Chapter 14

77 4 0
                                    

"You did your best every well, Zaire"

Tanging pag ngiti ko lang ang sagot ko kapag palagi niya akong pinagmamamalaki sa mga kasamahan niya sa trabaho. Nasa gitna ng stage si Lyka habang naglinis sa sahig, gustuhin ko sana tumulong upang natapos kaagad ngunit tinanggihan nya ito.

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa utak ko ang pangyayari nung isang linggo- ang pagtulong sa'kin ng lalaking masungit. Medyo kinakabahan na ako kung ano na ang magiging results at mas lumala pa 'yon ng sinimulan na akong tuksuhin ni Lyka tungkol dahil lang doon.

Napahawak ako sa sentido, "Pwede ba...tigilan mo na yang nakakahigh na ngiti mo" Reklamo ko.

" Bakit naman?" Inosente n'yang tugon.

"Basta! Wag ka ng magtanong" Sabi ko ulit kaya agad siyang pumunta sa harapan ko.

Akala ko ay titigil na siya pero hindi pa pala. Mas lumaki pa ang ngiti n'ya sa'kin kaya hindi ko na napigilan na yumuko dahil hindi talaga ako titigilan nito ngayon. But thankfully, tinawag siya ng manager ng bar at inutusan na linisin rin ang kaniyang office. Mag-isa lang ako sa countertop kaya napag desisyonan na umalis tyaka bumalik sa hospital na aking tinatrabahoan ngunit may nakita ko si Ray na kakapasok lang sa bar.

Ngumiti ako sa kanya , "Hinanap mo ba ang bestie ko? Nandun lang siya sa loob ng opisina ng manager" Sabi ko saka tinuro ang isang pintuan kung saan pumasok si Lyka kanina.

Umiling-iling siya kaagad, " I'm just looking for you. I-Iibre kita ng makakain para magpasalamat dahil tinulungan mo ang grandma ko" Tugon niya.

Pumasok sa isipan ko ang isang Lola sa hospital, kung paano ko siya tinulungan non kung saan daan papunta sa Cr. Baka si Ray ang tinutukoy niya kaya siya pumunta rito? Upang bumawi sa'kin?

" Sus..wag na....Hindi naman ko nanghihingi ng kapalit kapag tumulong ako" Pagbanggit ko.

He suddenly pouted, " Minsan nga lang ako ganito kaya pagbigyan mo na. Promise.. pagkatapos nito ihahatid kita pauwi" Pagkumbinsi niya parin sa'kin  kaya wala na akong magawa kundi pumayag nalang.

"Sabi mo yan, hah" I smiled at him.

Ginulo n'ya muna ang aking buhok bago kami maglakad papunta sa pinakamalapit na food court dito sa mall. Mas gustuhin ko rito kasi medyo hindi gaano mahal ang pagkain at tyaka sulit ang presyo sa masasarap na pagkain. Agad niya akong binilhan ng kahit ano ng makapasok sa Mall, may fishball, milktea, burger at marami pang iba.

Hindi siya nagtanong sa'kin kung ano ang gusto ko, binili lang niya talaga. Okay lang sana kung isa ngunit para nang grocery dahil halos mapuno na sa dalawang kamay niya ang mga paper bag na dala, ngayon ko lang malaman na mabait talaga siya sa personal kaysa naririnig ko lang sa mga estudyante na nag-uusap tungkol sa kanya noon.

Kumuha ako ng isang burger at kinagat ito, "Paano pala nandon sa hospital ang Lola mo? At paaano n'ya nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko.

Tumingin siya sa'kin, "May sakit si grandma. Nung una ayaw talaga niyang pumunta para I check-up pero pinilit ko siya dahil mahalaga siya sa'kin" Sagot nito at napayuko habang naglalakad kami.

Sabagay, mahirap talagang mawala ang isang taong importante sa'yo lalo na siya ang nag alaga hanggang sa paglaki natin. Iba parin magmahal ang mga may edad na dahil buong puso ka nilang mamahalin at susuportahan sa mga gusto mong gawin sa buhay. Napangiti ako sa sinabi niya ngunit sa ibang side ko ay nagsisisi kung bakit ko pa talaga tinanong ang bagay na iyon sa kanya.

I Love You, GhostHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin