MY BARBARIAN CHAPTER 4

214 1 0
                                    

MORTICIA

Matapos makapagbihis napagpasyahan nyang libutin ang kanilang tinutuluyan.

Purong kahoy iyan ang masasabi nya habang inililibot ang tingin.Hindi rin ganoong kalakihan at wala ring masyadong kagamitan  ang makikita sa loob.

Tanging isang basket na kanyang tiningnan ay puno ng mga kasuotang mula balat ng hayop,at isa pang basket na naglalaman naman ng mga kahoy panluto,ang kanyang hinihigaan at ang lutuang bato iyon lamang.

Tila ba isa lamang itong pansamantalang tirahan..

Umihip ng malakas ang simoy ng hangin dahilan para malipat roon ang kanyang atensyon.

Papalubog na ang araw..

May pagmamadaling naglakad sya patungo roon sa bilog na pintuan.Nang makarating hindi nya mapigilang hindi umawang ang labi.

Salamat sa tulong ng liwanag na nagmumula sa dalawang araw ngayon mas napagmasdan nya ang mundong kanilang kinaroroonan.

Earth but not earth..iyan ang masasabi nya.

Nasa tuktok sila ng napakataas na puno, mas mataas kaysa sa kahit na anong normal na puno sa earth.

Isa nanamang kaibahan..

Hindi lang ang punong kanilang kinalalagyan ang mataas maging ang lahat ng punong  nakapaligid sa kanila...malalaki at matataas

Berdeng berde ang lahat.. nakakatakot at the same time nakamamangha..

Nakakatakot dahil hindi ito ang mga punong nakikita nya sa earth..nakamamangha kasi ang kaibahan nito ang syang nagpapaganda ng paligid.

Hinanap nya ang hagdan ng punong bahay na kanilang tinutuluyan pero walang kahit anong hagdan...

Paano sila nakaakyat?..inakyat lamang ba ng barbarong alien nya ang puno..

Nagkibit balikat na lang sya. Hindi na nya ito dapat isipin pa nasa ibang mundo sila kaya lahat ng akala nyang imposible ay may malaking posibilidad na maging posible.

Umupo sya sa pintuan,hinayaang nakalaylay ang kanyang mga paa.Hinawakan ang sumasabog na buhok saka malungkot na tinanaw ang paglubog ng dalawang araw.

Tanggap na nyang nasa ibang mundo sila napadpad..hindi nya lang alam kung saang mundo,kung parte ba ito ng solar system na  pinagaralan nila.

Ngunit namulat syang ang earth lang ang mayroong puno,halaman,tubig at tanging mundong pwedeng may mabuhay kaya't anong mundo itong kanilang pinagpadpadan.

Hindi tao subalit mayroong puno,tubig at halaman.

Isa ba ito sa napakaraming bagay na hindi kayang bigyang explanasyon ng science..

Ito na ba ang matagal ng kasagutan sa matagal na ring katanungan ng kanyang isip na hindi lamang tayo ang nabubuhay..

Hinagod nya ang braso ng humangin muli.

Kamusta na kaya sila..

Hindi nya mapigilang magalala sa mga ito..isang araw na ang nakalilipas na hindi nya ang mga ito kasama.

Alam nyang may sapat ang mga itong kagamitan pero hindi pa din nya mapigilang magalala lalo na sa kila Zéphyr,lily na  malubha ang kalagayan at sa iba pa na hindi gumigising.

Nagkamalay na kaya sila..

Malalim syang napabuntong hininga.

Kailangan nya ng kausapin si netheyam kahit hindi nya alam kung paano iyon sisimulan basta susubukan nya hindi na nya kaya pang lumipas ang oras na hindi ang mga ito nakikita.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now