MY BARBARIAN CHAPTER 5

172 1 0
                                    

WARNING...R18

MORTICIA

Napabalikwas sya ng bangon ng may kung anong nakatutulirong tunog ang gumising sa kanya.

Tiningnan nya ang higaan, inilibot ang paningin sa maliit na kabahayan pero wala ang barbarong alien.

Hindi ba ito nakabalik kagabi..kinain ba ito ng malaking nilalang?..

Nagsimula na syang magpanic,tatayo na sana ng bumalik nanaman ang malakas na tunog na iyon.

Nangunot ang kanyang noo at napatakip ng tenga.

Akala nya'y saglit lamang iyon katulad ng una pero hindi iyon tumigil,mas lumakas pa.

Nakatakip pa rin ang tengang tumakbo sya palapit ng pintuan para tingnan kung saan nanggaling ang malakas na tunog.

Umawang ang labi ni morticia ng makarating sya sa walang pintong pintuan ng tree house ng makita ang pinangagalingan ng malakas na tunog na naririnig nya.

It is a UFO..a freaking disk shape UFO crashing into the air of the world she's in..

Oh,ghad napatakip sya ng kamay sa bibig.

She thought kathang isip lamang ang lahat ng nakikita nya sa youtube,facebook at google.Pero ngayong nakikita na ng dalawang mata nya naniniwala na sya.

Ngayon mas lalong naniniwala na sya sa kasabihan ng karamihan na "To see is to believe"..

Bumubulosok paibaba ang UFO.

Medyo may kataasan ang punong kanilang tinutuluyan kaysa sa ibang puno kayat
napasinghap at napaatras sya ng makitang malakas na sumadsad sa lupa hindi kalayuan sa kanilang kinalalagyan ang UFO spaceship.

Ngayon umuusok na ang parteng iyon ng kagubatan.

Napatalon syang muli sa gulat ng may humagod sa kanyang buhok mula sa taas.Nanlalaki ang matang napatingala sya.Nakahinga sya ng maluwag ng nakita ang nakapang aakit na ngiti ng barbarong nakilala nya.

Netheyam...

Nasa taas ito ng bahay,nakasampa sa isang sanga ng puno.Marahil pinanood rin nito ang pagbulusok ng spaceship.

Thank God at ligtas ito mula sa nilalang kagabi.

Pinanood nya ang eskpertong pagbaba nito sa malaking sanga,mas malaki pa sa katawang tao nya hanggang sa makabalik sa loob ng tahanan.

Tumigil ito sa harapan nya at pinagdikit muli ang kanilang noo.

Kagabi pa nito iyon ginagawa sa kanya at kagabi pa rin natutunaw ang kanyang puso sa ginagawa nito.

Maybe it's his custom saying hello..hindi malalim na meaning katulad ng kanyang iniisip...she hope so..

Matapos paghiwalayin ang magkalapat nilang noo may sinabi ito at kinuha muli ang patalim na hawak saka itinuro ang kaninang tinitingnan nyang pinagbagsakan ng spaceship.

Pupuntahan nito ang pinagbagsakan ng spaceship.

Tumalikod si netheyam,hinawakan nya ang kamay nito hindi para pigilan.Gusto nyang sumama.

Bukod sa ayaw nyang maiwan magisa,nahihiwagaan sya sa spaceship at may isa pang dahilan.

May posibilidad na ito na ang maging daan nila pauwi.

Nagsalubong ang kilay ni netheyam sa naging pagpigil nya.

Kaya naman she tap her own chest and and also tap netheyam warm chest saka itinuro ang pinagbagsakan ng spaceship.

Mukhang naintindihan sya ng barbaro.Mabilis itong umiling iling saka mabilis na nagsalita na hindi na nya nasundan pa kung ano ang kahulugan.

Expected na nyang hindi ito papayag kaya nakaisip na sya ng dapat gawin.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora