MY BARBARIAN CHAPTER 2

306 1 0
                                    

WARNING..R18



MORTICIA

KATAHIMIKAN iyan ang bumabalot sa kanilang dalawa ni adhira habang binabaybay ang masukal at kakaibang kagubatan.

Walang nagsasalita,tanging ang mga kakaiba ng tunog kalikasan lamang ang namamagitan sa kanila.

Malapit ng magdilim at hanggang ngayon sa walang direksyon nilang paglalakad wala pa rin silang nahahanap..kahit isa man lang na tao o kaya naman mga kabahayan.

Puro kasing taas ng building o mas mataas pa na mga kakaibang puno ang kanilang nakikita..maging ang mga halaman bukod sa mga malalaki hindi rin pamilyar sa kanilang mga mata ang wangis nito.

Wala pa naman silang nakakasakubong na mga hayop mula sa mundong ito at hindi na nila hihintayin pa na may makasalubong.

Kumunot ang noo nya ng may marinig, napatigil sya ganon rin si adhira.

"Naririnig mo ba iyon Adhira.."

"Oo"

Mabilis ang kilos na tinakbo nila ang direksyon na iyon.May madadaanan  silang medyo may kataasang nakatumbang puno.Nauuna si adhira sa kanya at hindi na sya nagulat ng mabilis na  makaakyat ang matalik na kaibigan roon.

Naghahanap sya ng pwedeng mapagapakan ng maglahad ng sa kanya ng kamay si  Adhira.Tinangap nya iyon at mahinang nagpasalamat.

Hindi naman sa galit sila sa isat isa ni adhira may mga sitwasyon lang talaga at oras na tanging kailangan ay katahimikan para ng sa ganoon unti unting maproseso ng kanilang isipan ang nangyayari.

Pero hanggang ngayon hindi pa rin ganoong naproproseso ng kanyang isipan ang nangyari marahil ganon din si adhira at iba pa nilang kasamahan.It will take time..

"Sa tingin mo may makikita tayong tao at kabahayan jan adhira?" Tanong nya habang parehas silang nasa taas pa rin ng nakatumbang kahoy at tinitingnan ang pagragasa ng luntiang talon sa kanilang harapan.

Well hindi naman talagang nasa harapan nila ang talon.Kailangan pa nilang bumaba ng pababang lupa bago nila maabot ang talon.

Hindi rin naman ganon kataasan ang kinalalagyan nila pero masasabi nyang kailangan nilang magingat kaunting maling galaw lamang maari silang magpagulong gulong paibaba.

"Hindi ko rin alam ang kasagutan morticia.Pero kailangan natin sumugal maaring mayroon tayong mahahanap na kabahayan sa malapit dahil pag may talon maaring mayroong malapit na nakatira doon ang talon ay may nakatirang mga isda.Kumpara sa dagat ang talon ay mas maliit,madaling hulihan kumapara sa dagat."

Napatango tango sya sa mahabang lintanya ng dalaga.Bababa na syang sana ng magsalita muli ang matalik na kaibigan.

"Ticia.." napatigil sya ng bangitin nito ang nickname nya.

"Sorry naging makitid ang utak ko.Patawarin mo ako."

Napabuntong hininga sya sa narinig.Hinarap nya ito,nakaupo pa rin sila sa nakatumbang katawan ng puno.

Hinawakan nya ang kamay ng nakatungong si adhira.

"Adhira..hindi naging makitid ang utak mo okay.Walang may gusto ng nangyari at naiintindihan kita kung bakit mo gustong gawin yon pero..pero..sana maintindihan mo rin na ayoko na mapahamak ka kaya pinigilan kita.Nawalan na tayo at ayoko ng madagdagan pa.Kaya kailangan mong maging malakas kailangan natin magtulungan lahat."

"Hindi natin alam kung may mahahanap tayo sa mundong ito na pwedeng makatulong saatin kaya sa ngayon hanggat wala pa tayong nahahanap tanging mga sarili lamang natin kaya ang maasahan kaya naman magpakatatag ka adhira.Alam kong importante sayo si francine pero adhira naman..andito pa ako..ang matalik mong kaibigan."

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now