SPÉCIAL CHAPTER

138 2 0
                                    

"MORTICIA WAKE UP.."

Habol ang hiningang napabalikwas sya ng bangon ngunit agad ring napabalik at mariing napapikit ng umikot ang paningin.

She groaned when pain invaded her whole system.

"Oh thank god you're awake."

Nanigas sya ng may yumakap sa kanya.Dahan dahan nyang binuksan ang mata at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang mommy nyang nakayakap sa kanya at ang daddy na nakatayo sa likuran nito.

"Alalang alala kami ng daddy mo ng marinig ka naming sumisigaw." Nagangat ng tingin ang ina sa kanya at kitang kita nya ang mapupulang mata nito,tanda ng pagluha. "Tapos naabutan ka namin pawisan,pabaling baling at hindi na gumigising." Tumulo muli ang panibagong luha sa mga mata ni mommy at humigpit ang yakap sa kanya.

Nagangat sya ng tingin at nakasalubong nya ang mapupula,bakas ang pagaalalang mga mata ng daddy.

"Hon sabihin mo kay manang na huwag ng tumawag ng ambulansya." Bumalik kay mommy ang naguguluhang mga mata nya ng magsalita.

Tumango ang daddy sa sinabi ng mommy nya,dumukwang at hinalikan ang kanyang noo. "Thank to god you're awake anak.Alalang alala kami,lalo na ang mommy mo.Rest." Anito saka humiwalay na at ang mommy naman nya ang hinalikan sa noo bago tuluyang lumabas ng silid.

Naiwan sya na hanggang ngayo'y hindi pa rin maintindihan ang nangyayari at ang mommy  na sinusuklay ang kanyang buhok.

"Maayos na ba pakiramdam mo anak?Gusto mo ba ng tubig ikukuha kita." Bakas ang pagaalala sa tinig ng mommy.

Tumango sya,itinaas ang kamay sumenyas na iinom.

Napatango ang ina,tumayo ito at lumapit sa bedside table.Tahamik sya at nakatulala, kanyang prinoproseso pa rin ang lahat dahil tandang tanda at malinaw na malinaw sa kanya ang lahat,hindi lamang isang panaginip.Ito ang panaginip.

"Eto na anak." Tinulungan sya ng mommy na bumangon.Inabot nya ang braso pero napangiwi sya ng matapon iyon sa kanyang damit dahil nanginginig ang kamay.

Napasinghap ang mommy at tumakbo sa banyo,habang sya'y mariing napapikit at napahigang muli.

Panaginip lang to, panaginip lang, panaginip lang...

Bumalik ang mommy may dalang tuwalya, sinimulan sya nitong punasan.

"Hon bumaba na kayo ni morticia pagkatapos nyo jan,the dinner is ready." Sabay silang napalingon sa pintuan ng marinig ang sigaw na iyon.

Napatigil ang mommy sa pagpunas sa kanyang balikat."A minute hon!" Balik sigaw ng mommy pagkatapos ay nagpatuloy muli sa pagpunas.

"Alright, just be quick para naman magkaroon na ng laman ang tiyan ng anak natin.Magmula kasi ng ihatid sya ng mga kaibigan na tulog na tulog kagabi hindi pa sya kumakain." Narinig nyang sagot ng daddy..

Kagabi?..mga kaibigan?..

Inagaw nya ang towel sa kamay ng mommy,at kusa nang bumangon."Kaya ko na mommy," aniya saka maliit itong nginitian. "Punta lang ako cr tapos sunod po ako sa baba"

"Sigurado ka ba anak?" Nagaalinlangang tanong ng mommy.

Tumango sya at maliit itong nginitian. "Yes mommy, I'm sure." Sa isang iglap lang ay yakap na nya ito sa bisig.Napapikit sya ng maramdaman ang yakap nito pabalik. "I miss you mom..."

Agad nyang pinahid ang luhang pumatak sa kanang mata nya.

"Namiss rin kita anak,pasensya na kung hindi ka namin nasamahan kagabi ng icelebrate mo ang birthday mo.Pagpasensyahan mo na talaga anak."

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum