LM: 28

4.5K 83 1
                                    

Ayah's POV

"AYAH!"

.

.

"AYAH! ASAN KA NA?"

.

Sino ba yan ang ingay! Kitang natutulog tong tao.

"AYAH?!" Nagulat ako ng may humila sa laylayan ng damit ko at nahulog ako.

"Ayah, okey ka lang ba? Pasensiya ka na." Aizt! Ang sarap ng tulog ko sa itaas ng puno tapos guguluhin ako ng lalaking to.

Teka, paano siya napadpad rito? Sekreto ko lang ang lugar na ito ah.

"Ayah, naman pinag-alala mo ako akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Naramdaman ko na nga ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Ayah, patawarin mo ako. Hindi naman kami nagkabalikan ni Steph nandun siya para dalhan ng tanghalian ang boyfriend niya na kasamahan ko.__Ayah, mahal na mahal kita."

Nawala nalang ang galit ko sa kanya. Wala naman pala siyang kasalanan, ako lang tong paranoid.

Niyakap ko na rin siya bilang ganti sa pagyakap niya sa akin.

"Patawarin mo rin ako, Daniel basta-basta lang akong naniniwala sa nakikita at narinig ko. Dapat naghintay ako sa paliwanag mo." Pinakawalan ko ang mahihina kong hikbi, kanina pa kasi ito nagbabadya.

"Sssh! Kalimutan na natin to. Okey?___Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Daniel."

-----

"Mga anak, hali na kayo. Nakahanda ng ang hapunan natin." Aya sa amin Nanay.

"Mga anak, aalis kami ng Nanay niyo sa susunod na araw. Pinapatawag kasi ako ng Mayor sa kabilang bayan para gamutin ang anak niyang may sakit." Pahayag ni Tatay Nestor.

"Kayo muna ang bahala rito kay Kiko." Nanay Rita.

"Wag po kayong mag-alala Nay, Tay, ako po ang bahala sa kanila, hindi ko po sila pababayaan." Saad ni Daniel kina Nanay Rita at Tatay Nestor.

"Asahan ko yan, Daniel." Tatay Nestor.

"Siya magsitulog na kayo. Malalim na ang gabi." Sabi ni Nanay.

Gaya ng sabi ni Nanay, nagsipuntahan na kaming tatlo sa aming mga kwarto. Magkasama sina Daniel at Kiko sa isang kwarto, ako naman solo.

Prinsesa ako ni Tatay noh!

Sige na, matutulog na ako.

Zzzz

*****

Enjoy reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Where stories live. Discover now