Chapter 23

75 4 0
                                    

I'm here today at the restaurant to celebrate because our examinations are over. I was sitting at the table reserved by Ray and I was waiting for them to arrive here. May mga tao rin ang dumayo rito upang mag dinner kasama ang family nila, yung ilan inaasikaso ng mga waiters, nag kukwentuhan at nag ta-take ng mga pictures.

Habang ako ay nakatanaw lang sa may bintana na mayroong mga sasakyan ang dumadaan. Iniisip ko pa rin kung sino ang lalaki na aking nakita nung pumunta kami ni Frank sa fountain, may binanggit ang isip ko ngunit hindi ako makapaniwala kung siya nga ba 'yon o namamalik-mata lang ako non.

"What is your order, ma'am?" Magalang na tanong ng isang waiter ng makarating sa table ko.

I smiled at her, "Hinihintay ko pa ang mga kasama ko, miss. Mamaya nalang ako umorder kapag nandito na sila" Sagot ko kaya nagpaalam na siya sa'kin at pumunta sa ibang table.

This place was nice. There are lots of ambience lighting every corner in the restaurant and also had a big chandelier at the center. The tables, chairs looks like it was bought from another country because of the beauty of its design.

Nakasuot lang ako ng plain polo shirts na kulay beige na may detachable buttons at ipinares sa faded blue jeans with casual shoes. Nakatungkod ang ang aking siko sa table at ang kaliwang pisngi ay nakapatong sa palad, antagal naman nila dumating kaya napag desisyonan ko na umidlip muna ako saglit.

Someone poked me in my arms, " Hey, wake up! We're here na...sleepyhead" May bumulong sa'kin na boses babae mula sa aking tenga.

"Sorry, congratulations pala sa ating lahat! Worth it yung paghihirap natin sa exam!" Masayang bati ko kaagad sa kanilang lahat ngayon ngunit tinawanan lang ako ni Ciao kaya napa pout ako.

Umupo sa kabilang side ng table sina Ray at Lyka habang ang dalawang acads rival ay nasa bandang gilid ko lang nakaupo. May kalakihan rin kasi ang table namin kaya kasyang-kasya kaming lima dito.

"Always worth it our hardworking" Ray said.

Napa thumbs-up naman si Lyka, "Tama! Enjoy lang ang moments natin ngayon kaya order na tayo ng foods" Kumuha siya ng menu at tiningnan kung ano ang nakalagay na mga dish.

Tahimik lang akong tumitingin sa menu, medyo ngayon ko lang rin nakita ang ganitong klase na mga pagkain kaya mas nahihirapan akong pumili na aking kakanin ngayong dinner. Everyone was busy to search there foods to eat, inikot ko ulit ang ulo ko sa may bintana upang tingnan ang nag niningning na mga bituin sa kalangitan.

" I want this... Italian Lasagna" Sabi ni Kevi.

Ciao also pointed to the food that Kevi choose right now, "Ganyan din ang kakainin ko. Kung ano sa kanya ganun rin ang sa akin" Bigkas rin niya kaya nagkatinginan kaming tatlo ni Ray at Lyka.

Rinig pa namin na nagbabangayan silang dalawa dahil lang dun. Wala nang magawa si Ray kaya tinaas n'ya ang kanyang kanang kamay upang tawagin ang waiter at nang may lumapit ay kaagad na binigay ang aming orders na pagkain. Ilang oras kaming naghintay na dumating ang foods kaya nag kukwentuhan muna kung ano ang susuotin sa aming J's prom ngayong friday.

Actually, hindi ko naman gustong pumunta dahil wala naman akong makakasayaw sa prom at tyaka wala akong damit na susuotin. Pinaglalaruan ko nalang ang mga darili ko habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit tinawag ako ni Lyka kaya inangat ko ang aking ulo at patanong ko siyang tinitingnan.

Ngumuso siya, "I immediately read your mind that you can't go to our prom, why?" She asked me that's why everyone staring at me.

"Wala akong pera" Tipid na sagot ko.

Nagkatinginan muli silang apat pagkatapos kong sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit hindi ako makapunta at sabay-sabay pang  tumango na para bang nag uusap sila gamit lang ang ang kanilang isipan bago binalik ang tingin sa akin. It looks like they are going to do something to me because Lyka and Ciao are smiling while watching me now.

Pumalakpak si Ciao, " Don't worry, I got you. Ako na bahala sa lahat upang gumanda ka lang sa gabing 'yon at maging prom queen" She assured.

Hindi rin nagtagal nilapag na ng waiter sa glass table ang mga inoorder naming mga pagkain. Magsasalita pa sana ako ng pigilan ako ni Lyka gamit ang palad n'ya at inabot sa'kin ang pagkain ko. Wala sa sarili kong tumango nalang sa sinabi ni Ciao sa'kin na siya ang gagastos sa lahat.

***

Napuno ng katahimikan sa loob ng sasakyan ni Ray pagkatapos naming mag dinner kanina. It's a good feeling to be with our friends, it's like all the sadness disappears when they're there, even if they are busy with things , they still can't forget that they're here with us. Pero nandoon parin ang awkwardness dahil ako lang ang naiiba sa kanila.

Nagtaka ako kung bakit biglang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang na masyadong dumadaan sa mga oras na ito dahil malalim na rin ang gabi at iilan lang ang street lights sa lugar na aming pinuntahan ngayon.

Lumabas si Lyka sa sasakyan at sumunod rin ako sa kanya kung saan siya patungo. Nanatiling nasa loob lang ng sasakyan si Ray habang pinagmasdan kaming dalawa na naglalakad palapit sa nakaharang na semento.  Nakanganga ang aking bibig nang makita ko ang daang-daan na mga alitaptap ang lumilipad mula sa bangin na maraming puno ng kahoy. A smile appeared on my lips as I watched them fly up.

"Okay ka na ba?" Panimula n'yang tanong.

I nodded, "They are also like the moon and stars in the sky, giving light....even if they are far away from us. Kahit na nakatingin lang tayo sa kanila mula sa itaas, maramdaman natin na may karamay ka sa mga problem" Mahabang pahayag ko at nilahad ang aking kamay sa ere baka sakaling may alitaptap ang dumapo sa palad ko.

Tumingin si Lyka sa direksyon ko, "Kaya ba palagi kang tumatambay sa rooftop dahil lang dito?" Ulit na tanong ni Lyka sa akin ngayon.

Tipid ko lang siyang ningitian sa labi kaya agad n'ya akong niyakap ng mahigpit. Nakasubsob ang ulo ni Lyka mula sa aking balikat, napatawa ako dun kaya tinatapik-tapik ko nalang ang kanyang likuran bago siya bumitaw sa pagyakap.

"Oo na, pupunta ako sa prom party natin kaya wag ka ng malungkot d'yan" Pabiro na sambit ko.

Hinampas n'ya ako sa kamay, "Ewan ko talaga sa'yo, Zaire. Kahit nag eemote na ako dito, hindi mo parin makakalimotan ang magbiro" Kunwaring galit niyang sabi sa'kin kaya natawa ulit ako.

"Talaga? Nag eemote ka?" Inosenteng tanong ko.

She rolled up her eyes on me, "Tatanda ka talagang dalaga kapag hindi bumalik yung sinasabi mong lalaking multo, Zaire" Pambabara ni Lyka sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Sasagot pa sana ako ng biglang lumabas si Ray sa kanyang sasakyan pagkatapos ay naglakad siya papunta sa aming direksyon ni Lyka. Hindi ako makapaniwala na nagkatuluyan ang dalawa, ang lakas pa na tumanggi ni Lyka ng tanungin ko siya na magiging boyfriend niya si Ray noon.

"All right..girls. I should take you two home because it's not safe here at this time" Sabi nito.

Ako ang naunang maglakad pabalik sa kotse at iniwan ang dalawa doon. Napa cross ang mga kamay ko habang tinitingnan ko silang pumasok mula dito sa backseat ng sasakyan. Tahimik akong umidlip dahil sa inaantok na ako, pero ramdam kong nakatingin si Ray at Lyka sa'kin habang nakapikit ang mga mata ko. Until I heard the car's engine start,  we left the place of the fireflies.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now