Chapter 2

137 3 0
                                    

Nagtanong na kami ni Manang Cia bawat lugar na pwedeng pagtratrabahoan ko pero kahit isa roon ay hindi tumanggap ng isang minor de edad pa lamang. Maaga akong nagising para simulan na maghanap sa lahat ng building na madaanan.

Mainit ang sikat ng araw habang naglalakad kaming dalawa sa gilid nang kalsada. Ilang sasakyan ang dumaan na may dalang maitim na usok. Napagpasyahan ko na sumilong muna sa panaderia sapangkat matanda na si Manang at madali lang siyang mapagod kapag nagpatuloy.

"Paano ba 'yan, Iha. Nalibot na natin ang buong lugar para mag apply sa trabaho" Dismayadong sambit n'ya sa akin habang umiinom ng malamig na tubig. " May iba kasi na nagbabase sa kasuotan ng tao kaya hindi sila tumatanggap, kagaya natin"

Akala ko ay ako lang ang nakalahata sa mga sinasabi ng manager sa'min pero pati si Manang din. Wala akong magandang damit na maisuot  kaya naintindihan ko kung ganun sila umaasta.

Binilhan ko muna siya ng makakain dahil kanina pa siya pana'y tingin sa mga tinapay. Ginastos ko ang pera na nasa aking pantalon at ang nakagulat pa roon ay dumami siya pagkagising ko kanina kaya ang kalahati ay pinadala ko na nila Mama.

Pilit akong ngumiti sa kanya, " Magpahinga na po kayo. Ako nalang ang magpapatuloy sa paghahanap, Manang. Andami mo nang naitulong sa'kin" Sabi ko at binigyan siya ng makakain.

Tinanggap n'ya naman ito sa dalawang kamay at sinimulang kumain. Napangiti agad ako habang pinagmasdan siya na masayang kumakain sa tinapay. Ewan ko lang pero naiisip ko si Lola sa kanya, palaging ngumingiti ang mukha na kahit sa simpleng pagkain o bagay na ibibigay.

Nahagip sa aking mata mula sa isang posteng na may nakadikit na karatola. Maraming tao ang tumingin mula doon kaya nag paalam muna ako kay Manang na hindi parin tapos kumain. Dala ang maliit na bag at pinipilit na dumaan sa nag siksikan na tao para makita ko nang tuluyan ang nakasulat.

' We're hiring a male or female waiter in the Dora's Bar besides at the Valiant Mall. Free lunch and your boarding house. The monthly salary is about to 5,000 thousand pesos. We're accepting minor at age with a valid reason. If you interested with this work, just go in our shop bar. Thankyou!'

May tumapik sa aking braso kaya napalingon ako sa gilid at tumambad sakin ang isang magandang babae na ngumiti ng makita ako. Pinalupot agad ang kanyang braso mula sa aking kamay.

"Naghanap ka rin ba ng trabaho?" Tanong n'ya habang nakatitig sa mismong poster.

Tumango ako, "Kailangan kong makaipon ng pera para sa pag aaral at pamilya ko" Tugon ko kaya ngumuso siya sa akin dahil sa aking sagot.

Hinatak ako papunta sa gilid, " Oh? Anong pinag hihintay natin... let's gooo to the bar!" Aniya saka inakbayan ako at nagsimulang maglakad.

"Teka lang! Sasabihan ko muna si Manang tungkol dito dahil iniwan ko lang siya panader—"

Tinuro n'ya ang babaeng na tumabay sa tindahan at nakilatis ko kaagad 'yon kung sino, "Siya pa nga nagsabi sa'kin kanina na samahan kita. Wag kang mag alalala...ako ang bahala sa'yo" Taas-noo na sambit n'ya ulit kaya wala na akong magagawa pa.

Tiyahin n'ya pala si Manang Cia kaya hindi ako magtakaka kung bakit madali lang siyang nagtitiwala dito sa babaeng kasama ko ngayon. Nag kwento ito sa kanyang buhay habang ako ay nakikinig lang sa mga salitang binabanggit n'ya.

At sabi pa n'ya na tutulungan din niya ako makapasok sa paaralan kung saan siya nag-aaral at may scholarship pang matatanggap kaya napangiti ako. Apat na taon ang agwat namin sa isa't isa kaya kailangan kong siyang tawagin na ate pero agad siyang tumanggi dahil unfair raw sa akin.

Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang tinutukoy sa poster. Sobrang social ang kanilang negosyo. May nakita akong mga tao mula sa glass window na nag iinuman kahit tanghali pa lamang.

Hinarang kami ng isang security guard, " Ito po ang daan ma'am kung mag-apply kayo" Magalang nitong sabi sa aming dalawa ni Lyka.

She rolled her eyes while looking at the window of the bar, "Grabe...tanghaling tapat pa lang at nag iinuman na sila" Reklamo pa n'ya kaya natawa ako.

Humagalpak nang tawa si Kuya, "Kaya kayong dalawa, wag kayong gumaya sa mga pinag gagawa nila lalo na't mga babae pa naman" Anito.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lyka sa sinabi ni Kuya Guard at saka nag paalam para puntahan ang tinuturo nitong room sa isang manager.  Lumiko ang dinadaanan namin kaya pinagtitinginan kami nang mga nag iinuman sa glass wall. Magkatapat lang kasi ito kaya kahit nasa loob na kami ng office ay makikita parin ang  bar sa kabilang pader.

***

" So... you come here in the city to work" Sabi nang manager sa'kin at iniikot ang dala n'yang pen.

Dahil nga under age pa ako ay sinabi ko ang totoong rason kung bakit ako gustong ng ganitong gawain kahit ay hindi pa sapat ang edad ko na magtrabaho. Umuna na si Lyka sa counter sapangkat schedule n'ya ngayon dito sa bar.

Inihatid rin ni Manong Tonio ang mga naiwan kong gamit sa bahay nila doon sa aking room.  Madilim na rin ang kalangitan at nagbukas ang mga ilaw pero nandito parin ako sa opisina ng manager na palagi akong tinatanong sa mga bagay-bagay.

I shly smiled at her, "Yes Ma'am. I know, my age doesn't fit with this work but I will do anything for my family from afar" Walang panlilangan na sagot ko kaya napangiti rin siya sa aking paliwanag.

"Because of that, you're monthly salary will the highest among the others" Aniya saka pinirmahan ang registration form ko. " But...this is only our secret. Don't tell anyone, understand?"

I immediately nodded with her saying about and left in the manager's office. Binigyan kaagad ang uniform ko nang napasok palang sa bar. Nakita ko si Lyka na nagbibilang sa mga perang kinikita at ng makita ako ay kumaway siya sa'kin.

Mabilis pa sa alas kwatro siyang pumunta sa harap ko at pinakita sa'kin ang susi nang kwarto na aking tutuluyan na boarding house. Bumati siya sa kanyang kasamahan at pinakilala ako isa sa kanila pagkatapos ay hinatak ulit ako papunta sa second floor sa mismong bar na pagtratrabahoan ko.

Binuksan n'ya ang dilaw na pinto, "Ito ang snack's room. Ibang pumunta rito ay gusto lang ng mga pagkain at karamihan ay mga first timer pang tao ang naparito" Sambit ni Lyka na umupo sa silver swivel chair. " Kailangan ang schedule mo?"

"6 pm to 8 pm ang schedule ko" Sagot ko.

Tumango-tango lang siya sa sinabi ko at tumayo na para pumunta naman kami sa ibang rooms dito sa dalawang palapag. Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita akong mukha na modelo sa pader-nakasandal siya sa isang racing car at puro itim lahat ang kanyang kasuotan. Seryoso lang ang mukha nito sa nakita kong poster.

Humarang agad si Lyka kaya hindi ko nabasa ang nakasulat, " Do you know him? Titig na titig ka kasi sa kanya. Pause me...crush mo?" Pangtutukso n'ya.

" Hoy! Hindi ko kilala 'yan" Mabilis kong tanggi kaya napa cross arms siya. "At hindi ko siya gusto!"

Napaisip siya sa sinabi ko," Okay, sabi mo eh. By the way.. what's your name? Kanina pa tayo magkasama tapos hindi ko pa alam ang pangalan mo" Kamot-batok n'yang paliwanag.

Nilahad ang aking kanang palad, " I'm Zaire Eight Marquez. That's my name but you can call me Zaire or Rea in short" Pakilala ko sa kanyang harapan at nakipag kamay rin siya sa'kin.

Bumeso siya sa pisngi ko at inakbayan, " Simula ngayon, Rea. Mag best friends na tayo!" Masiglang sabi n'ya at napangiti ako doon." Tara pasok!"

Sa panghuling pinto sa hallway ay 'yon na aming mga kwarto. Hindi parin n'ya inalis ang pag akbay sa'kin sa balikat at magkasabay na pumasok sa loob na masayang ang mukha. Di inaasahan na magkaroon ako ng isang mabuting kaibigan kahit pa ay ganito lang ang pananamit ko.

Tanggap n'ya kung anong meron sa akin ngayon. Pinaramdam na may karamay ako sa tuwing nangangailangan nang tulong mula sa kanya. She's a good person to me as her younger sister. And I'm blessed with that Lyka's personality.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now