Chapter 13

81 4 0
                                    

Kinabukasan, mabagal kong binuksan ang aking mga mata at saka tumingin sa aking paligid kung nandyan pa rin siya. Napahawak ako sa aking noo para I check kung okay na ba ako pero naramdaman na may bimbo ang nakalagay doon.

Nang tingnan ang aking damit ay naiba na ito,nakasuot na ako ng hello kitty na pajama. Wala akong matandaan na nagbihis ako kagabi pagkatapos akong pinipilit na magpahinga dito sa aking munting kwarto. Ginulo ko ng makailang-ulit ang aking buhok sapangkat kung ano-ano nalang ang pumasok sa isipan ko ngayon

"Wahhhhhh!!!" Sigaw ko ng malakas.

Patuloy ako sa pag sisigaw habang nakatalukbong  ng kumot. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling ibang tao ang nagbihis sa akin. Tumigil ako sa aking ginagawa ng biglang bumukas ang pinto at may nakita akong anino na pumunta sa aking higaan. Naghanap ako ng pwedeng pang proteksiyon sa gilid ko at hindi naman ako nabigo dahil may pepper spray sa aking unan.

"What's wro—easy mushroom girl" Hinawakan niya ang isang kamay ko na may spray.

Ginalaw ko ang aking kamay, " Bakit ka nandito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira? Stalker ka ba?" Tanong ko sa kaklase ni Lyka.

Hindi siya sumagot at pagkatapos ay nilapag niya ang bowl na may laman na ramen noodles. Bumalik nalang ako sa pagkahiga nang sumakit ulit ang aking ulo dahil sa aking madaliang pagtayo.

"Kainin mo na ito habang mainit pa" Anito.

Tiningnan ko siya na nagtataka, "Ikaw ba talaga ang nagluto n'yan hmm?" Ngumuso ako sa maliit na mesa kung saan nya nilagay ang noodles.

He looked the bowl, "Hindi. Nakita ko lang kasi ito sa kusina kaya eto may makakain kana" Sagot nito kaagad sa akin kaya napangiwi ako.

Kung hindi siya? Sino?

Matagal akong napatitig sa bowl ng umupo ako sa gilid niya. Siguro akong hindi ito magawa ni Lyka ang ganitong pagkain dahil hanggang lang iyon sa boiled eggs, kasanayan lang na kumakain sa labas.

Sinimulan ko ng kumain ang binigay niya dahil tumunog na aking sikmura. Masasabi ko na sobrang sarap ng ramen noodles, parang nawala ang panghihina ko pagkatapos kong natikman. Napatigil ako ng may nainag akong tao mula sa aking peripheral vision kaya tumingin ako sa doon at nakita ko ang masungit na lalaki.

" Hey, are you okay?" Tanong ng kasama ko.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nawala sa gilid ng pinto. Kaagad akong napatayo sa upoan at lumabas sa aking kwarto. Alam kong medyo na werduhan si Ray sa akin pero hindi ko na yun inalalahin pa. Gusto kong magpasalamat sa kanya  kahit na hindi gaano kami close sa isa't isa.

Tumigil ako ng may nakita akong nurse, "Excuse me miss, may nakita ka bang lalaki? Ganito ka taas" Sabi ko sa kanya habang tinaas ang aking isang kamay upang malaman ang height nito.

"Wala akong nakitang tao na dumaan dito" Aniya.

"Sigurado ka?" Ulit na tanong ko.

Tumango siya, "Wala po talaga ma'am"

Napakamot nalang ako sa aking ulo at bumalik kwarto. Mataas ang kutob ko na may mangyayari talagang masama, lalo na ngayon. Ramdam kong nakasunod ang tingin ni Ray sa'kin mula sa higaan pagkatapos akong tumakbo kanina ng mabilis papunta sa labas, he's face was so curious.

He sighed and smile, " I guess...you forgot something today" Humakbang siya papunta sa mesa at kinuha ang isang bondpaper.

Agad naman niyang nilahad sa akin iyon upang malaman ko kung ano. It was an testpaper for the math competition, at ngayon pa talaga na wala ako sa katinuan gawin ang ganito. Kahit tiningnan ko lang ang mga questions ay parang hindi ko na gustong ituloy ang pagsagot.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now