LM: 16

5.7K 111 2
                                    

Daniel's POV

Pauwi na kami ni Tatay Nestor galing sa bayan.

Habang naglalakad kami panay pa rin ang tanong niya sa akin na kaya ko na ba magtrabaho. Nakuha kasi ako sa palengke bilang isang kargador.

"Kaya ko na po. Nahihiya na po kasi ako sa inyo ni Nanay."

"Oh! Sige, ikaw bahala. Basta, kapag may naramdaman kang sakit tumigil ka na."

"Opo Tay!"

Nakarating na kami ng bahay at sakto namang nakahanda na ang pananghalian.

Naghugas muna kami ng kamay ni Tatay at tsaka naupo sa hapag kainan.

"Anak, nasabi na sa akin ng Tatay mo na tinanggap ka raw ni Letty bilang kargador sa bayan?" Tanong ni Nanay Rita.

"Opo nay! Gusto ko po kasing makatulong sa gastusin natin dito sa bahay."

"Kaya mo na ba? Baka mapano ka." Napalingon ako kay Ayah at bigla naman siyang yumuko.

"Tama si Ayah anak, baka mapano ka." -Nanay Rita

"Nagkasundo na kami ni Daniek, kapag may naramdaman siyang sakit ay titigil siya." Sabi naman ni Tatay Nestor sabay subo ng pagkain.

"Ganun vah! Sige. Ikaw bahala, basta kapag may sumakit tumigil ka na."

"Opo Nay!"

Matapos na kaming kumain, tinulungan ko siya Ayah ng magligpit ng pinagkainan namin.

Tahimik lang siya habang naghuhugas. Siguro galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari nong isang araw.

"Ayah, galit ka pa ba sa akin? Sorry na, hindi ko sinasadya yun. Pansinin mo na ako." Dalawang araw na kasi niya akong hindi pinapansin.

"Hoy! Ayah! Pansinin mo na ako." Nakapout pa ako niyan ah.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin baka kasi maulit pa yung nangyari.

Pero aaminin ko ang lambot ng labi niya. Wag kayong maingay baka mas lalo pa siyang magalit sa akin.

"Tigilan mo nga yang pagpapout mo di bagay sayo." Bigla na lang siyang umalis.

Haaay! Ano kaya ang gagawin ko?

Ayah's POV

Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa nangyari nong isang araw. Nahihiya lang talaga ako sa kanya.

Kasalanan ko naman yun, bakit pa kasi ako lumingon.

Lumabas ako ng bahay pagkatapos kong maghugas at pinuntahan si Oinky, pinaghanda ko na rin siya ng pagkain niya.

"Ito ng pagkain mo Oinky, magpakabusog ka diyan." Pinagmamasdan ko lang si Oinky kumain.

Ang takaw talaga ng baboy na to. Hehe.

"Hello Oinky, masarap ba yang pagkain mo? Mukhang takam na takam ka huh." Sabi ni Daniel na kakaupo sa tabi ko.

"Haaay! Oinky, dalawang araw na akong hindi pinapansin ng Nanay mo. Nakakamiss na siya." Kung makapag-usap sa baboy parang wala ako sa tabi niya.

"Sana Oinky, pansinin at patawarin na niya ako."

Papansin ko na kaya? Eh, nahihiya kasi ako.

Bahala na nga!

"Kung makapag-usap ka sa baboy parang wala ako sa tabi mo noh?"

Agad naman siyang lumingon sa akin at niyakap.

Teka, anong nangyayari?

"Oink... Oink..."

Napabitaw naman agad siya sa pagkakayakap sa akin ng biglang nagsalita si Oinky.

Bigla namang uminit ang mukha ko.

"Sorry... Sorry... Ayah, namumula ka may sakit ka ba?" Ako namumula? Hala, kahiya naman. Sana hindi niya malaman bakit ako namumula.Hinawakan naman niya ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Bakit ang pula ng mukha mo?" Eh kasi kinikilig ako pero di ko yun sinabi sa kanya. Kahiya kaya.

"Tara na lang sa loob, baka nainitan ka lang. Sobrang init naman kasi ngayon." Salamat naman hindi niya alam. Inalalayan niya ako patayo at pumasok na kami sa loob ng bahay. Naabutan pa nga naming nanunuod ng TV sila Nanay at Tatay.

"Sige, magpahinga ka na muna." Pagkatapos niya akong ihatid sa kwarto namin ng Kiko ay lumabas na siya.

"Nakalimutan ko. Salamat dahil pinansin mo na ulit ako. Yun lang, si matulog ka na." Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na ulit siya ng kwarto ko.

Ewan ko, kung anong nangyari I feel something strange towards him?

Napapaenglish na tuloy ako. Sige na nga, makapagpahinga na nga.

*****

Vote? Comment?

Thank you!

-deekeecee


LOST MEMORIES --[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon