LM: 47

7.1K 96 7
                                    

Zaiko's POV

Nagkakagulo ng makarating ako sa bahay ng mga Zarragoza.

Huli na ba ako?

Papunta ako sa garden kung saang nagkukumpulan ang mga tao.

"Ma'am bawal po kayo dito." Hinarang ako ng isang lalaki na nakatuxedo.

"Padaanin niyo po ako, kailangan ko pong makausap si Dave." Pero hindi ako pinakinggan ng mamang to. Kaya tinuhod ko siya at agad tumakbo.

Nang marating ko ang garden. Kitang-kita ko ang pinsan ko na si Kuya Vin habang hawak niya si Xavier sa may leeg at napapalibutan siya ng mga lalaking nakasuit na may hawak na baril na nakatuon sa pinsan ko.

"Bitawan mo ang bata Vince, wala siyang kinalaman dito." Lumipat ang tingin ko sa nagsalita. And it was Dave, sa tabi niya ay si Amanda habang umiiyak.

"Anong walang kinalaman? Ang batang to ay nag-uugnay sa inyo ni Amanda, kaya kung papatayin ko ang batang to siguradong babalik sa akin si Amanda." Hawak parin ni Kuya Vin si Xavier na iyak ng iyak.

"Amanda, mahal na mahal kita pero lagi mo akong binabaliwala dahil kay Dave. Oo, si Dave na mabait, magaling, matalino at kung anu-ano pa. Ako lagi nalang pangalawa. Kaya nagawa kong patayin si Dave ni noon para maging akin ka,nawala nga si Dave pero siya parin, ngayong bumalik na siya at may mahal ng iba, bakit siya parin? Aaminin ko, hindi ako tulad niya na magaling at matalino pero Amanda, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko." Vince said.

Nakakaawa naman si pinsan nagawa niya ang lahat ng to dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Amanda.

Dave's POV

Bigla kaming lahat kinabahan ng itutok ni Vince ang baril kay Xavier.

"Mommy. Mommy." Umiiyak na tawag ni Xavier kay Amanda.

"Vince parang awa mo na, wag mong saktan si Xavier. Ako nalang." Sabi ko.

"Mas maganda nga yun Dave makikita mong paano ko sasaktan ang mo." Vince said.

Mas lalong hinigpitan ni Vince ang pagkakahawak niya dahilan upang mapasigaw si Xavier.

"Mommy. Mommy, please help me." Xavier said while crying.

"Vince tama na, nasasaktan na ang anak mo." Amanda said habang umiiyak.

Bigla namang natigilan si Vince at niluwagan ang pagkakahawak niya kay Xavier.

"Pinagloloko mo ba ako Amanda?" Vince asked.

"Anak mo si Xavier, Vince." Umiyak lang ng umiyak si Amanda. Si Vince naman ay napatulala, bigla siyang natauhan ng kinagat siya ni Xavier.

Nang mabitawan niya si Xavier ay agad binaril ng pulis si Vince. Hindi ako nakatingin, ayaw ko makita si Vince na nakahandusay sa sahig.

Napalingon nalang ako ng may biglang sumigaw at...

"ZAIKO!"

Agad akong tumakbo papunta sa kinaruruonan ni Vince habang hawak siya ng mga pulis.

"Sandali lang anu ba, gusto kong makita ang pinsan ko." Pagpupumiglas ni Vince.

"Zai, bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinalo ang balang para sa akin?" Umiiyak na sabi ni Vince. Hawak ko na ngayon si Zaiko.

"Wa-wala ka namang ka-kasalanan Ku-kuya Vin, nagmahal ka lang." Zaiko said. Lumipat ang tingin ni Zaiko sa akin.

"Da-dave, pa-patawarin mo si Kuya Vin. Nagmahal lang siya ng sobra." Zaiko said.

"Oo. Pinapatawad ko na siya. Please Zai wag ka ng magsalita padating na yung ambulansya." Naiiyak ko na ring sabi.

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant