Chapter 6

96 3 0
                                    

Nagsipuntahan ang mga kasama ko sa trabaho rito sa aking kwarto matapos malaman na aalis bilang isang waitresss sa bar. Kahit hindi pa ako gaano matagal nag trabaho na maging isa sa kanila ay tinuri ko na rin silang pangalawang pamilya.

They helped me carry my stuff out the door. Ako palang ang pinakabatang na nagtratrabaho sa bar dahil karamihan ay mas matanda pa ang edad sa'kin. Galit sila sa ginawa ni Manager kagabi pero wala na silang magagawa sapangkat gusto rin nilang magkapera para sa pamilya at pag-aaral.

"Rea... I'm sorry" Mahinang bigkas ni Lyka.

Tumigil ako sa pagliligpit ng iilang gamit ko na ilagay sana sa aking bag pagkatapos ay lumingon ako sa kanya na ngayo'y nakayuko ang ulo. Nasa kanya ang tingin nang kasamahan n'yang trabaho at nagtataka kung bakit siya humihingi ng tawad.

Napaupo siya sa sahig, " Kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito...sana ay hinayaan ko nalang. Ako yung ate kaya responsibilidad na ipagtanggol kita pero ikaw ang nakagawa no'n" Umiiyak n'yang paliwanag kaya lumapit ako at pinipilit na tumayo.

"Walang may kasalanan dito. Ginagawa ko lang tama" Ngumiti ako sa kanya saka tinapik ang likuran n'ya. "Kung hindi ko pinirmahan ang papel baka tayong lahat matatanggal sa trabaho"

Walang kahit isa ang nagsalita habang sinasabi ko 'yon sa kanilang lahat. Mahirap man na mawalay sa kanila sapangkat maghahanap naman ng bagong kapalit sa'kin. Buti nalang ay holiday ngayon kaya walang klase hanggang bukas kaya may oras pa na maghanap ulit nang pag-ipunan ko.

" Bakit ang bait mo sa'min, Iha?" Tanong ng isang kasamahan ko." Mas inuuna mo pa kami kaysa sa iyong sarili" Dugtong pa nito sa sinabi.

Nag-isip muna ako saglit, " Siguro ay madali lang maawa sa aking kapwa. Kahit na gipit na gipit na ako sa mga bagay-bagay....mas gusto ko paring tumulong sa nangangailangan" Mahabang paliwanag ko kaya napangiti sila sa narinig.

Pagkatapos ng aming pag uusap ay sabay kaming lahat na naglalakad papunta sa hagdan habang bitbit nila ang ibang kagamitan na dadalhin ko sa pag alis. Sa natitirang sahod ko ay pinadala ko na nila Mama para sa kanilang pangagailangan doon at nabalitaan ko na unting-unti nang naging mabuti ang kalusugan ni Papa at Lola.

Napatigil kaagad sa paglalakad ng hinarangan kami ni Ma'am Manager habang naka exis ang mga kamay n'ya. Tahimik lang kaming lahat at hinihintay kung ano ang kanyang sasabihin.

"This is your last salary, Zaire" Binigay n'ya sa aking ang puting sobre. "Thankyou for staying at my bar as my waitress and sorry for the behavior of Mr. Bulk last night" Aniya saka pilit na ngumiti.

Napakamot-ulo ako sa kanyang sinabi, " Okay lang po 'yon, Manager" Sabi ko rin at napangiti na rin.

" Sigurado ka ba na hindi mo na gustong magtrabaho dito?" Tanong pa niya kaya agad akong sinagi ni Lyka sa braso. "Kung nagbago ang isip mo, pwede ka naman bumalik"

I adjusted the strap of my bag, "Buo na ang aking desisyon, Ma'am. Nakausap ko ang pamilya ko kagabi..sinabi ko sa kanila ang tungkol sa trabaho ko pero nag-aalala sila kung ano ang mangyayari kung magpapatuloy ako dito" I responded.

Tumango na lamang siya at nagpaalam na bumalik sa kanyang opisina. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad hanggang narating namin ang labas ng boarding house. Kaming dalawa nalang ni Lyka ang nandito dala ang gamit ko sapangkat may gagawin pa ang ibang kasama namin.

***
" Dito ka lang sa gilid at wag kang aalis"

Pumunta muna kami ni Lyka sa Ice Cream Store para ilibre n'ya ako ngayon at sabi pa pangbawi 'daw' ito sa ginawa ko kay matandang lasing kagabi. Nakaupo lang ako sa table habang siya ay nag-order na para sa aming dalawa.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now