Chapter 19

83 6 0
                                    

"May alam ka ba sa nagyari ni Maro?"

Pansamtala na naglalakad kaming dalawa ni Ray
sa gilid ng kalsada. Galing kasi ako sa grocery store upang bumili sana ng mga kailangan ko sa pang araw-araw ngunit nakita ko rin siya doon sa store kaya magkasama kami ngayon. Napatingil siya sa paglalakad ng maitanong ko iyon sa kanya.

Binaling ang tingin niya sa'kin, "Bakit mo natanong? Magkilala ba kayong dalawa?" Tanong rin nito sa akin kaya napapikit nalang ako dahil baka maiba ang kanyang maiisip tungkol don.

I scratched my head, "Curious lang. May nakita akong poster tungkol kay Maro kaya ko siya nakilala" I answered him after that he nodded.

Lumakad na ulit siya habang nakatingin lang sa ibaba. Kung kanina ay masigla siyang magkwento sa kanyang buhay ngunit ng mabanggit ang pangalan ni Maro ay nag-iba ang ekspresyon nito.

"Ang tanging alam ko lang ay naaksidente dahil lang sa kanyang gulong....nawalan siya ng preno sa sinasakyan nitong racing car at bumangga ito sa may poste ng meralco" Kwento nito sa akin.

Kaya naman pala ganon ang sinabi ng kanyang doctor ng tanungin ko si Maro sa rooftop at ang dahilan ng pagkalungkot nito. I felt sorry for him because I imagined that he wanted to win the prize but it all ended in an accident.

Napabuntong-hininga kaagad ako ng maisip ko iyon, tumingin ako kay Ray na sa unahan lang ang tingin at walang pakialam sa kanyang paligid. May bumubusina na sasakyan sapangkat mayroong traffic sa kalsada na kanilang nadaanan, kaliwat-kanan na mga tao habang naglalakad rin kagaya namin at mga huni ng ibon.

Kinagat ko ang aking labi, "Kung iyon naman pala ang dahilan..bakit hindi niya ito ni-check kaagad, baka ibang tao ang mag gawa non" Sabi ko rin habang naka pogi sign ang aking kaliwang kamay.

" Siguro nga---- teka lang Zaire sasagutin ko muna itong tawag, dyan ka lang" Paalam kaagad ni Ray ng tumunog ang kanyang cellphone mula sa bulsa.

Wala akong magawa kundi tumango dahil baka importante ang kanilang pag-uusapan. Nakasuot lang ako oversize plain black t shirt at shorts kaya kaagad na hinubad ni Ray ang kanyang jacket kanina at saka nilagay sa aking beywang.

After few minutes ay bumalik rin siya kung saan ako huminto sa paglalakad. Binitawan ko muna ang mga pinamili ko kanina at lumingon sa kanya.

He looked at me, "Kailan ko muna puntahan si grandma sa bahay...may hindi magandang nangyari kaya kailangan ko nang umalis ngayon, makauwi ka naman ng mag isa di'ba?" Tanong ni Ray kaya agad akong tumango bilang sagot.

"Oo naman, puntahan mo muna ang grandma mo... kailangan ka niya ngayon. Medyo malapit naman rin ang hospital" Sagot ko naman.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko at saka tumakbo pabalik kung saan kami dumaan. Pinulot ko nalang muli ang mga eco bags at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi naman gaano mainit ang sinag ng araw kaya 'di na ako mahirapan pa. Dalawang oras na akong naglalakad ngunit may nadaanan ako na isang eskinita at saka may nakatambay doon na mga kalalakihan.

Mabilis ang bawat paghakbang ko sapangkat naituon ang tingin nila sa akin. I was breathing heavily when I passed their turn as if something bad was going to happen and I was right three men followed me. Nasa unahan lang ang tingin ko at hindi tumingin sa aking likuran, hindi ko na magawang kunin ang cellphone ko sa sling bag dahil may dala pa akong pinamili.

"Kami na ang magdadala d'yan, iha" Sabi ng isang lalaki mula sa giliran ko kaya nagtawanan ang kasamahan niya dahil doon.

I Love You, GhostHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin