Chapter 7

90 5 0
                                    

Pinuntahan ko kaagad ngayon ang lugar kung saan ako muling magtatrabaho. Limang metro na aming nilakad ni Lyka upang mapuntahan namin upang mag-apply bilang isang janitress. Dahil sumasakit na ang paa ko ay naisipan ko muna na huminto at umupo sa sementadong sidewalk.

Kumuha ako ng tubig sa bag saka uminom, "Hindi ko na kayang maglakad, Lyka. Bigyan mo'ko nang dalawang oras para magpahinga" Hiningal na sambit ko kaya lumapit siya agad sa'kin.

Pinilit n'ya akong itayo, "Gusto mo talagang magtrabaho?" Tanong nya kaya napatango ako at pumikit ang aking mata. " Eh gano'n naman pala, mamaya kana magpahinga kapag tapos na!"

Gustuhin ko pa sanang mag stay sa aking pwesto ngunit pinatayo na ako ni Lyka at nagsimulang maglakad ulit. Parang mas masaya pa siya sa akin at sobrang energetic sa bawat nyang kilos.  Nasa unahan ako samantala siya ay nasa aking likuran na binabantayan ako kapag tumigil sa paglakad.

Sa hindi kasalayuan ay makita akong isang malaking gusali at ito ang pinapangarap kong maging trabaho kapag nakapagtapos na ako sa pag aaral- isang hospital. Maraming nakaparada na mga sasakyan sa parking area at napagkaalaman ko na lahat ng pumunta dito ay dinadalaw ang kanilang mga mahal sa buhay.

Hinawakan ni Lyka ang T-shirt ko, "Sabi dito sa nabasa kong flyer ay nasa ground floor lang ang mag held sa gustong mag apply" Aniya saka tinuro ang mismong entrance ng hospital.

Pinaling ang aking ulo upang makita ko ang tinutukoy niya, "Sa tingin mo ba, matatanggap pa rin ba ako maging taga paglinis?" Agad na tanong ko kay Lyka na nakatingin lang sa gusali.

" Syempre naman bakit hindi, Sa ganda mong 'yan? Walang tatanggap sa'yo?" Napasmirk siya.

Nagkibit-balikat nalang ako sa kanyang sinabi at hinatak siya papunta sa loob nang hospital upang mahanapin ang taong pag aapplayan ko. Bumungad ang tahimik at mataong silid ng makapasok kaming dalawa ni Lyka.

Napatalon ako sa gulat nang may isang babae mula sa aking harapan at malapad itong ngumiti sa aming dalawa ng kasama ko. May nilahad siyang papel sa'kin kaya agad ko 'yong tinanggap.

Pumalakpak ang kamay n'ya sa tuwa, " Pirmahan mo nalang ang nakalagay sa ibaba at pwede ka ng nagsimulang magtrabaho bukas" Saad n'ya sa akin at binigyan ako nang black pen.

Tumingin ako kay Lyka na ngayo'y nakatingin pala sa mukha ko at ngumuso sa papel na parang sinasabing pirmahan ko na iyon. I quickly signed it as sure of my decision to become involved so that I can continue what I want in life. All of this is just for my dream and my family who I loved.

"Paano n'yo po nalaman na mag apply ako rito?" I asked curiously, so the woman raised her eyebrows at me." I mean, tinanggap na ako kahit na walang pinakitang resume o personal documents" Paglilinaw ko sa aking sinabi.

She smiled again, "Karamihan sa mga tao na kagaya mo ay naghahanap na pagtratrabahoan para sa pamilya. I already know that because of your actions and emotions" Sagot n'ya sa aking katanungan kaya napangiti na rin ako.

Pinaliwanag ang mga area sa loob ng hospital upang hindi ako maligaw  na kasing laki ng shopping malls. Nakinig lang ako sa kanyang sinabi habang siya ay tinuturo ang iba't ibang rooms. Sinusundan lang namin ang babae kung saan 'to papunta sapangkat kahit ngayon ay hindi ko na alam daan pabalik sa aming pinanggalingan.

" Your schedule is around 8 pm to 11 pm in the evening. Yun lang ang oras na wala gaano masyadong tao ang dumadaan" Aniya saka tinuro n'ya ang isang pinto. " By the way, ito ang magiging kwarto mo upang hindi kana mahirapang pumunta sa trabaho" Dugtong n'ya.

I Love You, GhostWhere stories live. Discover now