Chapter 22

74 5 0
                                    

"Bestie, bumalik ka na dito!" Bungad sa'kin ni Lyka ng magising ako dahil sa kanyang tawag.

Kinusot ko ang aking mga mata, " Oh? kakatawag mo lang kagabi ah, miss mo na agad ako" Sabi ko naman kaya narinig kong napanura siya.

She sighed, " Ikaw naman kasi eh! Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa'kin kaya ito ang kapalit mo..gigisingin kita ng madaling araw" Aniya at napatawa ng malakas mula sa kabilang linya.

Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng 'to kung bakit ang hype niyang magsalita sa mga oras na ito. Mabuti nalang at malayo ang kwarto nila Mama dahil kung hindi magtataka 'yon kung sino ang kinakausap ko ngayon. I was silent for a while until I remembered him again when the two of us were on the rooftop while talking.

" Uyy, nandyan ka pa ba?" Rinig ko sa boses ni Lyka kaya napabalik ako sa katinuan.

Napakamot ako sa ulo, " Ah-oh may iniisip lang ako kaya hindi ako nagsasalita" Pagdadahilan ko pa.

Siya naman ang natahimik, " Anong plano mo ngayon? Hanggang bukas ka lang d'yan sa probinsya, malapit na rin ang exam natin" She reminds me.

" Papasyal ulit kasama si ano..." Iniisip ko kung kailangan ko bang sabihin sa kanya na may nakilala akong bagong kaibigan dito.

" Sino?" Excited na tanong niya.

Napakagat ako sa labi, " Si Frank....bago kong kaibigan dito sa probinsya..." Sambit ko kaya narinig kong napa 'ahh' nalang siya."..kapitbahay rin namin siya" Dugtong ko sa aking sinabi.

"Okay, babyeee na! Tumawag sa'kin si Ray kaya papatayin ko na ang tawag" Paalam nya sa'kin.

Nilagay ko na ang aking phone sa gilid ng aking kama at pagkatapos ay pumunta sa bintana para tingnan ang mga bulaklak na nakasabit sa dulo ng kahoy sa aming bubong . Madilim pa sa labas ng bahay tanging street lights lang ang nagbigay ng liwanag sa paligid, natatakpan ng mga ulap ang kalangitan na para bang uulan.

Napalingon ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at nakita ko si Mama na may dalang tasa ng kape at puto na nakalagay sa pinggan. Agad akong lumapit sa kanya upang tulungang ilagay ang kanyang dinadala sa maliit na mesa.

"Kumusta ang tulog mo?" Tanong ni Mama sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya, " Ayos naman po, medyo na amaze lang ako sa kwarto ko dahil hindi naman ganito dati eh.. bago ako umalis" Sagot ko kaya nilibot ang kanyang tingin sa silid.

She stroked my hair, " Hindi ito magbabago ang bahay natin kung hindi dahil sa'yo, kaya lubos akong nagpapasalamat na may ganito akong klaseng anak. Maganda pa at matulungin na bata" Kinurot ni Mama ang magkabilang pisngi ko.

Kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang puto at mainit na kape mula sa mesa. Natawa si Mama ng kaagad kong hinawakan ang aking tiyan dahil sa kahihiyan na tunog. Lumabas na siya sa kwarto sapangkat may lulutuin pa daw siyang kakanin sa kusina upang ibenta niya sa mga tao.

Umupo ako sa upuang kahoy at sinimulang kainin ang inihanda ni Mama para sa'kin. I saw lighting of the sun in the wall and I also heard a sound of rooster in outside of the house. Binilisan kong kumain para matulungan ko si Mama na ibenta ang kanyang niluto upang makapera ng kaunti.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now