MY BARBARIAN CHAPTER 20

181 1 0
                                    

"MO CHROÍ huwag naman ganito.Imulat mo ang mga mata mo mahal ko,parang awa mo na.."

Hindi nya gustong sumama sa pinuno at iwanan si morticia lalong lalo na sa kalagayan nito subalit kinailangan nyang sumama.

"Papunta rito ang S'hayk netheyam."

Ang katagang binitawan ng pinuno na naging dahilan upang sumama sya.Kaligtasan ng kanyang kabiyak at kaibigan nito ang kanilang pinaguusapan.

Kaya siya at kalahati ng bilang ng mga barbaro ay sumama sa pinuno kasama na sa bilang si Durothan,rakim at ibang magigiting na kalalakihan sa kanilang grupo.

Subalit ang kanyang naging desisyon ay kanyang pinagsisihan..sana pala ay hindi nya iniwan ang kanyang kabiyak..ang kanyang mahal..

"Kumapit ka lang mahal ko malapit na tayo." Aniya saka paulit ulit na hinalikan ang malamig nitong kamay.

Hinigpitan nya ang kapit sa hita nito at mas binilisan ang pagtakbo.Habol hininga na sya ngunit wala syang pakialam.Ang importante lang para sa kanya ay ang kaligtasan ni morticia.

"Netheyam!Magdahan dahan ka lamang.Maari kayong dalawa mapahamak sa  ginagawa mo!"

Narinig nyang malakas na sigaw ng pinuno,may kalayuan sa kanya.Kung noon isang salita lamang ng pinuno ay napapasunod sya kaagad ngunit ngayon..iba na kung kaligtasan ni morticia ang pinaguusapan.Magbibingi bingihan sya.

Hindi nya pinansin ang mga sigaw ng pinuno,ang ibang katribo at ang sigaw ng kaibigan ni morticia.Nagpatuloy sya sa pagtakbo habang nasa naka sampa sa likudan nya si morticia.

Naglalakbay na sila,hindi inaasahang paglalakbay pabalik sa kanilang tribo, dadalhin nya roon si morticia at ipapagamot.

Nagngit ngit ang kanyang ngipin ng may bumaon muling bato sa walang sapin nyang paa.Dahil sa pagmamadali nakalimutan na nya iyon,tanging nadala na lamang nya ay ang kanyang wasak na sarili.

Nalasahan nya na ang pait ng luha na umaagos sa kanyang mukha.

"Netheyam!Anong nangyari!" Bungad ng kanyang kapatid ng makapasok sila sa malawak na bulwagan ng tribo.

"Dadalhin ko sya sa silid pagamutan,kuhain mo na ang gamit mo at tawagin si ina pagkatapos ay sumunod kayo saakin.Magmadali kayo."

Hindi nya pinansin ang pagtatanong nito..Nagtuloy tuloy sya sa pagpunta sa espesyal na silid pagamutan.

Maingat nyang inilapag ang kabiyak sa higaan na nasa gitna ng silid atsaka  isa isang inalis ang saplot na bumabalot sa katawan nito.

Hindi nya alam kung bakit ito nangyayari sa kanyang kabiyak.Una noong nagising sya at naabutan na lamang itong nakaluhod sumusuka sa sahig ng kwebang kanilang pansamantalang tinutuluyan.Pagkatapos iniwan nya itong mahimbing na natutulog sa higaan,maayos na ang kalagayan.Ibinilin nya  ito sa mga kaibigan nito kaya kampante syang iwan.

Kaya naman ng maabutan nya itong sumusuka ng dugo..

"Netheyam lumabas ka muna saglit at ipaalam sa mga kaibigan ni morticia na sya'y gagamutin namin ni ina ng sa ganoon ay  huminahon na sila."

Napamulat sya at naalis ang pagkakasandal ng noo sa likod ng palad ni morticia ng marinig ang sinabi ng kanyang kapatid.

Sasabihin na sana nya na huwag na ang mga itong pansinin at hayaan na lamang ng makarinig sya ng kumosyon at sigawan sa labas ng silid.

Pinasadahan nya ng isang tingin ang kanyang kabiyak saka nagpakawala ng isang malalim na hininga bago tuluyang tumayo.

Tumango sa kanya ang ina kaya tinanguhan nya rin ito pabalik bago lumabas ng silid.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now