MY BARBARIAN CHAPTER 6

157 1 0
                                    

MORTICIA

"LANGUAGE detect:Filipino,from planet earth.Do you wish to change language selections? "

Nawala kay netheyam ang kanyang atensyon  ng marinig na magsalita muli sa ingles na lengguwahe ang malaking screen.

Naguguluhang tiningnan nya ang screen.

"Alam rin kaya nito ang wikang Filipino?" Tanong nya sa sarili pero napalakas ata kasi sumagot muli ang computer.

"Yes, this spaceship has an artificial intelligence that has been programmed to speak over 28,000 languages.Nais mo bang baguhin ang selection ng wika?"

"Yes!" Mabilis nyang sagot.Fluent sya sa salitang ingles ngunit mas mainam kung ang   wikang Filipino ang gagamitin ng ai computer.

Or gamitin na lang nya parehas.

"Pwede bang dalawang lengguwahe?"

"Yes, pwede."

"I want english langguage too."

"Alright.Please wait for system to fully changed the langguage." Makalipas ang segundong tanging tunog ng computer ang naririnig nagsalitang muli ang Artificial Intelligence ng spaceship.

"The Filipino and English languages from the third planet of the solar system, called Earth, are already set..Maari ka na ngayong magtanong.Makakaasa ka lahat ng  katanungan mo ay malugod kong sasagutin."

"Anong nangyari sa spaceship na ito?Sino ang limang bangkay na natagpuan naming naaagnas?Sila ba ang may ari?Saang planeta sila nagmula?" Hindi maprenong tanong nya.

Sa halip na sagutin sya ng AI o mas mabuting tawagin ko na lang na "SIRI".Nag black ang malaking screen maya maya lang may videong nag appear.

Naniningkit ang matang pinanood nya ito at napatakip sya ng bibig ng may mapagtanto.

"Ang pamilyang TA'VI ang mayari ng spaceship na ito.Nagmula sa malayong planeta na kung tawagin ay Tierra VII."

Pinanood nya sa screen kung paano nahati sa lima ang malaking screen at may isa isang videong nagpakita,CCTV ng buong spaceship.

Sa isang screen na sigurado syang ang control room.May dalawang alien, isang nakaupo sa upuan may pinipindot sa napakaraming button at isang nakaharap sa malaking screen waring may pinapanood.

Kulay dilaw ang balat ang mga alien at may kasing taas ng sungay ng isang Usa.

Napunta sa isang screen ang atensyon nya ng bumukas ang isa sa napakaraming pinto ng hallway at may lumabas na isang alien.Katulad rin ng naunang dalawang alien  kulay dilaw rin ang balat nito pero ang sungay ay katamtaman lang ang taas.

Panghuli nalipat sa isang screen na kuha sa loob ng isa silid ang atensyon nya at nahabag ang kanyang damdamin ng makita ang isang maliit na alien.Katulad rin ng naunang mga alien kulay dilaw rin ito at may sungay.

Hindi nga sya nagkamali,isa ngang bata ang nilibing nila kanina.May kasama syang isa pang alien at masaya silang naglalaro ng isang hindi pamilyar sa mata nyang bagay.Lumulutang iyon sa ere at kanilang pinagpapasahan.

Sandali lamang ang katahimikan na iyon,makalipas ang ilang minuto may panibagong alien ang pumasok sa spaceship.Armado ang mga ito,maya maya lamang tinipon ng bagong mga alien na kulay pula ang balat at may apat na kamay ang buong pamilya sa control room.

Nagmakaawa ang magulang ng dilaw na alien habang ang mga anak ay umiiyak na magkakayakap.Ngunit mistulang bingi ang  bagong mga alien.Hindi nito pinakinggan ang pagmamakaawa,iyak ng mga buong pamilya.Hindi kumukurap ang malaking nagiisang matang pinagbabaril ng mga ito ang pamilya.

My Barbarian (Alien Romance SPG R-18) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt