Chapter 18

89 6 0
                                    

Hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Maro sa akin nung kami ay nasa maparaisong lugar. Parang gumaan ang pakiramdam ko na napagtantong magkaibigan na kaming dalawa, pero may side sa'kin na medyo hindi ako kuntento mula sa kanyang sinasabi.

Pumasok ako sa loob ng cr upang linisin ang madumi na mop na kanina ko pa ginagamit sa sahig. Binuksan ko ang gripo at hinayaan na umagos ang tubig papunta sa balde. Tanging ingay lang ng tubig ang maririnig mula sa loob ng cr.

" Nasaan kaya siya ngayon?" Tanong ko sa sarili.

Napabuntong-hininga ako at sinara na ang gripo sapangkat napuno na ang lalagyan. Piniga ko ng makailang ulit ang mop upang mawala ang dumi at nilagyan ko muli ng tubig. Bakit ko ba siya iniisip ngayon? Kung saang lugar ako pupunta palagi ko nalang ito maalalala, siguro ay antok lang to.

May narinig akong yapak ng paa, "Sinong siya ang sinasabi mo Zaire? Boyfriend mo siguro?"  Kaagad akong siniko ni Nea sa braso, isa ring janitress.

"Anong....hindi ah!" Tanggi ko kaagad sa sinabi niya pero tinatawanan lang ako. "Seryoso nga ako ih! Wala akong boyfriend ngayon, Nealise"

Mapatukso siyang ngumiti, " Kung wala bakit ka ngumingiting mag-isa d'yan? Sobrang kita mo mula sa salamin na para bang kinikilig ka" Aniya ulit kaya pinaglakihan ko siya ng mata at mahigpit kong hinawakan ang stick ng mop upang pigilan ang aking sarili

"Sa tingin ko kailangan mo nang gumising ngayon...panaginip mo lang 'to eh" Hinarap ko sa kanya ang dala kong balde na may tubig.

Naglaho ang ngiti n'ya ng pinaglaruan ko ang tubig gamit ang isang tabo. Parang alam na niya ang susunod na mangyayari kaya mabagal itong kinuha ang kanyang kagamitan sa cubicle at pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo papunta sa pintuan.

Sinundan ko si Nea papunta sa labasan habang natatawa ng dahil lang sa takot na matapunan ng maraming tubig. May dala pa akong mop at saka yung balde para hindi na ako bumalik sa loob pero nung pagbukas ko palang sa pintuan ay gulat akong napaatras ng makita ulit si Maro.

"Still working?" Tanong niya sa'kin.

Marahan akong tumango, "Mamaya pa ang out ko eh pero patapos na rin ang lilinisin namin ng kasama ko" Sabi ko naman kaya tumatango-tango siya at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng wall.

He looked at me and smiled, " I'm waiting you here while you are cleaning the floor" Nag cross ang dalawa niyang kamay at tumingin sa itaas.

Napangiwi ako sa sinabi n'ya ngunit tumango na rin ako at pumunta na sa kabilang hallway para linisin ang natirang dumi ng sahig. Tumingin ako wall clock upang alamin kung anong oras, 9:30 pa lamang ng gabi at ang out ko ay 10 pm kaya may ilang oras pa akong maglinis. Binago kasi ang schedule ko kasi nga mag-aaral pa ako ng umaga hanggang hapon, may mahaba pa akong pahinga.

Tumitingin ako sa palagid kung may tao pa ba ang naglalakas, "Bakit ka pa pumunta rito diba dapat ay nagpahinga kana sa room mo?" Naglagay ako ng headset sa magkabilang tainga para hindi halata na na may kausap ako na hindi makikita ng ibang tao.

" I didn't sleep" Tipid na sagot nito.

Syempre naman hindi siya matutulog dahil nga kaluluwa lamang siya Zaire. Kahit na 24 hours pa 'yan ay hindi parin siya matutulog. Sa dinami-daming tanong na pwede kong ma topic bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko? Masyado na ba akong halata sa mga kinikilos ko lately?

Hindi na muli ako nagtanong ulit sa kanya at pinatuloy ko nalang ang paglilinis hanggang sa natapos ko na ito. Sinauli ko muna ang mga gamit na panglinis sa storage room bago ako lumapit ni Maro na hindi parin umalis kung saan siya nakaupo. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at pagkatapos ay sabay kaming naglalakad sa gitna ng mahabang hallway ng hospital.

***

"Naniwala ka ba sa mga multo, Ciao?" Tanong ni Kevi sa kanyang rival friend na kumakain.

She rolled her eyes, " Kung sasabihin kong oo...maniniwala ka ba?" Balik rin niyang tanong. 

Walang guro ang nagbabantay sa aming room kaya malaya kaming nag-uusap ngunit naghabilin ng activity's kaya kahit papano may nagagawa rin kami ngayong araw. Magkatapat lang ng chair namin sa dalawa kaya naman rinig ko ang kanilang pag-usapan. Kahit ako ay naniniwala na rin na nag eexist talaga ang mga multo dito sa lugar natin.

Tinuro niya si Ciao gamit ang sign pen, " Yes ofcourse naman! Mukha mo palang para ka ng multo oh! HAHAHA" Sambit nito habang natatawa.

" Yung sa'yo parang skeleton blehh" Sabi din niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat dahil may tumitingin sa'kin mula sa bintana namin. Simula nung sinabi niyang magkaibigan kaming dalawa ay palagi na siyang umaaligid sa akin. Wala sa sariling napabahing ako ng malakas kaya nakatingin kaagad sa'kin ang mga kaklase ko.

Binigyan ko lang sila ng apologic smile kaya bumalik na rin ang tingin nila sa unahan at pinatuloy ang kanilang ginagawa. Napatingin ako sa gilid dahil may kukunin ako sa aking bag ng may naglahad sa'kin ng tissue, kinuha ko ito at nang tumingin ako sa itaas ay yung multo ang nagbigay.

"Wipe your nose, Zaire" He said to me.

Mabilis akong nagsulat sa papel upang magpasalamat sa kanya. Hindi ko maaring magsalita dahil baka ma weirduhan sila sa akin kung bakit ako nagsasalitang mag-isa. Napangiti ako ng sinabi niya ang pangalan ko, bakit sa kanyang pronunciation ay nagustuhan ko kumpara sa mga kaibigan ko habang binigkas ang name ko.

Nag sign ako na umalis na siya, " Bumalik ka na sa hospital at doon kana mag stay ngayon" I whispered while doing my answer sheets.

I heard he sighed, "Okay fine, study well" 

Pagtapos ay hindi ko na naramdaman na nandito siya sa tabi ko at nakita ko siyang lumabas sa mismong pader. Nagpigil ako na wag sumigaw dito sa loob ng classroom ng dahil na naman sa kanyang huling sinabi sa akin. Para akong batang nanalo ng loto sapangkat ang haba ng pag ngiti ko.

Someone hold my hair, "Naamoy ko dito sa space na ito ang inlove na babae...ang ganda ngumiti" Sabi ni Ciao na parang nagtatalumpati sa stage.

"Mali yata ang naamoy mo Ciao baka nasa kabilang side 'yan" Inosenteng sambit ko sa kanya.

She smelled my uniform, "Dito galing ohh.....bakit ayaw mo pang aminin na may nagustuhan ka ng tao ha, Zaire" Dahil sa kanyang malakas na boses ay nakatingin na naman ulit ang mga classmate sa akin habang ngumingiti sila sa'kin.

Napatango na lamang ako, "May nagustuhan na akong tao ngunit hindi natin kaklase nasa ano siya.........basta hindi ko maaring sabihin kung saan" Nag pout ako habang nakatingin kay Ciao na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Hudyat lunch break na sapangkat tumunog na ang school bell namin. Niligpit ang aking mga gamit bago ako pumunta sa monitor namin upang ipasa ang pinagawa sa amin ng guro kanina. Nanatili parin si Ciao sa aking upuan habang nakabukas ang kanyang bibig ngunit kaagad rin siya tumakbo papunta sa'kin saka ako'y niyugyog ng makailang ulit ng dahil lang sa halong emosyon nito.

"Kagaya ba ng mga fictional characters ang nagustuhan mong lalaki?" Masiglang sabi niya.

I wonder if Maro is up to the standard of fictions because when the ideal is based on that, it is really high. Parang nasa kanya na ang lahat ang gusto ko sa isang lalaki pero hindi ko pa rin makakalimutan ang naging kaibigan ko sa probinsya nung bata pa ako dahil kapareho siya ni Maro.

I smiled at her, " Parang ganon na nga.." Sambit ko kay Ciao kaya humiyaw na naman siya ulit.

I chuckled her reaction. Sabay na kaming umalis sa room at magtungo sa canteen para kumain, kahit na naglalakad ay panay mention n'ya sa napag usapan namin kanina. Tanging tawa lang ang masasagot ko dahil nag imagine na naman siya ng mala wattpad scene para sa amin.

Sa tagal naming pagsasama ni Maro ay ngayon ko lang naisip o confess na nagustuhan ko na pala siya. At alam ko na siya pala ang tinutukoy ng matanda nung papunta palang ako dito sa siyudad upang magtrabaho at mag-aral, sana ay hindi ako magsisisi kapag isang araw ay baka magbabago ang takbo ng mundo naming dalawa ni Maro.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now