa bansa sa panahong kasalukuyan bago sinulat lahat ng mahahalagang salita sa malinis na bondpaper.

Tahimik lang kaming dalawa habang may sariling inasikaso ngayon. Ang tanging narinig ko lang ay ang busina ng mga sasakyan mula sa sliding window. Iba't ibang uri ang problema ang aking nababasa sa libro at kasali na roon ang naging naranasan ko na noon pa man.

Napatigil ako sa pagsusulat," Teka, ang nakasulat dito ay tungkol sa mga aksidente? At bakit ito pa? May iba namang problema sa bawat bansa" Panimula ko kay Lyka kaya tumingin siya sa'kin.

Matagal n'ya akong tinititigan sa mata at lumapit sa aking kinaroroonan. Pinakli ko sa ibang pahina upang mabasa rin ang nakasulat. Hindi na ako nagsalita sapangkat naiisip ko na naman ulit iyon.  Nagtaka ako ng bigla nya itong inagaw mula sa study table saka umupo siya sa tabi ko.

"Kahit anong problema pa 'yan ay kinakailangan na masolusyonan ito. Mahirap man itong isipin pero dapat ay nilalaban ito" Makahulugang sambit n'ya sa akin ngayon.

Tumatango ako, "Pero kung ang isang tao ay may problema mula sa realidad gagawan rin n'ya iyon?"  Walang alinlangan na tanong ko.

She looked at the window, "Depende, may iba naman na minamasarili lang ang problema sa buhay nila ngayon.  Wag mong sabihin, yung lalaki naman ang tinutukoy mo no?" Sinagi ni Lyka ang siko nito sa kanang braso.

Napatango ako roon sa kanyang tanong kaya lumingo-lingo nalang ang ulo nito sapangkat iniisip n'yang hindi ito totoong tao at isa lang karakter sa isang storyang nilikha ko. Tinulungan ko na ulit siyang gawin ang reporting sapangkat may gagawin pa akong trabaho mamayang gabi.

Hindi naman ako masyadong nahirapan doon kahit na may ibang salita na bago ko palang narinig o nabasa sa kanilang aralin. Marami na rin akong nakilala sa lugar at palagi ko naman kinakamusta sina Papa sa probinsya araw-araw.

Niligpit ko na ang mga gamit, "Aalis na ako, Ate Lyka. Upang makapag bonding ulit kayo ng mga assignments mo" Sigaw ko na may halong pangtutukso sa kanya ngayon mismo.

"Sge, pero wala nang libre ha? Tapos na ang ating pag uusapan" Balik n'yang sabi habang nagliligpit rin kaya napatawa ako ng malakas.

Akala n'yang madadala ako sa kanyang mga pakulo. Palagi nga ako ang manglilibre bawat araw na wala siya sa mood o sadyang trip lang. Ngiwian ko nalang siya bago lumabas sa kanyang boarding house dala ang aking slig bag at sabay maglakad kasama ang ulap sa kalangitan.

***
Suot ko naman ulit ang aking uniforme sa pagtratrabaho bilang janitress. Hanggang tumatagal ay naging routine ko na ang paglilinis, hinahati-hati ang aking oras sa dalawang bagay na mahalaga sa akin. Sinisigirado kong walang dumi ang mga sahig dahil 'yun ang kabilin ng nag mamay-ari nitong gusali.

May tao sa aking harapan, "Matanong ko lang, nasaan ang room no. 342?" Tanong sa akin ng isang matandang lalaki na nakasuot ng pang business attire na damit " I have to visit my grandson"

Kulay puti ang buhok at may mahabang balbas pero umaangat parin ang pagka mestizo nito. May dala siyang mga paper bags na naglalaman ng mga pagkain at prutas. Agad ko siyang tinulungan na dalhin yun dahil nahihirapan na siyang magdala, hindi siya pumayag noong una pero palagi ko siyang kinumbinsi.

I smiled at him, "Sumunod lang po kayo sa'kin, Sir.  Dito ang daan sa iyong pupuntahan" Sabi ko at nagsimulang maglakad sa hallway.

Ramdam kong nakasunod siya mula sa aking upuan dahil sa mga yapak ng paa. Gulat akong napatili ang karamihang nurse na nadaanan namin mismo pagkatapos ay sinamaan pa ako ng tingin sapangkat napangiwi agad ako sa kanilang reaksiyon ng matandang lalaki.

Hindi ko nalng yun pinansin at tumingin sa ibang direksyon. Tiningnan ko bawat room kung sakaling dito lang ang no. 342 na bibisitahin na isang pasyente. At yun nga, nasa ikatlong room ang pupuntahan kaya dali ko na itong binuksan ang pintoan at nilagay ang paper bag sa mesa.

Malimit siyang napangiti, " Thankyou for helping me bringing this stuff, Iha" Anito sa akin kaya tanging ngiti lang ang sagot ko bago ulit lumabas.

Pero mabilis akong napatingin sa kaliwa ng mahagip sa aking mata, isang lalaki. Nakaupo siya sa bench habang nakayuko ang ulo. Lumakad ako palapit sa kanya pero agad rin siyang tumayo at umalis ng makita ako. I'm starting curious because of his actions and I know he is the boy that I can't feel shoulder last time.

Nakita ko nalang ang sarili kong tumakbo upang habulin siya upang pigilan. Ewan kung bakit pero baka ay ito na ang sinasabi ng matandang babae na may tutulungan akong isang tao mula sa aking pinagtratrabahoan. Hingal na hingal ako kaya huminto muna ako sapangkat bigla siyang nawala.

"Why are you running after me?" Tumaas ang balahibo ko na marinig ang boses n'ya.

Hindi ako nakapagsalita kaagad sa tanong nito sa akin. Nagdalawang-isip pang lumingon ba ako or hindi sa kanya ngayon pagkatapos sa aking pagtakbo sa gitna ng hallway na para bang hinuhuli ang isang taong magnananakaw.

Palipat-lipat ako ng tingin sa sahig, " Gusto lang kitang maging kaibigan, kung pwede sana. Mag isa ka lang kasi dito kaya wala ka sigurong makausap sa mga problema mo" Sagot ko sa kanya.

He looked at me with confused, "At this evening? Really? You want to be my friend, kaya mo ako hinabol hanggang dito sa labas" Sabi n'ya rin at nahalata ko kaagad na galit ulit siya sa'kin.

Bakit ba ang sungit n'ya sa akin? Wala naman akong ginawang masama at gusto ko lang talaga maging kaibigan siya kahit na mayroong pagka weird sa kanyang pagkatao. Kita kong naka
cross arms na siya habang pinagmasdan ako.

Napabuntong hininga ako,"Bakit umaga lang ba ang pwedeng makipag-kaibigan sa'yo? Sabagay, ganyan naman ang sikat...hindi masyadong nagtitiwala sa mga strangers na katulad ko" Turo ko sa aking sarili at umupo sa semento.

Lumaki ang mata n'ya sa ginawa ko ngayon. Kagaya noong nakaraan lumakas ulit ang simoy ng hangin mula dito sa labas ng hospital. Wala akong pakealam kung ano ang tingin n'ya sa akin ay basta maging kaibigan ko lang siya.

"It's good and you know that. Actually, I don't want to be friend with you because one day I will leave you behind" Mahina n'yang sambit.

I don't know how to react after his words saying to me. Masyadong malalim ang pagkasabi n'ya sa mga salita , hindi nalang ako sumagot at pinaglalaruan ko nalang ang mga bato. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit ayaw niya maging kaibigan, dahil ba sa trabaho?

Magsasalita na sana ako pero pag baling sa aking ulo ay wala na siya sa kanyang tinatayuan. Taka akong pinagpagpagan ang aking sarili at nilibot ang tingin sa paligid kung sakaling makita siya.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now