MY BARBARIAN CHAPTER 9

149 1 0
                                    

WARNING...R18

MORTICIA

"Malamig rito sa labas morticia.. pumasok na tayo sa loob."

Nang hindi pa rin sya gumalaw hinawakan nito ang kanyang braso hinila papasok.Nagpatianod lang sya.

Pero ng makapasok inalis nya ang braso nito at lumayo.

Natigilan si netheyam sa kanyang ginawa.Nakita nyang natigilan ito sa kinatataayuan,marahil nagtatakha sa kanyang ginawa.

Hindi pa rin sya nagaangat ng tingin.

"Morticia.." inisang hakbang nito ang kanilang pagitan at sinubukang hawakan syang muli pero hinampas nya ang kamay nitong pilit syang inaabot.

"Huwag mo akong hahawakan netheyam!.."

Umatras sya saka nagangat ng tingin.Galit ang matang sinalubong nya ang naguguluhang mga mata ni netheyam.

"Morticia.."

Sinubukan syang muling hawakan ni netheyam pero hinampas nya iyong muli.

"Galit ako netheyam!Nagagalit ako kasi hindi mo sinabing gabi na! "

"Kailangan ako ng mga kaibigan ko netheyam..paano na sila kinabukasan kung hanggang ngayon!Kung hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nakakahingi ng tulong!Paano netheyam!"

Hindi na nya mapigilan pang sumigaw.Galit sya galit na galit.Lalo na sa kanyang sarili.

Sya ang may kasalanan kung bakit sila napunta sa ganitong sitwasyon tapos sya pa ang may maayos na kalagayan.Sya!Sya ang nagdala sa mga kaibigan sa ganitong sitwasyon tapos nakukuha nya pang maging masaya.

Maging masaya sa piling ni netheyam?..Anong klaseng syang kaibigan paano nya nagagawang maging masaya kung ang mga kaibigan nya ay naghihirap na.

"Sana hindi mo na lang ako inalala netheyam!"

Tumingin sya sa mga mata ni netheyam na mariing nakatitig sa kanya.Nagtatagis ang mga bagang.Gusto nyang matakot sa bagsik noon ngunit pinangungunahan sya ng mga emosyon.

"Sana inuna mo na lang munang makarating tayo sa tribo at humingi ng tulong.Hindi naman ako mamatay sa lamig netheyam!Ang selfish mo!"

Hindi nya alam kung saan sya nakakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga iyon lalo na ang huling mga kataga.

Napaisang hakbang sya paatras ng makita ang sakit na dumaan sa magagandang mga mata nito.

"Ako?Makasarili..siguro nga tama ka."

Habang sinasabi nito iyon ang matatalim nitong mga mata ay nakadirekta sa kanya habang humahakbang paabante, habang sya napapalunok na  humahakbang paatras.

"Makasarili nga siguro ako kung pinili kong unahin ka.Makasarili nga siguro ako na mas pinili kitang iligtas kaysa sa mga kaibigan mo.Pero hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko morticia."

Inisang hakbang ni netheyam ang natitirang pagitan nila.Sinubukan nyang umatras pero wala na syang maatrasan pa.Nakadikit na ang likod nya sa kahoy na pader.

Napasinghap sya ng ipalibot ni netheyam ang  braso sa kanyang bewang at ipatong ang mukha sa pagitan ng kanyang balikat at leeg.

Ramdam nya sa kanyang leeg ang mabibigat at mainit na pagpapakawala nito ng hininga.

"Tatanggapin ko ang galit mo morticia pero hinding hindi ko pinagsisisihang inuna kita.."

"Pero malapit nanaman tayo netheyam bakit hindi mo pa diniretso at doon sa tribo mo ginamot."Hindi pa rin sya tumitigil.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang