MY BARBARIAN CHAPTER 8

135 2 0
                                    

MORTICIA

ANG sabi ni netheyam sa aabutin ng kalahating araw ang magiging paglalakbay nila patungo sa kanilang tribo kaya naman sila ay naghahanda.

Si netheyam lang pala ang naghahanda.

Wala naman kasi syang dadalhin dahil unang una wala syang gamit rito kaya naman ang ginagawa na lang nya?..kinakausap ang ai na si siri.

"Iniscan ko ang buwang mundong ito gamit ang satélite, ngayong nabigyan na ako nito ng isang malinaw na mapa  masasabi kong tama nga ang sinasabi ng Kànú na kasamahan mo.Aabutin nga ng mahigit  kalahating araw ang paglalakbay nyo sapagkat dalawang bundok ang syang kailangan nyong lakbayin upang makarating roon."

Nagulat sya sa narinig.

Dalawang bundok?Oh shit.

"How about my friends siri?Malolocate mo ba ang location at bilang nila ?"

"Give me a minute."

"Alright."

Binalot muli ng tunog ng computer at iba pang technology sound ang buong control room.Wala si netheyam,nagpaalam ito sa kanya kanina na mangangaso ng kanilang dapat mga dadalhin katulad ng pangapoy at makakain.

Sabi ko nga rito ay hindi na kailangan dahil maaari naman sigurong mangaso ito sa paglalakbay nila pero ang barbarong alien hindi pumayag dahil ayaw daw sya nitong iwanan sa sandaling maglakabay na sila.

Napailing iling na lang sya sa tuwing naalala ang senaryo ng maliit na pagtatalo nila kanina.

"Makikita mo sa mapang nasa screen ang kanilang bilang,color red dot represent  normal body of a species but as you can see.. "

Napaharap sya sa screen matapos marinig ang mga salita nito."Sixteen lahat ng dot pero makikita mo sa screen na eight lang ang may matingkad na pula.Samaka tuwid ang natitirang walo ay malubha ang kalagayan o di kaya naman ay unti unti na ring nilalamon ng lason ang kanilang katawan."

"Katulad mo ang natitirang walo na may matingkad na pulang dot, walang kahit anong galos sa panlabas na katawan pero sa loob nilalamon na ng lason na hangin ang katawan."

Pinagmasdan nya ang mapa sa screen.Kumpara sa matitingkad na mga kulay pulang gumagalaw ang matatamlay na pulang dot ay nakatigil lang at magkakatabi, hindi gumagalaw.

Napahinga sya ng malalim sa nakita.

Konting tiis na lang..makakabalik rin ako at may nahanap na akong tutulong saatin.

"Ilang araw na lang ang itatagal namin siri?"

"Apat na araw na lamang."

Napatango sya.

"Mayroon ka bang device o kahit ano na makapag tratrack ng nalalabi namin oras? Bracelet o di kaya naman ay kwintas."

"Walang kwintas at Bracelet. R'elek'syioh o relo sa iyong lengguwahe at planeta.Ayos lamang ba ang bagay na iyon para sayo?"

"Yes!Yes!Malaking tulong na iyan."

"Alright.Now press the button beside the red one at your front."

Pinindot nya ang sinabi nito maya maya lamang ay may bumukas sa isang pader sa kanyang kanan.

Napalingon sya roon,kasing liit ng vault
drawer.

"Timer.Isa iyang 3d watch kung saan  makikita mo ang nalalabi nyong araw.Kung makikita mo,tumatakbo na pababa ang orasan dahil iyom sa isinet ko na ang relo.Isa pa may lalabas na 3d hologram sa relos na iyon kada lilipas ang araw, magsisilbi iyong paalala  sayo kung makalimutan mo mang tingnan ito."

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now