MY BARBARIAN CHAPTER 18

123 2 0
                                    

NAGLAKAD silang muli pero hindi na sila sumampa sa likod ng mga barbaro sapagkat ilang lakad lang naman ang kailangan nilang gawin upang makarating sa malaking puno.

Hindi rin naman sya makakasampa kasi hanggang ngayon ay nasa balikat pa rin ni netheyam ang nilalang na hinuli nito.

Namangha nanaman silang magkakaibigan ng nasa tapat na sila ng punong kanina lamang ay tanaw nila sa malayo.

It's really huge and..

Tinaas nya ang kamay at sinahod sa ere.Namangha sya ng may mga berdeng pixie dust ang dumikit sa mga palad nya.

"Pumasok na tayo."

Pumasok na silang lahat sa mistulang bilog na pintuan sa ilalim ng malaking puno.

Hindi nanaman nya napigilan ang pagkamangha ng makapasok sila sa loob ng puno.

Punong puno ng nagliliwanag na mga bulaklak,damo at puno ang loob ng puno.Mistulang maliit na kagubatan sa loob ng isang malaking puno..

Umawang ang bibig nya ng makakakita ng malapad na pabilog na hagdanan sa gitna.

Pilit sinisipat ng mata nya ang dulo ng hagdanan subalit hindi nya iyon makita.

Inalis nya ang tingin roon at sinundan na lamang ang hanay na pila pinangunahan ng pinuno kasunod si adhira.

Humigpit ang kapit nya sa braso ni Netheyam ng makitang nagsisimulang umakyat ang mga kasamahan sa pabilog na hagdanang napupuno rin ng nagliliwanag na mga bulaklak.

Nang sila na ang akakyat pinauna sya ng kanyang barbaro.

Huminga sya ng malalim saka humakbang.Noong una ay natatakot sya sapagkat may mga lumot ang bawat baitang pero kalaunan ay nawala rin ang kabang kanyang naramdam ng sa bawat paghakbang nya sa lumot ay lumiliwanag ito ng matingkad na kulay.

Maging ang hawakan rin ng hagdanan na mayroong makukulay at kakaibang mga bulaklak ay mas lalong tumitingkad ang kulay kapag ito'y kanyang nahahawakan.

Narinig nya ang mahina at malalim na pagtawa ni Netheyam sa likuran nya pero ang atensyon nya'y nasa magagandang mga bulaklak.

Sa pagtitingin tingin nya sa paligid hindi nya namalayang naabot na nila ang tuktok.Kung hindi pa nya naramdaman ang malaking kamay ni netheyam sa impis nyang tiyan hindi nya malalaman.

Nang tuluyang mahawi ang mga Barbarong nauna sa kanya at bumungad sa kanya ang out of the world na kagandahan.Kagandahan na walang makapapantay..

Ilang beses na syang namangha sa buong kanilang paglalakbay.Sa dami ng kanilang pinagdaanan, pinuntahan at nasaksihan pulos pagkamangha ang palaging nauunang emosyon nya sa bawat kakaiba at hindi pang earth na mga lugar na kanyang nasasaksihan subalit ngayon.

Pinanood nya ang pagbagsak ng berdeng mga pixie dust na nagmumula sa loob ng katawan ng puno, tumatawid sa ilang magkaka konektang mga sanga ng puno hanggang sa bumagsak ito na parang isang talon.

Namamanghang lumapit silang magkakaibigan sa bilog na bilog na pool pero sa halip na tubig ang laman,ang berdeng pixie dust ang syang laman nito.

Tinubog nya ang kanyang kamay at hindi magkandamayaw ang puso nya sa pagtibok ng mahawakan nya ito.

Para itong pinong mga buhangin sa kanyang kamay.Tinaas nya ang kamay mula sa pagkakatubog at hindi nya mapigilan ang pagkamangha ng dumikit ito sa kanyang kamay.

"Ngayong kumpleto na ang lahat maari na nating simulan ang pagkuha nyo ng vishna mga binibini.Tumayo kayo sa gitna lahat." Tinigil nila ng lahat ang paghawak sa berdeng mga pixie dust at tumayo.Sinunod ang maawtoridad na utos ni pinuno.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now