MY BARBARIAN CHAPTER 11

146 1 0
                                    

MORTICIA

MATAPOS sabihin ni netheyam na sila ay magkapareha agad syang nagpaalam inaantok na at gusto ng matulog.Hinayaan naman sya ng binata,hindi ito nagsalita at hinila lang sya saka magkatabi silang natulog.

Nakakulong sya sa mga bisig nito hanggang sa maramdamang ang malalalim nitong mga paghinga ngunit sya'y nanatiling gising.

Pinapanatili ng nga katagang binitawan ng kanyang diwa.

Sila ay magkabiyak,magkapareha at ang itinakda ng sinasabi nitong vishna para sa isa't isa.Itinakdang maging isa,magkasama habang buhay.

Vishna na hindi nya akalaing may iba papalang gamit bukod sa magpanatiling buhay sa mundong ito.
.
.
.
Mate.. they're mate.

She and Netheyam are mates.

"Morticia.. ayos ka lang ba?"

Magmula ng pagusapan nila ang bagay na iyon palaging lumulutang ang isipan nya pero ang binata ay walang pinagbago.Ganoon pa rin ang pakikitungo nito sa kanya at kung may nagbago man mas naging bukas na ito sa pagpapahayag sa kanyang sila ay magkabiyak.

"My mate..my beautiful mate are you okay?Nilalamig ka na ba? Kulang pa ba ang sapin sapin mong kasuotan sa malamig na temperatura?"

Sunod sunod nitong tanong na halos hindi na nya masundan.

Hinigpitan nya lamang nya ang pagkakapulupot sa leeg nito saka tumango kahit hindi nito nakikita.

"Oo ayos lamang ako maging ang kasuotan ko ay maayos lang din para sa temperatura.Hindi mo na kailangang magaalala netheyam."

"Hindi mo ako masisi na hindi magalala morticia.Ganyang ganyan rin ang ayos mo noong nawalan ka ng malay sa aking likuran.Bakit kasi hindi mo nais na sa harapan ko na lamang ikaw,hindi ka ba komportable?"

Despite sa malamig na pagulan ng nyebe at malakas na hampas ng hangin nagiinit ang kanyang pisngi.

Well komportable naman sya na pumwesto sa harapan nito ang inaalala nya lang ay ang oras,baka kasi kapag ganoon ang kanilang pwesto baka hindi sila makarating agad o makaakyat man lang ng bundok dahil..may iba ng nangyayari.

Inadjust nito ang pagkakabuhat sa kanya.Bahagya tuloy syang umalog.

At dahil doon nagbago ang takbo ng kanyang iniisip.

"Nabibigatan ka na ba netheyam?Nagiging pabigat na ba ako sayo? Maaari nanaman sigurong ibaba mo na ako,makakalakad naman din siguro ako kahit papaano."

Nagaalalang tanong nya.Hindi naman kasi birong buhatin sya.Balingkinitan ang kanyang katawan pero may katagalan na rin syang buhat buhat nito.

"Hindi,Ikaw lang ang inaalala ko baka kasi nahuhulog ka na at hindi na komportable sa iyong pwesto kaya sinubukan kong iadjust ka.Hinding hindi ka magiging pabigat mo chroí nawa'y huwag sana iyang mabura sa isipan mo"

Nakagat nya ang labi para pigilan ang pagalpas ng ngiti.Ang traydor nya ring puso ay nagtatalon maging ang nakakulong nyang mga alaga sa tiyan ay nagdiwang rin

Hays..netheyam..

Hanggang kailan...hanggang kailan mo ako babaliwin ng mga salita at kilos mong ito.

"Malayo pa ba tayo?" Pagiiba nya ng usapan saka isinandal ang mukha sa mainit at komportableng ngayon ay nakalugay ng buhok ni netheyam,hindi na nakatirintas.

Sinasabi nyang hindi na nito iyon kailangang gawin atsaka nahihiya rin syang magulo ang buhok nito dahil talagang napakaganda ng pagkakatirintas noon at ang maliliit na mga disensyo subalit nagpumilit ang barbaro na ilugay iyon dahil anito para raw hindi ako masyadong matablan ng malamig na hangin at para maging komportable rin daw sya.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now