LM: 26

4.8K 82 1
                                    

Ayah's POV

Saan ba ako dadalhin ng lalaking to? Malayo-layo na to sa bahay ah. Akala ko sa likod lang kami ng bahay.

Gaano ba talaga ka importante ang sasabihin niya para dalhin ako kung saan-saan.

"Hoy! Daniel, san mo ba ako balak dalhin?" Bigla siyang tumigal at humarap sa akin.

"Nandito na tayo."

Napatitig lang ako sa kanyang mga mata, sa ilong at sa labi niya parang ang sarap halikan.

Aizt! Ano ba yan, nahahawa na ako kay Cyrus na pinapantasyahan si Daniel.

"H-huh?"

"Sabi ko nandito na tayo." Sabi ko nga. Ay ano ba yan.

"Oh, nandito na pala tayo.___Anong importanteng sasabihin na kailangan pa nating lumayo." Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay niya sa dibdib niya.

Naramdaman ko ang lakas ng pagtibok ng puso niya. Gayun din sa akin.

Anong ibig sabihin nito?

"Nararamdaman mo ba Ayah?" Tumango ako.

"Ikaw ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayah,mahal na mahal kita. Alam kong hindi ka maniniwala ka dahil kakahiwalay lang namin ni Steph pero ang totoo niyan ikaw talaga ang mahal ko. Natakot kasi ako nawala ka sa akin kaya hindi ko na sinabi sayo at binaling ko nalang kay Steph ang nararamdaman ko, pero hindi eh, ikaw pa rin talaga."

"Ayah, mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako kahit na maghihintay ako ng mahabang panahon."

Napaiyak ako sa sobrang saya sa mga sinabi niya. Mahal niya rin pala ako. Akala ko, one-sided love lang yung mangyayarh sa amin, hindi pala.

"Bakit ka pa maghihintay ng matagal, eh mahal rin naman kita." At niyakap siya. Ano pa bang magagawa ko? Nagtapat na eh. Alangan naman magpapakipot pa ako.

"Talaga Ayah, mahal mo rin ako. Ibig ba sabihin nito. Tayo na?" Tumango ako. Ano ba nga ba, mahal ko siya, mahal niya ako. Edi, KAMI NA!

"Ano ba Daniel, mahuhulog ako." Bigla ba kasi akong binuhat at inikot-ikot sa ere.

"Salamat Ayah, mahal na mahal kita." At hinalikan niya ako sa labi.

"Mahal din kita, Daniel."

-----

Author's POV

Magkahawak kamay ng bumalik sina Ayah at Daniel sa bahay nila. Naabutan pa nila ang mga bisita nila na nag-iinuman at nagkakantahan.

Tulad nilang dalawa masayang-masaya din sina Mang Nestor at Aling Rita na makita silang dalawa na magkahaway kamay.

Hindi naman tutol ang mag-asawa sa relasyon nilang dalawa. Alam kasi nila na magiging masaya ang dalawa.

"Nay, Tay, may sasabihin po kami." Panimula ni Ayah sa kanilang mga magulang.

"Kami na po ni Ayah." Diretsang sabi ni Daniel.

Hinampas ni Ayah si Daniel dahil nagpadalus-dalos itong sabihin sa kanyang mga magulang. Napag-usapan kasi nila habang naglalakad pauwi na dahan-dahin daw nila ang pagsabi sa magulang nila na sila na.

"Wag mo ng awayin si Daniel anak, alam na namin ng Tatay mo na mangyayari. Nagpaalam na siya sa amin bago siya magtapat sayo." Sabi ng kanyang Ina.

"Oo anak, at hindi naman kami tutol ng Nanay mo kay Daniel dahil mabait at masipag tong batang to." Sabi ng kanyang ama sabay tap sa ulo ni Daniel. Magkatabi kasi sila.

"Oh siya, magpahinga na kayo lalo na ikaw Daniel madaling ka pang gising para katayin si Oinky." Biglang naningkit ang mga mata ni Ayah na humarap kay Daniel sa narinig niyang sinabi ng Nanay nila.

"DANIEL, IKAW ANG PUMATAY KAY OINKY?!" Sigaw ni Ayah. Agad namang nagtago si Daniel sa likod ng Nanay nila. Nakakatakot kasi yang si Ayah kapag galit.

"Sorry, na Ayah. Ibibili nalang kita ng bago. Bukas na bukas din." Sabi ni Daniel sabay nagpeace sign.

"DANIEL!" Tumakbo na si Daniel dahil hindi hinabol siya ni Ayah.

"Ayah! Tigil na. Ibibili talaga kita ng bago." Nagtatakbo pa rin si Daniel habang hinabol siya ni Ayah.

"DANIEL, TUMIGIL KA NA PEPEKTUSAN TALAGA KITA."

"Eh, hinahabol mo ako eh, tumigil ka muna bago ako titigil."

Napailing-iling nalang sina Aling Rita at Mang Nestor.

"Para pang mga bata."

*****

Pasensiya na po kung natagalan ako sa pag-uupdate. Nitong mga nakaraang araw kasi sobrang busy ko. Hindi ko naman kasi maisingit tong pag-uupdate ko kaya kunting tiis lang mga readers.

Hehehe.

MARAMING! MARAMING SALAMAT PO!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon