PRÓLOGO

957 2 1
                                    

"MORTICIA!morticia! morticia!"

Malakas na kantyawan ng mga kaibigan na syang pumuno sa kanyang pandinig habang iniisang lagok ang isang basong puno ng alak.

"Woooooo!!"

"Yass gurl."

Kantyawan muli ng maubos nya at malakas na ipinatong sa lamesa.

"Girl ito paaa.."

Kukunin nya na sana ang isa pang basong alak ng may malakas na alon ang humampas sa yateng kanilang sinasakyan,dahilan para gumalaw ang kanyang kinatatayuan.Napahawak sya sa lamesa, ganon din ang ibang kaibigan nya pero ang ibang lasing na lasing na mga kaibigan na hindi kaagad nakahawak ay natumba at nagpagulong gulong sa sahig ng yate.Napuno ng tawanan ang buong yate.

Kaarawan nya ngayon ika-dalawamput lima.Napagpasyahan nyang sa yate ito ganapin,sa gitna ng dagat malayo sa kabahayan.

Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa sumapit ang gabi.Dito nila naisipang matulog, sa gitna ng dagat.Hindi sila natatakot dahil lahat naman sila marunong lumangoy at payapa naman ang karagatan.At isa pa bago nya gawin ang kasiyahang ito chineck nya muna ang weather,inalam kung may bagyo na darating ngunit ayon doon ay wala namang nagbabantang bagyong papasok sa bansa.

Nagsayawan muli sila,sinulit ang kasiyahan hanggang sa matumba silang lahat sa sobrang kalasingan, hindi na nalaman kung paano sila nakarating sa kanya kanyang kwarto.

Napabalikwas sya ng bangon ng may malakas na tumama sa bintana nya,napakalas ng hampas na iyon pero agaran rin syang napahiga ng kumirot ang kanyang ulo.

Ahh..

Hinilot nya ang sintido ng mas kumirot pa ito,marahil dahil naparami ang inom nya at dahil na rin sa biglaang pagbangon.

Pinalipas nya muna ang minuto hanggang sa nakaya na nya.Bumangon sya at pinilit minulat ang mabigat na talukap ng mata dahil hindi talaga tumitigil ang malalakas na pag hampas ng alon sa kanyang bintana.

Bumaba sya ng kama pinuntahan ang bintana at napasinghap sya sa gulat ng makita ang sobrang tataas,lalaki na mga alon,maging ang malalakas ring pagbuhos ng ulan.

Kumabog ang kanyang dibdib sa nakita.Sobrang lalakas ng mga ito na talaga namang rinig na rinig nya ang bawat paghampas nito sa kisame ng yate.

Biglang naalala nya ang kalat nila sa deck kaya dali dali syang pumunta sa pintuan.Hawak na nya ang seradula lalabas ng sana ng kusa itong bumukas.

Kunot noong tiningnan nya ang tao sa labas ng pintuan nya.Si Adhira Coraline Celeste.Her bestfriend.

Katulad nya kunot noo rin ito,marahil nagising rin ito sa malalakas na hampas ng alon..

"Saan ka pupunta?" Tanong nito,umecho sa hallway ang malamig nitong tinig.

Lumabas muna sya ng kwarto,sinarado ang pinto bago ito sinagot.

"Sa deck,ililigpit ko yung natirang mga gamit doon baka kasi natangay na yung iba ng malakas na alon,kaya titingnan ko lang kung ano pa ang pwede isalba."

Tumango ito bago sinabayan sya ng lakad.

"Samahan na kita,masyadong malalakas ang alon."

"Sige"

Sa dulo ang kwarto nila ni Adhira kaya nadaanan nila ang ibang kwarto ng kaibigan na katulad nila ay nabulabog rin ng malalakas na alon, kaya ang ending lahat sila patungo sa deck.Nawala na ang hangover nilang lahat at namayani ang katahimikan habang sila'y naglalakad.

Ramdam nya ang bigat ng hangin sa ere,alam nyang kinakabahan na rin ang mga kaibigan katulad nya sapagkat hindi na kasi normal ang lakas ng ulan at paghampas ng alon sa yate.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now