MY BARBARIAN CHAPTER 12

151 1 0
                                    

WARNING...R18

MORTICIA

NAGISING syang may nararamdamang may humahaplos sa kanyang pisngi.Sa uri palang ng maingat na pagpasada ng mga daliri nito sa pisngi nya ay alam na nya kung sino ito.

"Netheyam.."

Kahit nakapikit may maliit na ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.

Lalo pang lumawak ang ngiti nya ng maramdamang may humalik sa kanyang noo at may lumapat,pamilyar na paglapat sa noo.

"Yes, it's me mo chroí.Now sleep,you need to rest."

Hindi na sya sumagot at sinunod na lang ang sinabi nito dahil iyon din ang kailangan ng katawan nya,pahinga.

Unti unti syang nagpalamon muli sa humihilang kadiliman.

Sa ikalawang beses na paggising nya hindi nya maramdaman ang presensya ni netheyam sa kanyang tabi kaya't nagmulat sya.

Una nyang napansin ay apoy at pamilyar na straktura ng paligid.Nasa bahay nanaman sila,ibang bahay pero sigurado syang isa nanaman ito sa napakaraming bahay na ginawa ng katribo ni netheyam.

Bumaba ang tingin nya sa katawan at napangiti ng balot na balot sya at magaan ang pakiramdam, sinubukan nyang igalaw ang paa at nakahinga ng maluwag ng malaya nyang nagalaw iyon.

Tinaas nya ang kumot at ang hita naman ang sunod sinuri pero wala ng bakas na natuklaw sya roon.

Nilapit nya pa ang mukha roon para masiguradong wala na nga.

"It's already healed.Ginamot ko na kanina ng natutulog ka pa."

Napaigtad sya sa boses na nanggaling sa kanyang likuran.Humarap sya at kuminang ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang nakatayo roon,may hawak na patay na hayop.

"Netheyam!"

Masigla at malawak ang ngiting tawag nya rito.Napangiti rin ang barbarong alien ng makita ang kanyang sabik na  reaksyon.

Naglakad ito papalapit pero hindi na sya nakapaghintay pa,tumayo sya at sinalubong ito.

Napapikit sya ng maramdaman ang mainit nitong balat sa kanya.

Ito..ang hinahanap nyang init noong sya'y nasa pugad ng panganib kanina.

She sighed in contentment ng maramdamang sinusuklay ng binata ang magulo nyang buhok at walang pakialam na binagsak ang dala para lamang masuklian  ng mas mahigpit na yakap at paulit ulit na paghalik sa tuktok ng kanyang ulo.

Ilang minuto silang ganoon hanggang sa sya na ang unang bumagsak ng katahimikan.

"Salamat netheyam.Maraming maraming salamat sa pagligtas saakin.Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan,napakaraming beses mo na akong iniligtas."

Imbes na sagutin ay napatili sya ng sakupin nito ang hita nya at buhatin.Agad syang napakapit sa leeg nito.

Naglakad si netheyam dala dala sya,tuluyan ng iniwan ang mga huli,saka maingat syang inilapag sa higaang pinagisingan nya katapat ng apoy.

Ay hindi pala sa higaan sya nito ilalapag,lumuhod si netheyam inihaba ang binti pagkatapos ay binuhat syang muli at sa mga hita na nito pinanatili.

Nakikiliti sya sa kadahilanang ang mga binti nyang nakahaba sa magkabilang bewang nito ay magaang pinuluputan ng dalawang buntot nito.

"Ginawa ko iyon at hindi magsasawang ulit uliting gawin dahil iyon ang  nais ko mo chroí.Hindi ko nais na masaktan ka at makitang nasasaktan pero you're welcome."

Why?..

Gusto nyang itanong kung bakit ito hindi magsasawang ulit uliting iligtas sya.At hindi nais na masaktan.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now