MY BARBARIAN CHAPTER 1

621 1 0
                                    

MORTICIA

NAPAUNGOL sya sa sakit ng kanyang ulo.Hinawakan nya ang parteng iyon at napadilat ng may makapang malapot na likido.

Dugo..

Agaran syang napabangon ng bumalik sa alaala nya ang nangyari bago sya nawalan ng malay.Napahawak sya sa katawan at natigilan ng wala syang makapa.

Dali daling syang tumayo pero agaran ring natigil ng ang bumungad sa kanya ay ang asul na asul na langit at  dalawang araw..

Dalawa ang araw..kailan pa naging dalawa ang araw?..

Kinusot kusot nya ang mata, nagbabakasakaling namamalikmata lamang sya.

Pero ganoon pa rin..dalawa pa rin ang nakikita ng kanyang mga mata.

Saan ba napatama ang ulo nya at nag hahalucinate na sya.

Kanyang ililibot na sana ang tingin sa paligid ng makarinig sya ng mga pagdaing.

Hinanap nya ang pinanggalingan noon at doon nag sink in sa utak ang mga kaibigan.

Mabilis ang kilos na isa isa nyang nilapitan ang nagkalat na mga kaibigan at dinala sa ligtas na lugar,sa pampang kung saan malayo sa tubig.

Kalahati palang ang nadadala nya sa pampang,si aurora,ivy, amaranth,lee sun,adriata, sahaya at Cresseida na kapwa mga walang malay ng makarinig sya ng isang sigaw.

Zephyr..

Dali dali syang tumakbo palapit at nakita ang  kaibigan.Pabaling baling ang ulo na wari bang binabangungot.

Tinapik tapik nya ang mukha nito upang magising,nagmulat naman pero agad rimg mariin napapikit na para bang may malubhang iniindang sakit.

"My feet morticia..." Mahina at namamaos na wika nito.

Napatingin sya sa paa nito at napasinghap  ng mapansin ang isang nakatubog na paa nito ay may nakatusok na bakal sa may bandang talampakan .

Mabilis pero may pagiingat na hinila nya Zephyr tungo sa pampang para hindi mababad sa tubig,panay pa rin ang daing nito.

"Oh,shit!"

"Call some help morticia.."
Nanghihina man at may iniindang sakit pinapanatili nitong kalmada ang mukha..

"Okay,okay dito ka lang i will ask some-" naputol ang dapat na idudugtong ng  makarinig muli ng panibagong sigaw.

Lily snow..

Tatakbo na syang sana palapit rito ng makitang nagkaroon na ng malay si  adhira,Amaranth,ivy at sahaya.

Sinenyasan sya ng mga ito at sinabing sila na ang bahala.

Nagising na rin si aurora,LeeSun,
Adriata at Cresseida kaya sila na ang tumulong sa nakakalat pang katawan nila ,Morana,Nerissa,Aurie,Ianthe,Victoria,Francine.

Lumapit sa kanya si sahaya at pinagtulungan nilang dalhin si zephyr palapit sa lahat.

And it turns out na hindi lang si Lily, Zephyr ang may nararamdam.Halos ang kalahating dinala sa pampang,ang mga inalalayan nila ay lahat may iniinda..

Morana ankle sprain.Nerissa,Aurie head injury,not waking up,next is lily na hindi na makatayo dahil sa bali sa dalawang paa at braso.Ianthe, victoria hindi rin nagigising ngunit wala namang galos sa katawan.

"Adhira!Get the first aid kit sa bag ko bilis!"

Sigaw nya saka dahan dahang inihanay si zephyr sa mga babaeng walang malay.

Tumalima naman agad ang matalik nyang kaibigan,dali dali nitong kinuha ang first aid kit.

Agad nyang kinuha iyon at sinimulang bigyan ng paunang lunas.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now