Chapter 21

75 4 1
                                    

'News today alert: The famous racing king leader Mateus Roex Jamero went abroad yesterday to continue his head surgery after the accident 5 months ago. He remained at the Mayo Clinic hospital - Rochester, USA for operation'

The weeks passed by without him. Napatingin kaagad ako sa aming radio ng marinig ko ang pangalan ni Maro dun. Pansamtala akong umuwi sa probinsya para makita sina Mama, hindi ko na natiis na after graduation akong makauwi dito dahil na miss ko na silang lahat ng sobra.

Humakbang ako papunta sa pinto ng biglang kumatok. Nililinis ni Mama yung kwarto ko kaya ako nalang ang magbubukas ng pinto. Tatlong araw lang ang allowed sa'kin ni Ma'am sapangkat malapit na rin ang examinations at prom party.

"Umuwi na pala ang panganay ko" Niyakap ako ni papa ng pagkabukas ng pinto namin.

Yumakap rin ako pabalik ni papa. Medyo maayos na ang kalagayan n'ya at nakapaglakad na siya ulit. Narinig ko naman ang ingay ng tungkod sa likuran ni papa kaya sumilip ako at nakita ko si Lola na nakangiti habang pinagmasdan kami.

Kinurot n'ya ang pisngi ko, "Ang laki ng pinagbago mo apo, May boyfriend ka na ba?" Pang tukso pa niya sa'kin kaya natawa si papa dun.

" Yun pa talaga ang una mong naisip la"  Ani ni Mama na may dalang mga bedsheets at unan.

Tumawa lang si Lola at naglakad papunta sa sala upang umupo habang si Papa ay tinutulungan niya si Mama na maglinis kahit na kagagaling lang sa kaniyang bagong trabaho. Maraming nagbago sa loob ng aming bahay,mas lumaki pa ito kumpara noon na di halos kami makalakad dahil sa sikip.

I went outside to get some air. The surroundings have also changed, there are many houses, there are mini stores and the road is cemented. Gaano man ako katagal na umalis dito ay makikita mo talaga ang improvement ng lugar. Huminto ako ng may makitang upuan sa tabing-lawa ngunit may isang lalaki na nakaupo rin kaya dumidistanya ako kunti ng nakaupo ako para hindi ko siya madistorbo.

" Gusto mo rin ba mapag-isa kaya ka nandito?" I was surprised when he spoke.

Tumingin ako sa paligid kung sino ang kinakausap niya peri nung binaling ko ulit ang tingin ko sa gilid ay nakatingin na pala siya sa'kin. Napansin ko agad ang kanyang mata na walang kabuhay-buhay ngunit mas nangingibabaw ang kanyang hitsura.

I sighed, " Parang ganon na nga" Walang kasigaruduhang sagot ko sa kanyang tanong.

"Ako rin eh, ang dami kong problema na dumating sa buhay ko pero kahit isa ay hindi ko magawang solusyonan" Pabulong na sambit nito.

Naghari ang katahimikan pagkatapos niya itong banggitin sa akin ang iyon. Tanging agos ng tubig ang aming naririnig at huni ng mga ibon sa puno ng narra. Sinasayaw sa hangin ang sanga ng isang puno at saka nahulong ang ilang mga dahon sa lupa yung iba sa tubig ng lawa.

"Kagaya ng ano?" Sinilip ko ang mukha niya.

Nag-iwas siya ng tingin, " Na guilty ako sa nangyari noon pa" Agad niyang sambit sa'kin kaya napayuko ako dahil natamaan ako sa kanyang sinabi.

"Lahat naman tayo ay ma guilty kapag may nagawa tayong kasalanan o aksidente na hindi na lubos na mangyayari sa atin. We must always be strong okay?" Saad ko kaya napangiti siya.

He clapped with smile in his face, "Ang galing mo sa mga ganito ah, thankyou. By the way ako pala si Frank" Pagpakilala niya sa'kin at saka naglahad ng kamay.

Nakipag shake hands din ako, "Zaire naman ang pangalan ko, nice to meet you Frank" I also smiled.

***

"Ano ang gusto mong kainin?"

Nasa harapan naming dalawa ang nagtitinda ng mga kwekwek, siomai, tempura,fishball at marami pa na pwedeng kainin. Maraming tao ang bumili kaya nasa gilid lang kami habang namimili kung ano ang kakainin. Siya ang magbabayad sa pagkain pambawi daw ito kaninang nasa lawa pa kami.

I scratched my head, " Kahit ano lang, hindi naman ako namimili ng makakain kung ano ang meron kakainin ko 'yon" Sambit ko sa kanya.

Kinuha ang kanyang pitaka sa bulsa, " Paano ba 'yan, Zaire halos lahat ng street food ang gusto kong bilhin" Lumakad siya palayo sa akin at sinabihan ang tindero ang kanyang bibilhin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Kung lahat naman pala ang bibilhin ni Frank bakit pa siya nagtanong sa'kin kung anong kakainin ko. I rolled my eyes and followed him to where he was sitting, may ilang tao ang nakatingin sa direksyon ko kaya nakaramdam ako ng awkward.

May lumapit na isang batang lalaki sa'kin, " Ikaw po ba si ate Zayre Eight Marquez na nanalo sa math competition?" Excited n'yang tanong.

Ngumiti ako sa kanya, " Ako nga 'yon. Bakit mo nalaman ang pangalan ko bata?" Balik na tanong ko rin sa kanya kaya agad niyang pinakita sa aking ang isang newspaper na may pangalan ko ang nakalagay sa pina front ng page.

Napatalon siya sa tuwa, " Idol kasi kita ate! Ang galing mo sa competition! Sana ganun rin ako kagaya mo magaling sa math" Saad ng bata.

Nakita ko si Frank na nakatayo sa likuran mismo ng batang lalaki habang dala-dala ang pinamili n'yang food para sa amin. Ngumiti ulit ako sa bata dahil sa kanyang sinasabi at hindi ko nagdalawang isip na ipakita sa kanya ang napalunan kong medalya sa math competition.

"Pwede ko bang hawakan, ate?" Tumango ako.

Para siyang nakatanggap ng malaking regalo dahil sobrang saya n'ya ng mahawakan ang isang medalya. Hindi ko nakalimotang dalhin 'yang medalya dito sa probinsya sapangkat 'yan ang pinakaunang achievements na nangyari ko at ang pagtulong ni Maro na intindihin ang mga questionare kahit na nagkasakit ako.

Nilahad ni Frank ang isang baso ng fishball sa harap ko, "Matalino ka naman pala eh, kaya hindi na ako magtataka kung bakit magaling ka gumawa ng rason para mapagaan mo ang loob ang isang tao" Sambit n'ya habang ngumunguya.

Humahalakhak ako, " Grabe naman. Hindi naman ako kasing talino ni Albert Einstein, actually ganyan talaga ako mahilig mang cheer up ng mga taong walang-wala na talagang pag asa" Sabi ko rin.

Agad na yumakap sa'kin ang bata, " Salamat ate. Dahil binigyan mo ako ng oras na mahawakan ang medal mo, sobrang saya ko" Masigla nitong sabi sa'kin ulit  kaya niyakap ko siya pabalik at pagkatapos ay nagpaalam na siya sa'min.

" Salamat rin sa'yo" I whispered.

Everyone has a dream to reach but we still have to go through the processes before we get to the top of our goals. Keep fighting for it and don't give up.

__________________________________________________________________________________

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now