Chapter 16

71 4 2
                                    

Ito ang araw na tinatakutan ko- ang malaman kung sino ang mananalo sa contest. Napuno ng mga estudyante sa ibaba ng ground, habang kaming mga representative ay umakyat sa entablado upang makita ng daang-daan na tao.

Nagsimula ng manginig ang mga paa ko ng marating ko ang gitna kung saan tinitingnan ako, mas lalo akong napahiya ng nagdala ng banner si Lyka na may pangalan ko at picture. Nandun rin ang mag enemies habang  nag approve sign sa'kin na parang sinasabing magiging okay lang ang lahat, pumikit ako at huminga ng malalim.

"Go!! Bestfriend ko yan!!!" Muling sigaw ni Lyka.

Hindi lang kami ang narito pati na rin ang mga teachers at aming principal.  Humiyaw kaagad ang mga tao ng nagsalita na ang mc para simulan na ang program, dahil dun ay gusto ko ng bumaba sa stage at tumakbo palayo na hindi nila ako makikita.

Pumunta sa harapan ang mc," Ready naba kayo na malaman kung sino ang nanalo?!" Sigaw nito at muling nagsigawan ang mga estudyante.

Sila ay may iba't ibang pinipili na representative pero ni- welcome muna ng mc ang mga visitors na kakarating lang. Maraming mata ang nakatingin sa unahan kaya mas lalo akong kinabahan, ilan sa nag-aaral sa school nato ay mga matatalino kaya hindi na ako magtaka kung hindi ako napili o nanalo. Palipat-lipat ang tingin ko upang mawala ang aking kaba sa puso habang nakikinig.

Someone poked me, "Okay ka lang ba? Hindi ka kasi mapakali ang mga kamay mo" Pagbulong ng isang babae na representative rin ng contest.

" Wag mo'kong alalahanin, okay lang ako"

Tanging ngiti lang ang kanyang sagot at muling tinuon ang tingin sa mga tao. Nagpatuloy parin sa pagsasalita ang mc habang pinagpalakpakan ng ilang estudyante bawat nagbigay ng mensahe ang mga bisita bago sila umupo sa kanilang seats.

Tumingin ang mc sa amin, " With a score of 95%.... Congratulations, Mr. Buenatillo" Masiglang sabi niya sa lalaking nakasuot ng glasses.

Dahil dyan ay malaki ang pinapakita n'yang ngiti sa lahat ng nanood sa amin at tyaka pumunta sa pinaka-dulo ng stage para kunin ang kanyang medal mula sa isang babaeng koreana. Kulay silver ang kanyang nakuha ng makabalik sa kanyang pwesto kung saan siya tumayo kanina, ibig sabihin may iba pang representative ang makakuha sa isang gold medal na hinawakan ng aming principal ngayon.

"Akala n'yo siya lang ang makakuha ng medal? Pwes nagkakamali kayo!" Pagtaray pa nang mc kaya nagsimulang magbulungan ang mga estudyante sa ibaba ng stage. " With a score of 99%..... Congratulations, Ms. Marquez" Ngumiti siya sa akin ang mc at maging ang principal.

Nagpalakpakan ang lahat ng nanood at nagbigay bati rin sa'kin ang ilang representative sa mismong contest. Hindi ko 'to inaasahan na ako ang makakuha sa gold medal, ang taas pa ng score ko kumpara sa quizes at exam. Gulat parin akong pumunta sa gitna ng stage habang isusuot na ang medal sa aking leeg. Kita ko ang mukha ni Lyka ang pagkamangha ng malaman pagkatapos kong makuha ay kaagad akong bumaba sa stage upang puntahan ang mga kaibigan ko.

"Anong klaseng kaluluwa ba ang sumanib sa'yo ha? Ang talino kasi ih" Lyka said while holding my arms. Ciao and Kevi were just chucked of me.

I poked her head, "Ang sarap ng pinadala mong ramen kaya gumana ang braincells ko" Biro ko kay Lyka kaya kumalas siya sa paghawak sa braso.

Umiling-iling siya, "Wala akong matandaan na nagpadala ako sa'yo ng ganon, Zaire" Aniya pa at nagsimula na akong kabahan kung sinong tao ang nagluluto sa ramen na kinain ko nung nilagnat ako.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now