MY BARBARIAN CHAPTER 16

161 1 0
                                    

"NETHEYAM!" Suway nya rito saka hinampas ito sa dibdib.

"Ano ba mahiya ka naman sa mga katribo mo na nakatingin saatin!" Pabulong na singhal mya rito saka pasimpleang nilibot ang tingin sa buong bulwagan.

Ngayon ang kanilang paglalakbay kasama ang piling mga kayribo ni netheyam tungo sa kanyang mga kaibigan kaya naman may kanya kanyang ginagawa at tumutulong na rin ang iba sa paghahanda.

Maging sya ay napagpasyahang tumulong na rin pero nahihirapan syang gumalaw,bukod kasi sa barbaro nyang walang ibang ginawa kundi dumikit sa kanya ramdam nya ring hindi maalis ang tingin sa kanila ng mga katribo nito.Pinapanood ang ginagawa sa ginagawa ng kanyang barbaro sa kanya.

"Let them mo chroí.Hayaan mong makita at marinig nila ang hantaran kong pagangkin sayo sapagkat kahit alam nilang ako ay kapareha mo na at tayo'y itinakda nahihiwagaan pa rin sila at namamangha sa iyong kagandagan.Kaya naman hindi na ako magugulat kung mayroong may gusto saaking makipagbuno ng kamao para lamang maagaw ka." Malalim na anito saka matalim ang matang tumingin sa kanyang likuran.

Nilingon nya kung sino at likuran na lamang nito ang naabutan nya.Pero kilala nya ito isang beses lamang sila nagkita naging medyo pamilyar na sya sa estarktura.

Nanghihina syang umiling

Paano nya ba makalilimutan ang alien na mayroong napakalungkot ng mga mata.

Khadgar

"Netheyam."

Sabay silang napalingon sa tumawag.Pinanood ang napaka eleganteng paglalakad ng kapatid nito sa kanila.

"K'hana..aking nakababatang kapatid.." nakataas ang sulok ng labing wika ni netheyam saka binigyan sya ng nanunuksong tinggin.Napairap sya sa ere.

"Maari bang makausap ko ang iyong kabiyak?"

Napaayos sya sa narinig.Nagkatinginan sila ni netheyam,binigyan nya ito ng isang ngiti at tango.

"Ibalik mo rin sakin pagkatapos.Huwag ka magsayado matagal mo chroí.Huwag mo akong masyadong sabikin."

"Netheyam!"

"Hihintayin kita sa ating silid mo chroí."

Pinandilatan nya ito ng mata.

"Netheyam!"

Pero ang kanyang barbaro tinawanan lamang sya.

"Ihahatid ko na lamang sya sa inyong silid pagkatapos naming magusap,hindi kami magtatagal."

Mas lalong nangamatis ang pisngi nya ng sakyan ni k'hana ang trip ng kanyang nakatatandang kapatid.

Tumungo muli si netheyam sa kanya at nakagat nya ang labi ng maramdamang malambot nitong labi sa kanyang leeg.

"Huwag mo akong masyadong pasabikin my lovely mate."

Pinatakan nito ng maliliit na halik ang leeg nya pataas hanggang likuran ng tenga nya.
Nagsisimulang mangatog ang tuhod nya sa sensasyon.

Hindi maaring ganito.Dapat hindi lamang sya ang nakakaaramdam ng ganito.

Nang ang punong tenga nya ang sinimulang paglaruan nito hinigit nya ang leeg nito, naramdam nyang natigil ito sa ginagawa kaya inilapit nya ang bibig sa tenga nito at bumulong.

"Wala kang lap dance mamaya.." mapangakit na panunukso nya. "Bye love.." binigyan nya ito ng isang halik sa gilid saka bumitaw at lumayo na.

Gusto nyang mapahalakhak ng makita ang pagputla ng mukha nito,mabuti at napigilan nya.

"Tara na k'hana iwanan na natin ang nakatatanda mong kapatid." Aniya sa kapatid ni netheyam na tumango habang may maliit na ngiti sa mga labi  habang sila'y pinapanood.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWhere stories live. Discover now