Kusang tumulo ang laway ko. "Waaaaaaaah! Pagkain!"

"Akin na!" hahablutin ko na sana sa kamay nya yung plate na may steak with lemak rice nang bigla niyang iangat palayo saken iyon.

"Sa isang kondisyon," sabi niya.

"Ano na naman yun?! Kapag ako namatay sa gutom, hihilahin ko yang paa mong puro kalyo!"

"Hmmm..." hindi niya pinansin yung sinabi ko, hinimas-himas nya pa yung baba nya ng kaliwang kamay nya. "Ayaw mo 'ata nito eh? Hmmm, bango..." sabay amoy dun sa pagkain.

*ggrruu*

"Tangna, takam na takam na ko. Ano ba kasi yung kondisyon mo?!"

"Galit ka?" nagtanong pa ang bruha.

"Hindi!" Putapete naman, may naging kriminal na ba dahil sa gutom?!

"Oh sige, here's my condition..." yumuko pa sya patapat saken habang yung kanang kamay nya ay nakataas pa rin. "Kapalit ng pagkaing 'to..."

"...ay isang KISS mula sayo."

"Watdapak?!"

"Ayaw mo ata eh, sige di bale nalang."

Tss, manyak ka talaga! Naalarma ako nung makita kong papaalis na sya.

"Oy! Teka! Teka lang!" ayokong mamatay sa gutom!

"Yes Dear?"

Dear-dearin mo muka mong kaderder!

"Ano yun? Payag ka na ba?" dugtong nya pa.

"Ah.. s-sige... pero sa cheek—"

"Dapat sa lips!" mabilis pa sa alas-kwatrong putol niya sa sasabihin ko.

"HA?! WAG NAMAN."

"Edi okay, magtiis ka ng gutom d'yan."

"Aish! Oo na sige na! Smack—"

"I want French kiss!"

"Fuck," napaka-straight forward talaga sa kamanyakan ng babaeng 'to. "French fries ayaw mo?"

"Tss! Ano gagawin ko dun?" namewang siya at tinapat pa sa akin ang dala niyang pagkain dahilan upang lalo akong matakam ditto."Ano? Ayaw mo ba?"

Iisipin ko nalang si Jun Pyo ka... "Gu-gusto?"

"Good!" lumapit ulit sya saken at lumuhod.

"10 minutes?"

"Anong 10 minutes?" tanong ko sa kanya.

"Yung tagal ng kiss natin."

"ANO? OKAY KA LANG? HINDI KA NAMAN SWAPANG SA HALIK N'YAN NOH?!"

"Psh, sa panaginip mo nga inabot ka ng one hour eh," nag-pout pa talaga ang bruhilda.

"Tss! Panaginip lang yun! Saka...saka..."

"Saka ano?!"

"Saka si Jun Pyo Mah Labs naman yun noh!"'

"Tss, bahala ka na nga. Aalis na talaga ako!"

"Teka! Wait lang!" hinila ko yung laylayan ng palda nya.

Ngumiti sya ng pilya.

"Uuuy, naninilip." muli siyang tumapat saken. "Ikaw naman!" aniya sabay tapik sa dibdib ko.

"Ano ba?! Manyak to!" sabay tapik rin sa kamay nya at tinakpan ang aking dibdib.

"Sus, kunwari ka pa. Sabihin mo lang kasi kung gusto mo kong silipan, magpapasilip naman ako eh."

"Che! Mas gugustuhin ko pang silipin yung etits ng kabayo kesa sayo noh!"

"Aw, ang sakit mo naman magsalita honey..."

"Aish! Dami pang daldal, akin na nga yang pagkain ko!"

"Hep! Hep!" itinaas nya ulit yung platong dala-dala nya. "Hindi pwede, kiss ko muna!"

"Eh bakit naman kasi 10 minutes?! Tagal-tagal nun eh!" reklamo ko.

"Edi 9 minutes?"

"POTA. 1 minute lang!"

She gazed. "8 minutes?"

"2 minutes?"

"7!"

"3!"

"5 minutes! Huling tawad, kung ayaw mo, matulog ka nalang ng gutom!" sigaw niya.

"Eeeeeeeh! Naman eh! Wala namang ganyanan!" halos magpagulong-gulong na 'ko sa sahig.

"Okay, ayaw mo? Goodnight," tumayo na sya at akmang aalis na.

Then before exiting humarap muli siya saken at namewang, "Ayaw mo talaga?!"

Hindi ako makasagot. Naluluha na ako. Ano ba talaga 'tong kinasadlakan ko? May napatay ba akong anghel sa sinaunang buhay ko para sapitin ang kalupitang ito? T.T

Inisip ko rin kung ano ang mas mahalaga...

Ang precious and luscious lips ko? O yung sikmura kong ang sakit-sakit na dahil sa sobrang gutom?

"Okay, ayaw mo talaga. Wala na kong magagawa, goodnight nalang," and then she turns her back.

"W-wait!"

"Yes dear?!" nagliwanag ang feslak nya, inilapag nya yung plate sa mesa.

"Is it a deal or no deal?" aniya na nag-ala "Kris Aquino" pang accent.

"D-deal."

***

"Okay, game?" tanong niya.

"Hindi pa," mabilis kong sagot.

"Ano?!"

"Hehe, game na," tangna mong manyak ka, makakabawi rin ako sayo.

"Won't you close your eyes honey?" tanong nya pa.

"Ah.. oo nga." malamang ipipikit ko mata ko! KADIRI KAYA! EEW.

"Okay..."

One.

Two.

Three. ...go."

Agad kong pinikit ang eyeslalu ko. Hindi pa man tuluyang nagdidikit ang mga labi nami'y parang nasusuka na ko.

Ayan na sya...

"Ano ba? Bakit nakatikom 'yang bibig mo?!" reklamo agad niya.

"Ayy, hehe sorry..." dumilat ako sabay peace-sign.

Then, I pouted my lips. "Oh, ayan na."

BRUHA KA.

Again she closes her eyes and slowly leans towards me. Palapit sya nang palapit....

...habang ako nama'y paatras ng paatras.

Dumilat sya. "Tae, ayaw mo ba?!"

"Ah..g-gusto..." dahan-dahan akong lumapit muli sa kanya.

"Ayaw mo 'ata eh. Huwag nalang kaya?!"

Tss, arte. "Oo na, gusto ko na! Game na!"

Di pa rin kasi ako nakakakain, gusto ko nang lumamon!

"Yun naman pala eh."

And again, and again, and again.

Pumikit sya at...

"Hmp!"

Takte! Ang walangya!

DINAKMA NA'NG BIBIG KO!

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now