EPÍLOGO

265 2 2
                                    

"MOMMA!"

Mula sa mga panggatong na kahoy nalipat ang kanyang atensyon sa pintuan,kung saan narinig nya ang matinis na boses na iyon.

Kusang umangat ang magkabilang sulok ng kanyang labi ng makita ang bunsong anak na babae.May hawak itong napakagandang R'hosey.Kung sa earth ay mayroong rose ang mundong ito naman ay mayroong r'hosey.Isa sa napakaraming kakaiba at nag gagandahang bulalak na itinatago ng mundong ito.

Pinagpagan nya ang maduming kamay at nilapitan ito.Mas lumawak pa ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha ng makita ang isang batang lalaking humahangos na tumatakbo papalapit sa kanila.

Hanggang sa tuluyan itong makarating sa kanilang kinaroroonan,naghahabol ng hininga.

"Neyticia hindi ba sinabi namin ni ama na  wag ka mag rurun,na hintayin mo kami kasi baka mapano ka."Anito matapos makarecover sa paghahabol ng hininga.

"Ang slow slow nyo naman kasing dalawa ni Dadda kuya kaya nauna na ako,atsaka excited na kasi akong ibigay itong nakuha nating flowers kay momma." humarap ito sa kanya at tumama ang kakaibang mga mata nito sa kanya. "Here po momma,for you po."

Nahabag ang damdamin nya ng makita ang isa sa pinakamagandang bulaklak sa mundong ito sa maliliit na berdeng kamay ng kanyang anak na babae.

Kinuha nya ang bulaklak sa kamay nito atsaka lumuhod hanggang sa magpantay ang kanilang mukha.Niyakap at mabining binigyan ng halik ang noo.

Hinding hindi sya nagsisisi na sinunod nya ang sinasabi ng kanyang puso..

"Meron din po ako momma.." Napamulat sya at napatingin sa anak na lalaki na isang minuto lamang ang tanda kaysa sa anak nyang babae.

Ibinuka nya ang isang braso habang nakayakap pa rin ang isa sa anak na babae. "Halika nga rito anak.." aniya saka mahinang napatawa ng mapaatras sya sa pwersa ng yakap ng anak na lalaki sa kanya.

Kambal ang mga anak nya.Hindi rin sya makapaniwala.Walang ultrasound sa mundong ito kaya naman nagulat sya ng  matapos maiire ang anak na lalaki sinabi ng nagpaanak sa kanya na umire pa sya sapagkat mayroon pang isa.

Binigyan nya ng tigisang halik sa mga ulo ang anak bago mas hinigpitan ang yakap sa mga ito.

"Hindi talaga kayo napapagod na bigyan si momma ng present araw araw ah." Aniya dahilan para magangat ng ulo ang dalawang anak na naging dahilan rin upang makita nanaman nya ang resemblance ng anak sa kanilang ama.

Mas mataas ang kaysa sa normal na tatlong taong gulang na bata ang height ng kanyang mga anak.Tatlong taon palamang ang kambal nya ngunit hanggang sa kanyang bewang na ang taas ng mga ito.Hindi na sya magtatakha kung sa paglipas ng panahon ay mas matangkad na rin ang mga ito kaysa sa kanya,katulad ng kanilang ama.

Ang katawan ay katulad rin ng kay netheyam,berde na may stripes na pumapalibot sa buong katawan hanggang umabot sa mukha.Both their nose is flat cat-like and their ears is also pointed.Halos lahat nakuha nila sa kanilang ama iilan lamang ang nakuha sa kanya.

Nakakainis nga at sya ang naghirap magdala sa sinapupunan ng mahabang panahon tapos buhok at mata lamang ang nakuha sa kanya.Subalit habang tumatagal at lumalaki ang mga anak nya ang saya sa puso nya ay naguumapaw.Masaya syang karamihan ay sa ama nito mga namana sapagkat indikasyon iyon na ang pinakamamahal nya ang ama ng kanyang mga anak.

Kambal sila ngunit mayroon rin silang pagkakaiba.Morhiyam ang anak nyang lalaki ay masasabi nyang lahat ay namana sa ama nito maliban na lamang sa mata.Sa halip na berde katulad ng sa ama ay namana nito ang kanyang kulay lupa na mata.

Umaga palamang ngayon kaya naman  kitang kita nya sa gitna ng kulay lupa nitong mga mata ang vertical na pupil nito.

Neyticia ang anak nyang babae na nakuha rin lahat sa ama maliban sa buhok.Sa halip na itim namana nito ang natural at mahaba nyang kulay lupa na buhok.And instead of having circular pupils like her, the black parts in the centres of her mesmerizing combination of green and yellow eyes are vertical,like her father.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now