Chapter 28

71 4 0
                                    

After the happiness together with my friends and him are actually disappeared. I hate this life, all the difficulties and doubts about the accident a years past by are actually appeared again.

"I want to know the truth , Pa" I convinced him.

Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta dito sa police station upang makausap lang si Papa, dahil sa pag alaala ko ay hindi ko nagawang mag agahan. Nakapatong ang dalawang siko niya sa mesa habang nakayuko ang kanyang ulo, mayroon ding nakabantay na na pulis sa gilid naming dalawa na para bang nag mamasid sa aming kinikilos. Bumigat ang pakiramdam ko kapag nakita ko si Papa na malungkot ang mukha.

Inangat ang tingin n'ya sa'kin, "Zaire..anak, alam ko na naguguluhan at nasasaktan ka sa nangyari ni Papa. Pero sana naman anak 'wag na 'wag kang magtatanim ng galit sa pamilyang Jamero dahil isa din ako sa nakasaksi sa aksidente" Paliwanag ni Papa sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin.

I deeply sighed, "Biktima din po tayo , Papa. Kung hindi sa dahil doon ay sana hindi na nabali ang paa mo ngayon, naging mabuti sana ang kalagayan mo noon pa man " Sabi ko naman sa kanya.

"Ang mahalaga ay hindi ka nasaktan o nasugatan sa aksidente, okay lang sa'kin kahit nabalian pa ako ng buto basta hindi lang ang nag iisang anak ko" Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko.

Tumingin ako sa ibaba , "Kahit na!  hindi ka dapat nila kinukulong ng walang pinapakita na ebidensya na ikaw talaga ang gumawa nun at sana iniisip rin nila ang naramda—" He cut my words.

"May pumunta na mga pulis nung nakaraang buwan sa bahay natin. Nagtanong sila sa'kin kung may nalalaman ba ako tungkol sa aksidente ng isang lalaking leader ng racer" Pag amin nito.

Inangat ko ang tingin ni Papa na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa akin. Akala ko ay ito lang ngunit hindi, may mas nauna pa pala dito na wala man akong kaalam-alam sa mga nangyayari ng pamilya ko pagkatapos kung pumunta Ako dito sa siyudad upang magtrabaho. Agad akong napatayo sa gulat ng malaman ko 'yon sa kanya.

"Bakit hindi n'yo man lang ako tinawagan?! Na mayroon na palang nangyari na hindi maganda sa inyo ni Mama?!" Hindi ko mapigilang mapataas ang boses ko habang sinasambit 'yon sa kanya.

Mapait siyang ngumiti, "Hindi namin gusto na disturbuhin ka....lalo na nag aaral ka pa. Nilihim lang namin ito sa'yo upang hindi ka mag alaala sa'min at maging focus ka sa goal mo" Mahinang sambit n'ya habang pinahiran nito ang luha ko.

Pagkatapos nitong magsalita ay tumayo siya at agad akong niyakap ng mahigpit. Kahit na maraming problema silang kinakaharap ay mas pinag tutuunan parin nila ng pansin ang kinabukasan ko, gusto ko pa sana makausap ng matagal ni Papa sapangkat marami pa akong itatanong sa kanya ngunit pinapasok na siya sa kulungan. Wala na akong nagawa kundi umalis.

***

Nang nakalabas na ako sa police station ay kaagad akong napatigil ng makita ko siya na nakatayo sa hindi kalayuan habang nakakatitig sa'kin na nag alaala ang kanyang mukha. Inayos ko ang aking slig bag at mabilis na lumakad sa ibang direksyon upang iwasan si Maro dahil sa nangyari.

"Zaire, we need to talk right now" Sigaw nito sa'kin at parang hinahabol ako sa paglalakad.

Napapikit ako sa hiya dahil karamihan sa mga taong nakakasalamuha ko ay napatingin sa'min, hindi parin tumigil si Maro sa pag sisigaw sa gilid ng kalsada ngunit hindi ko parin ito pinapansin.

Mula sa hindi kalayuan ng highway ay natanaw ko ang namamasadang taxi kaya mabilis akong pumara para sumakay, nang huminto ito sa harap ko ang taxi ay akmang bubuksan ko na sana ang door para pumasok sa loob pero hinawakan na ni Maro ang pulsuhan ko palayo sa sasakyan.

Nagpumiligas ako, "Ano ka ba! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako, Maro!" Madiin na sabi ko.

"Why didn't you answer my call?" He calmly asked.

"Naka silent ang phone ko" Tipid na sagot ko.

I didn't wait for what he had to say and continued walking away from him. Pero ang totoo ay naka power off ko kasi hindi ko na gustong makakita ng kahit ano sa internet na may kinalaman sa aksidente dahil muli na naman akong masasaktan sa sasabihin ng mga tao sa balita. Muli na namang tumulo ang luha ko habang iniisip ko kung ano ang maaring possibleng mangyari sa amin.

Niyakap ako ni Maro mula sa likod, "Your avoiding me for what? Just tell me please..... I'm worried about you" Malungkot na sambit nito sa'kin.

Pinunasan ang luha ko gamit ang aking mga kamay, "Gusto mo talaga malaman kung bakit kita iniiwasan? Okay. Kinulong ng parents mo ang papa ko dahil sa nangyari sa'yo noon, 'wag mong sabihin hindi mo alam 'yon?" Mapakla akong natawa.

"I explained everything, Please... don't avoid me because of that. I'm begging you" Sabi n'ya muli.

Tinanggal ko ang kanyang kamay mula sa beywang ko at agad ko siyang sinusuntok-suntok ang kanyang dibdib dahil  sa galit na naramdaman ko ngayon. Hindi siya nagalit o nag rereklamo sa'kin habang ginagawa ko iyon sa kanya, hinayaan niya lang ako. Pero nung nakontento na ako ay nanatili nalang nakakuyom ang kamao ko.

Umiiyak ako sa harap n'ya, "Para saan pa ba, Maro? Hindi ka ba masaya na mabibigyan ka na ng hustiya sa nangyari sa'yo? Di'ba 'yan ang gusto mong mangyari noon pa? Oh eto na!" I explained to him but he trying to hold my hand.

Matamlay niya akong pinagmasdan,"I will never be happy while we are like this. My mind, my heart are always remember you if I don't see you! You are not the only one who is hurt, I am also hurt every time I see you like that!" He heavily sighed.

"Kalimotan mo na ako please... hindi ako ang babaeng para sa'yo, Maro" I responded.

Akala ko dun na matatapos ang lahat kung ano ang meron sa aming dalawa ngunit hindi makisama itong puso ko. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay naramdaman ko na hindi rin ginusto ni Maro na magiging ganito. When I looked at him, I saw tears on his face as he looked at me sadly. This is my first time to see him crying in front of me, umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka ano pa ang magawa ko Kay Maro ngayon dito.

"Before I leave, i want to say.." He pause for a while.

Napayuko ako habang hinihintay ang kanyang sasabihin sa akin, " Sabihin mo na upang aalis na ako, may mahala—" Hindi ko na nagawang masabi ang salita ng marinig ko ang sinabi n'ya.

"I love you, Zaire Eight Marquez" He said.

His last words for me makes my heart broken again. Tumalikod na siya sa'kin pagkatapos n'yang sabihin iyon at nagsimulang naglakad palayo, pinikit ang aking mata upang lumabas ang naiwang luha. Kinagat ko ang ibabang labi bago ako tumalikod rin sa ibang direksyon at hindi na ako muling nagsalita. Nagsihulogan ang mga patay na dahon sa kalsada dahil sa hangin, huminga ako ng malalim saka nagsimulang naglakad.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now