LM: 30

4.9K 94 1
                                    

Daniel's POV

Pauwi na ako sa bahay dala ang masamang balita.

"Kuya Daniel, ang aga mo ata ngayon?" Tanong ni Kiko.

"Ang ate Ayah mo, Asan?"

"Nandito ako, Daniel." Lumabas si Ayah mula sa kusina namin.

"Masamang balita. Sumabog ang sinasakyang bus nina Tatay at Nanay pauwi rito." Kailangan ko tibayan ko ang loob ko. Ako ang panganay kaya responsibilidad ko sila.

"Hindi totoo yan Daniel." Sabi ni Ayah habang umiiyak gayun din si Kiko.

Nangako ako kina Nanay at Tatay na hindi ko kayo pababayaan. Magiging matatag ako para sa atin.

Isang linggo na ang nakalipas ng magmula nong namatay sina Nanay at Tatay. Nagpursige akong magtrabaho gayun din Ayah para may pangtustos kami sa aming pangangailangan at sa pag-aaral ni Kiko.

"Kuya Daniel, Ate Ayah, pwede naman po akong tumigil sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa inyo." Sabi ni Kiko habang kumakain kami ng hapunan.

"Nangako ako kina Nanay at Tatay na hindi ka titigil sa pag-aaral. Hayaan muna kami ni Ate Ayah mo ang magtrabaho. Mag-aral ka nalang ng mabuti." Sabi ko kay Kiko.

-----

"Daniel, ikaw muna ang bahala sa bigasan. May pupuntahan muna ako sa karatig bayan." Bilin sa akin ni Aling Letty.

"Opo. Aling Letty."

"Nga pala, Daniel, darating mamaya si Manong Benjo ikaw ng bahala sa mga order niya." Pahabol ni Aling Letty.

.

"Magandang hapon, pwede na bang kunin ko yung order kong bigas?" Ito na siguro si Mang Benjo.

"Kayo po ba si Mang Benjo?" Nagulat yung matanda ng lumabas ako. Anong nangyari sa matandang to?

"Si-Sir Dave? Buhay po kayo!" Bigla niya akong niyakap.

Sino to? At Sinong Dave?

"Sir Dave, ako po ito si Benjo. Butler niyo nun." Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Kilala niyo po ako? At Dave po ba ang tunay kong pangalan?" Tanong ko sa kanya.

"Opo Sir Dave, matagal na po namin kayong hinahanap lalong-lalo na po ni Mam Amanda. Ang akala na nga po namin patay na kayo."

Amanda? Sinong Amanda? Siguro Nanay ko.

"Sinong Amanda, Manong Benjo?" Nagulat siya sa tanong ko. Siguro nga iniisip niyang bakit hindi ko kilala ang Nanay ko.

"Pasensiya na po, Manong Benjo wala po kasi akong maalala. Sabi sa akin ng mga kumupkop sa akin na nagkaamnesia po raw ako."

"Hindi mo talaga siya naalala?"

Umiling-ilin ako.

*****

Keep on reading!

Thank you!

-deekeecee

LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang