Chapter 17

78 3 0
                                    

" Lyka....gumising ka na!"

Napaaga ang gising ko kinaumagahan sapangkat kailangan ko pang bumalik sa hospital upang magbihis ng damit. Dito muna ako nakitulog sa kanyang bh kasi tinulungan ko naman siya sa project, kahit na pagod na ang katawan dahil sa trabaho. Niyugyog ko siya ulit upang magising.

Humikab siya at bumangon, " Ano ba! Inaantok pa nga ako ih, give me five minutes" Aniya saka bumalik sa pagkakahiga sa kanyang kama.

Napabagsak ako sa aking balikat sapangkat hindi parin niya gusto bumangon at nagtalukbong pa ng kumot si Lyka. Aking niligpit ang mga pagkain sa lamesa at saka nilagay muna sa tupperware para hindi kakainin ng pusa niya.

" Ouh sge, babalik nako sa hospital" Ani ko kaya nakita kong pinagmatyagan ako ni Lyka at mabilis na tumalukbong ng tumingin ako doon.

Kumuha nalang ako ng sticky notes tyaka ballpen upang mag iwan ng isang mensahe sa kanya at pagkatapos ay kinuha na ang aking mga gamit para maghanda na sa pag-alis. May mahalagang event na puntahan ang aming mga guro kaya wala kaming klase ngayong araw.

Pagkalabas ko palang ng bh ni Lyka mayroon na ring dumaan na taxi kaya sumakay na ako. Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang ako ay nakatingin lang sa bintana ng taxi sabayan ng isang familiar na kanta mula sa radio.

Can I spend the night..

Write a song for this time..

It has been a long day....

Haven't talk..

Would you believe it..

I could feel you there...

Another day has gone..

I hope you not alone....

Hindi ko maintindihan kung bakit ko naisip kaagad si Maro mula lang sa isang kanta. Nanatiling secreto lang namin ni Lyka na nakausap ko ang kaluluwa niya, kahit na bumalik siya sa pagiging masungit sa akin. Huminto ang taxi sa labas ng hospital dahil hindi pwedeng basta-basta makapasok ang mga sasakyan sa loob.

" Bayad ko po, Manong" Nilahad ko ang pera sa unahan kaya kinuha nya sa aking kamay.

Nakita ko ang mata ni Manong mula sa front mirror habang tiningnan ako mula sa backseat, "Kung sino ang palagi mong naiisip ay mayroong kahulugan na kayo'y nagkikita na noon. Kaya kilalanin mo siya ng mabuti, Iha" Sambit n'ya.

Dahil sa sinabi nito sa akin ay lumabas na ako sa sasakyan at bumungad agad ang malamig na ulan. Wala akong dalang payong o cap kaya buong lakas na tumakbo papunta sa harapan ng hospital upang sumilong doon. Lumaki ang mata ko ng makita si Maro na nakatingin sa akin sa glass sliding-door.

Humakbang ako papunta sa kanya, "May nangyari na naman ba?" Agad na tanong ko dahil hindi ko na maimpinta ang kanyang mukha .

" I need to rest" Malumnay na sambit nito.

Nakaramdam ako ng lungkot ng bigkasin n'ya ang salitang 'yon. He tired for everything that's why he said that to me now, but I know it feels. Kahit ako ay makapagsabi rin na pagod na akong mabuhay sa mundong ito ngunit naisip ko ang pamilya ko kaya nagpatuloy ako dahil isa itong misyon na binigay sa akin ni lord at gawin ko ito ng maayos.

I looked in other side, " Kung ano man 'yan, sabihin mo para naman matulungan kita. Kahit na hindi kaibigan ang tingin mo sa'kin.....nandito parin ako sa paligid mo...dahil kaibigan kita" Mahina na sabi ko na siya lamang ang tanging makarinig.

Mas lumalakas ang bagsak ang ulan at halos lamigin na ako dito sa labas dahil sa nabasa ang aking damit. I was about to talk when he walked away from me, mabilis ko siyang sinundan kung saan siya daan kasi alam kong kailangan niya ng karamay ngayon. Ano na ba ang ibig sabihin nito?

Nagustuhan ko na siya? o masyado lang akong caring sa mga taong nasa palagid ko? Aminin kong gwapo siya,matalino at maputi pero bakit ako nakaramdam ng kakaiba sa aking sarili... gusto kung pigilan ito dahil sa oras na gumusing siya ay baka mas lalo lang akong masaktan kasi hindi niya ako maalalala sa paglipas ng panahon.

***

" What the h*ll are you doing?!" He angry said.

Tinuro ko ang aking sarili, " Ako ba ang kinakausap mo, aber?" Inosente na tanong ko sa kanya.

He cleanched his jaw, " May ibang tao ka ba bukos sa'yo? So ikaw ang tinutukoy ko" Sabi nito pabalik kaya nagpigil na akong matawa dahil sa napikon na siya sa sinabi ko ngayon.

Nang makita niyang palihim akong tumatawa sa kanya ay wala man lang expression ang kanyang mukha. Umupo ako sa sahig at tiningnan siya, walang tao rito sa isang ward kaya pwede akong makipag usap sa kanya ng walang nakakita.

"Hindi ako aalis dito sa hangga't di mo sinabi kung bakit ka nagsusungit sa akin" Pananakot ko.

Napabuntong-hininga siya, " Because I was depressed that time we talk in the rooftop until now.....someone wanted me to disappear so he did this to me, I want to know who he is but i don't where do i start..." Pag amin niya agad sa'kin.

I sneezed in front of him, " Ang tanging maipapayo ko sa'yo ay huwag mo munang isipin ang mga bagay na 'yon at linawin mo muna ang isipan mo....tyaka mo na balikan 'yan kapag magaling kana" Pag comfort ko sa kanya kaya tipid siyang ngumiti at nakita ang kanyang biloy sa magkabilang pisngi.

Lumapit siya sa akin kung saan ako umupo at huminto sa harap ko. Pagkatapos ay lumuhod siya saka niyakap niya ako kahit ang naramdaman ko lang ay isang malamig na hangin ang bumalot sa aking katawan. Nang tumingin ako sa gilid ay nakita ko ang reflection niya mula sa malaking salamin habang ganito parin ang aming posisyon.

"Thank you for that message, Zaire. I know you are hurting too like me" Kumalas rin siya sa pagyakap sa akin habang ako ay hindi ko na ma proseso ang aking utak sa nangyari." Come with me may ipapakita ako sa'yo"

Nauna siyang naglakad upang ituro sa akin kung saan lugar niya ako dadalhin. Dumaan kami sa exit ng hospital upang mas madali at pagkatapos nang nasa labas na kami ay bumungad sa akin ang kakaibang paligid, mga limang metro pa aming nilakad mula sa hospital hanggang dito.

Masukal ang daanan kaya nahirapan akong maglakad ngunit siya ay wala lang 'yon. Malapit na rin mag tanghali, tumila na rin ang ulan at pumalit ang sikat ng araw. Pero nang huminto si Maro sa paglalakad ay agad kong nakita ang malinis at malinaw na tubig ng isang lawa.

Gulat akong tumingin sa kanya, " Anong lugar ito? Bakit may ganito sa likod ng hospital?" Tanong ko sa kanya na nakatingin lang sa paligid.

"This is the place where I first met a girl"

May nakita akong bench sa ilalim ng malaking puno kaya pumunta ako doon at umupo. Tahimik lang ako habang nakikinig kung ano man ang kanyang sasabihin, sumabay rin siyang umupo sa gilid ko at tiningnan ang magandang paligid.

I put my head in the edge of the bench, "At siya ang kailangan mo ngayon na nahihirapan kana..." Ramdam ko ang lungkot ng sabihin ko 'yon.

He looked at me, "But she died because of a car accident...i don't ever know her name before" Pagkwento niya pa sa akin habang nakayuko.

I smiled, " Wag kang mag alala kahit wala na siya ay may natira ka pang kaibigan. Kahit anong mangyayari lagi mong iisipin na nasa gilid mo lang ako palagi" Sambit ko din na hindi niwala ang tingin ko sa malawak na lawa.

Bumanat ako ng mga nakakatawa na jokes na narinig ko lang din sa ibang tao at lubos siyang natawa roon. Ni enjoy ang moment naming dalawa para hindi na siya malulungkot sa kanyang sitwasyon ngayon. Para akong nasa paraiso na lugar, sa tanging ganda lang ng paligid ay maramdaman mo kahit saglit na wala kang dinadalang mabigat na problema.

"From now on...you're my friend, Zaire"

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now