Chapter 8

90 3 0
                                    

Madaling araw palang ay gising na ako at ginagawa ang ko ang assignmens sapangkat kapag ganitong oras ako mag-aaral ay presko ang aking isipan habang nagsasagot ako bawat asignitura. Bumalik na rin ang kaibigan kong maganda sa boarding house n'ya kaya ako nalang ang mag-isa dito.

Kahit hindi man ako masyadong matalino, ginagawa ko pa rin ang lahat para matapos ang mga takdang-aralin. Nagtimpla na rin ako ng kape upang mas magising ang aking diwa, makita sa isang sliding window na malapit ng sumikat ang haring araw mula sa kalangitan.

" She's solving a arithmetic sequence" Rinig kong salita ng isang lalaki dito sa giliran ko.

Huminto ako sa pagsusulat at nilibot ang tingin sa aking kwarto upang malaman kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Nangunot ang noo ko nang napantantong wala namang akong nakitang tao sa paligid. May iba't ibang scenario ang pumasok sa aking isipan pero agad akong umiling dahil impossibleng yung nga iyon.

Tinatapik-tapik ang aking pisngi, "Imahinasyon mo lang 'yon, Zaire. Walang ibang ibig sabihin ang narinig mong boses kanina"  Bulong ko.

Tinuon ko nalang ulit ang sarili sa libro at kinalimotan nalang ang nangyari. Naaninag ko na ang sikat ng araw kaya mas binilisan ang aking kilos upang hindi ako ma-lalate sa aking pinakaunang klase. Ginagawa ko na agad ang pang araw-araw na gawain bago ni-lock ang pinto nang room ko dito sa Zilown hospital.

Dahil dito ako nagtratrabaho ay nadaanan ko bawat ward ng mga pasyente. Sapangkat pinagtitinginan na ang  aking kasuotan kaya naisipan kong sa fire exit nalang ako daan papunta sa mismong labasan ng gusali at maglakad ang anim na metro papunta sa paaralan.

" Hi po, Ate ganda" Bati sa'kin ng isang estudyante.

Kumaway lang ako bilang bati rin sa kanya bago ako pumasok sa aming classroom. Lumapit kaagad si Ciao pati narin si Kevi para kamustahin nila ako kung may problema ba sa pinagawa ng guro noong wala kaming klase. Buti nalang at hindi pa pumasok ang lecturer kaya may oras pa kaming mag usap ng tatlo.

Bumeso si Ciao sa pisngi ko, " I really miss you, my dear friend. You are the one I want to spend holidays but not the one who standing right side to you" Mataray n'yang sabi na may halong lungkot.

Rinig ko mula sa aking tenga na napasinghap nalang sa hangin si Kevi dahil si sinabi ni Ciao sa'kin. Magkaibigang kasi ang kanilang mga parent nilang dalawa kaya hindi maiwasan na magkikita sila sa kanyang pinaka-hate na classmate namin.

Pilit akong ngumiti, " Na-miss rin kita. Dapat nga masaya ka dahil kasama mo ang iyong mga magulang at friends nila" I immediately said so she just rolled her eyes as a answer.

Lumakad ulit ako para ilagay ang dala kong bag at naramdaman kong sumunod rin sila at hinaharangan ako ni Ciao ng makita ko na aking upuan. Akala ko ay wala na siyang ibang sasabihin maliban sa kanyang pamilya pero nagseselos ako sa kanya sapangkat makikita at mayayakap ang kanyang mahal sa buhay samantala ako ay nandoon pa sa malayong lugar.

Tinulak ni Kevi si Ciao upang padaanin ako, " Stop it! Para kang bata sa ginagawa mo, kita mong may gagawin pa si Zaire" Anito sa kanya. " Tatlong araw lang hindi nagkikita pero parang isang taon na" Bulong pa nito kahit na narinig ko pa rin.

Napasapo ako sa aking noo sapangkat nagsisimula na naman silang dalawa. At nakasisiguro akong hindi magpapatalo si Ciao sa kanya kahit umabot pa yan sa mathematics solving kalalabanan niya  ito hanggang sa makakaya. Magsasalita na sana siya pero kita na namin ang guro mula sa bintana kaya nagsibalikan na sila sa pwesto at bumati kaagad ng makapasok ito sa aming classroom.

***
"Hoy! Tumaas ang balahibo ko dun ha!"

Sinabihan ko si Lyka tungkol sa aking narinig kaninang madaling araw sa kwarto. Ang kulit kasi n'ya kaya pinagbigyan ko na upang tumahimik pero sa kasamaang palad mas lumala pa ito.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now