Prologue

308 13 1
                                    

"Anak..sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Matagal- tagal ko na rin 'tong pinag iisipan na magpakalayo upang matulungan ang aking pamilya. Tanging si Mama nalang ang kumayod sa pang araw-araw para lang may makain kami.

Tumulong sina Papa at si Lola sa pagligpit nang mga gamit na dadalhin ko sa siyudad. Alam kong mahirap na mawalay sa mahal mo sa buhay ngunit kung palagi nalang ako umuupo at hinihintay ang ina ko mula sa kanyang trabaho.

Ngumiti ako sa kanya, "Pa, kailangan ko 'to upang may panggamot ka sa sakit mo at kay Lola" Sabi ko sa kanya at saka sinara ang bag na dalhin.

Natahimik siya sa aking sinabi. Iniisip siguro n'ya ngayon na naging pabigat lang siya sa'min. Pero para sa'kin, hindi ko kailangan na sabihin ko 'yon sa kanya sapangkat ako ang nakasaksi kung bakit hindi na malakad si Papa- dahil sa isang aksidente.

Hindi ko na masyadong malala ang buong pangyayari ngunit may palatandaan ako na ang bumangga sa kanya ay isang racing car. Nagtitinda kami no'n palamig sa gilid nang kalsada habang nakita na patungo sa amin ang sasakyan na 'yon kaya agad ako hinarangan ni Papa upang hindi ako masaktan o masugatan mula doon.

"Apo ko, pasensya na dahil hindi ka namin binigyan ng magandang buhay mula pa pagkabata" Mahina na sabi rin ni Lola sa'kin habang nakatungkod bilang suporta para hindi matumba.

Niyakap ko agad siya nang biglang umiyak, "Sapat na sa akin kung anong klaseng buhay ang binigay sa ating panginoon. Siya lang ang nakaalam sa aking kapalaran ngayon at hindi ko 'yon ikinahiya sa lahat ng tao" Paliwanag ko sa kanilang dalawa para hindi sila malungkot sa aking pag alis.

Pilit silang ngumiti habang pinagmasdan akong nakatayo sa kanilang harapan. Kailangan ko rin ipagpapatuloy ang aking pag aaral kahit ako lang mag isa na magsusumikap para makapagtapos.

Sa huling sandali ay niyakap ko silang dalawa na nakaupo lang sa aking kama na hindi parin niwala ang kanilang tingin sa'kin. Nagsibaksakan na rin ang aking mga luhang pinipigilan ko kanina pa.

Kumalas na ako sa pagyakap at saka nagpaalam na sa kanila bago pa magbago ang aking desisyong umalis. Nadatnan ko si Mama sa aming maliit na kusina. Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko pa rin na umiiyak rin siya.

Lumingon siya sa aking gawi, "Oh...ito 'yung baon mo para hindi ka magutom sa bus" Aniya saka nilahad sa'kin ang isang plastic bag. "Magpakabuti ka doon. Kung hindi mo na kaya umuwi ka kaagad dito sa bahay, naintindihan mo ba ako?"

Kita ko na kaagad ang nagpupulang mata n'ya dahil sa kakaiyak. Sa daming ginawa niya sa'kin upang mabuhay ako sa mundong 'to. Kahit napapagod na siya ay hindi parin sumusuko kaya ngayon ako naman ang magpapakahirap para makabawi ako sa kanyang pagsisikap-magtrabaho.

Hinawakan ko ang kamay n'ya, "Naintindihan kita, Ma. Kayo ring tatlo ni Lola dapat ay inaalagaan ang mga sarili. Wag masyadong magpakapagod sa mga gawain" Balik na sabi ko sa kanya kaya niyakap n'ya rin ako." Pagkabalik ko dito, sinisigirado ko sa'yo na hindi na tayo maghihirap lalo ka na"

Nasa gano'n kaming posisyon nang may bumubusina sa labas. Binibitbit ko na ang ilang gamit na dadalhin ko habang ang iba naman ay sa conduktor. Kahit nasa loob na ako sa aking sinasakyan ay nakita ko na kumaway sina Papa at Lola sa akin mula sa bintana ng kwarto kasabay rin ni Mama na nakasuot parin ng maduming damit.

Tumulo naman ulit ang luha ko sa aking pisngi na nakatingin lang mula sa bintana ng bus. Kinapa ko kaagad ang bulsa nang pantalon para kunin ang panyo na may naramdaman akong parang papel na nakarolyo. Maingat ko 'tong nilabas at nakita ko ang maraming pera kaya nagtaka ako.

Hindi ko alam kung kanino 'to galing kaya lumingon ako sa aking katabi na nahuli kong nakatingin sa'kin. Ngumiti siya saka pinunasan ang mukha ko gamit ang kanyang panyo. Magkaedad sila ni Lola dahil nakilatis ko dahil sa kanyang mukha at pangangatawan nito.

" Sa siyudad rin ba ang punta mo, iha?" Mahinhin n'yang tanong at binigyan pa ako ng mansanas.

Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. Habang pinagmasdan ko siya ay nakaramdam na agad ako nang kaba sapangkat may kwentas siyang hindi ko matukoy kung anong klase.

Mabilis n'yang hinawakan ang dalawang kamay ko, " Isang tao na nangangailangan ng tulong sa'yo kapag napadpad ka sa lugar na 'yon"  Seryoso n'yang sambit sa'kin na ako lang ang nakarinig sa mga binitawan n'yang salita. "Mag iingat ka"

I quickly took my hand back from him then looked away. Hindi ko gaano masyadong naintindihan ang gusto n'yang ipahiwatig sa akin. May taong nangangailangan ng tulog ko? At sino naman siya? Bakit ako pa ang sinabihan n'ya sa bagay na 'yon?

Sinilip ko siya ulit sa upuan kung ano ang ginagawa n'ya. Lumaki ang mata ko na nakatitig parin siya sa aking sarili kaya napalunok nalang ako ngunit naalala ko rin ang sinabi ni Lola kagabi tungkol sa mga multo. Impossible kung gano'n ang tutulungan ko na tao dahil sila ay kaluluwa na.

Kumagat ako sa mansanas, " Bakit n'yo po nasabi 'yan sa akin, Lola?" Curious na tanong ko sa kanya.

Tumawa siya sa sinabi ko," Kasi ramdam ko na ikaw lang ang makalutas sa problema n'ya" Muli n'yang sabi saka tumayo at bumaba sa bus.

Napakamot batok nalang ako sapangkat kahit isang tanong sa aking isipan ay hindi nakakuha ng sagot mula sa matandang babae. At iniisip ko nalang kung saan ako pansamantalang tumuloy sa isang siyudad na pupuntahan ko ngayon mismo.

I Love You, GhostDär berättelser lever. Upptäck nu